Book 2

5.5K 98 27
                                        

Magulo ang kwarto. Nagkalat ang bote ng alak sa sahig, pati na rin ang bedsheets ay punit-punit. Nagkanda-sira-sira ang sofa, salamin, bedside table, at marami pang gamit dahil sa pagwawala ni Jake. Lasing na lasing itong umuwi sa manor.

Josh was just outside their room, leaning on the closed door as he silently cried. Both of them were devastated when Claire Agustin left their lives.

Mariing pinikit ni Josh ang kanyang mga mata as memories of that night flooded his shrivelled mind.

"What's happening here? Bakit nandito kayo sa garden, Josh?", kinakabahang sabi ng mother-in-law niya na si Jennette.

Even inside his head, he cannot call the ageing woman, "Mama Jennette" because of their family's history with the Ignacio clan.

"Hinahanap po namin si Claire, Mrs. Ignacio." He answered, respectfully.

"I already told you to stop addressing me formally..." Bumuntong hininga ang matandang babae. "Anyway, let's just go inside. I'm sure Claire is around somewhere. Donovan will find her for you, Jake... Josh."

Pero sarado yata ang isipan ngayon ng kanyang asawa, kaya naman ay dali-dali siyang lumapit sa tabi ni Jake nang kuwelyuhan nito ang kakambal at mapasigaw sa gulat at takot ang ina nito. Donovan stayed emotionless as his twin brother looked at him with rage.

"What did you do, huh?!"

"Jake!", Jennette called.

"Answer me!"

Ngunit tikom lang ang bibig ng lalake dahilan para makatanggap ng malakas na sapak sa kakambal. Jake brutally let go of Donovan, grimly shaking off Josh's hand along the process that was gripping on his arm tightly.

"Jake!", tawag niya sa kanyang asawa.

Pero tumakbo lang ito patungong main road. Josh looked at Jennette apologetically, while he threw dagger stares at Donovan before running after his husband. Nilampasan niya ang malaking fountain at iilang kotse na naka-park sa gilid.

Gabing-gabi na pero tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga bisita. Maya-maya lang ay nakita na niya ito. Madilim man ang puwesto ni Jake pero kitang-kita niya ang likod nito, at ang dalawang tao na kaharap nito. Bumulagta ang kanyang asawa sa mabatong sahig dahil sa lakas ng suntok na natamo nito sa kausap.

He immediately identified the man nang makalapit siya sa mga ito.

"Papa Joaquin?", he said.

Malamig lang siya nitong tiningnan.

"Bring him inside the office, now."

Sinunod ni Josh ang utos nito. Kahit pa sang-ayon siya sa kanyang asawa na hanapin si Claire ay hindi niya magawa. Tinulungan niyang makatayo si Jake at inalalayan sa paglakad.

Ilang minuto ang nakalipas ay narating na nila ang Manor. Dumaan sila sa pasilyong walang makakakita sa kanila. Gabriel Ignacio is at the Grand Hall, entertaining the guests. Sina Joaquin, Jennette, Marilyn, Donovan, siya at si Jake ang laman ng Office room dito sa third floor ng manor.

"What the hell is happening here? Can someone tell me what's going on?", iritang binalingan ni Jennette ang asawa. "Joaquin, why the hell did you punch my son!"

"It's for his own good, Jennette. Maraming bisita ang pumapasok sa matayog na gate ng Ignacio Manor... we cannot let anyone see him like this." Malamig na litanya ni Joaquin.

Tahimik lang silang nakikinig habang nagtatalo ang mag-asawa. Marilyn is anxiously terrified with what's happening right now. Kapag nalaman nina Edmond ito, siguradong dadagdag lang ang sama ng loob nila sa kanya.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon