Chapter 3

13.3K 166 3
                                        

Alas tres na ng hapon, nandito pa rin ako sa store ng Forever21. Tss. Wala namang forever. Dumiretso agad ako dito matapos lisanin ang ospital. Hindi pa ako nakakapili ng magandang susuotin para mamaya. Dapat 5 pm tapos na akong maligo at nakabihis na. Traffic pa naman pagpatak ng alas sais.

Nagpatuloy ako sa paglalakad-lakad, binabalewala ang mga Sales Clerk na kanina pa ako tinititigan. Bahala sila diyan mag-isip ng kung anu-ano. Pero minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong napipili!

"Uh... Ma'am—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tumunog ang cellphone ko. Nginitian ko muna ang Sales Clerk bago sinagot ang tawag at lumayo sa kanila.

"Oh, bakit?"

"Wala man lang hello?", sarkasmo ni Josh.

Umirap ako. "Ano nga kasi? Busy ako... Mamaya ka na lang tumawag kung 'yan lang sasabihin mo."

"Ang sungit mo masyado, noh? Eh wala ka naman karapatan."

"Excuse me?", umarko ang kilay ko.

Alam kong inirapan ako ni Josh nang matahimik siya. Ano naman kaya ang problema nito?

"Isusumbong na lang kita kay Doc. Marvin... , he trailed on.

Saglit akong natigilan. Tumambol ang puso ko nang maintindihan ang sinasabi niya.

"I-Is this about... Mr. Alfredo?", hula ko dahil yun lang naman na pasyente ang bumabagabag sa akin after ng shift ko. Feeling ko kasi may mali akong nagawa at hindi ko alam kung ano.

"Tumpak! Oh ano? Magsusungit ka pa ba?"

Tumulis ang nguso ko habang pinaglalaruan ang damit na kulay pula. Mukha itong maganda. Ito na lang kaya? Tatawagin ko sana yung Sales Clerk pero 'di na kailangan, sumulpot na lang ito bigla sa harap ko.

"Ito na po ba Ma'am ang napili niyo?", kahit nakangiti siya hindi pa rin niya naitago ang iritasyon sa mukha.

Tumango na lang ako bilang sagot at sinundan siya sa Fitting room. Nawalan na ako ng ganang ngitian sila lahat, kaya nagmukha akong snob sa paningin nila.

"Teka lang, ano ba kasi ang nangyari kay Mr. Alfredo?", tanong ko kay Josh, hindi pa rin binababa ang tawag.

"Allergic lang naman ang pasyente mo kanina sa anti-biotic na ininom. Galit na galit ang Nanay ni Mr. Alfredo dahil hindi mo man lang daw nahalata ang napansin ko sa anak niya..."

Kumunot ang noo ko at marahas na hinablot sa kamay ng Clerk ang damit pati number bago dumiretso sa cubicle.

"Ma'am, hindi po yan ang—"

"Heh! Sinira mo ang mood ko kaya manahimik ka!", singhal ko dito. Mali na naman ang inasta ko ngayon!

Alam kong masama ang ginawa ko, pero nakadagdag sila ng mga katrabaho niya sa iritasyon ko kanina pa. Tatarayan nila ako pagkapasok na pagkapasok ko porke naka-jogging pants lang ako at tshirt after nila ako i-head to foot? Ako, na customer ng Forever21 at kung makaasta sila ay parang sila ang may-ari? To hell with them!

Pagka-lock ko ay saka nagsalita si Josh. "Anyare, girl?", usyoso nito.

"Wala, magkuwento ka na."

"Anyway, naayos ko naman na ang problema. Hindi na ito makakarating sa gwapo nating Doctor."

Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil doon. Kinuha ko sa bag ang Air Pods at agad kinonekta ito sa bluetooth ng cellphone. I put it in my ears and continued talking to Josh as I try on the red fitted dress.

"Wala naman si Doc nung nakausap mo yung pasyente?", kinakabahan kong tanong.

"Maswerte ka dahil wala. Sa susunod kasi, wag mo ipahalatang nagmamadali ka. Isa pa, ba't hindi mo napansin na namumula na ang pisngi ni Mr. Alfredo at hindi na makahinga?", tunog akusa ang boses niya.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon