Chapter 52

4.2K 52 39
                                        

"May gimmick kami mamaya..." kinakabahang panimula ni Marni habang nagd-dinner sila ni Claire.

Tulog na si Cordelia kaya medyo gumaan na ang trabaho nilang dalawa sa bahay. Well, mostly ay si Marni ang gumagawa ng house chores dahil ayaw niyang naggagalaw si Claire.

"Oh?", napatitig si Claire sa kanya.

Tumindi ang kaba ni Marni kaya binaba niya ang tingin sa kinakain na sardinas at kanin.

"Nanlibre kasi si Ma'am Gina kaya sinusulit ng mga katrabaho ko." Mahinang sabi niya.

"Ma'am Gina? Yung kuripot at masungit niyong manager?", tumango si Marni. Humagikhik si Claire. "Ano kaya ang pumasok sa isip niya at nag-gasta ng malaki, noh? Siguro may love life na yun kaya 'di na bitter."

Napangisi si Marni. Hindi niya naisip ang mga sinabi ni Claire. Kung close lang niya ang mga katrabaho pati si Ma'am Gina, malamang ay kanina pa nakatanggap ng sandamakmak na asar ang mga katrabaho sa kanya.

"Saan ba ang venue?"

"Sa Nantulya Beach."

"Overnight ba?"

"Hindi sakin nasabi ni Jeffrey eh."

Natigilan si Marni nung mapanguso ang nobya. May kung ano sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan dahil agad itong nag-iwas ng tingin. Naghari ang pago-overthink niya dahil sa reaksyon nito. Hindi ba siya papayagan ni Claire? Kasi kung ayaw nitong umalis siya, 'wag na lang. Natatakot kasi siya na baka ito pa ang maging dahilan ng pag-aaway nila.

Lalo na kung sa loob-loob ni Marni ay handang-handa na ang mga salitang inipon niya sa kanyang isipan na hindi naman dapat niya ginawa.

"Madami ba kayo?", tanong ito makaraan ang ilang minutong katahimikan.

"Hindi ko alam eh.." napaisip si Marni. Sa araw-araw na pagpasok niya sa restaurant, parang kakaunti lang silang nagtatrabaho doon.

"Hindi ka naman..."

Napatitig siya sa nobya nung tumigil ito sa pagsalita at nilagok ng isahan ang baso ng tubig. Kumunot ang noo niya dahil nahalata niyang kinakabahan ito.

"Bakit?", mahinang tanong niya.

"Uhm... hindi ka naman attracted sa mga l-lalake, diba?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Claire was looking everything but Marni. Saglita na natigilan si Marni bago kumurba ang matatamis na ngiti sa mga labi. Pumangalumbaba siya sa mesa habang tinititigan ang napakaganda niyang kasintahan na ngayon ay sigurado siyang nakakaramdam ito ng selos ngayon.

***

Marni chuckled mischievously na ikinairita ni Claire. Parang nasisiyahan pa itong pinapanood siyang kinakabahan sa sasabihin nito.

"Nagseselos ka ba?", Marni teased.

"Ba't naman ako magseselos?", depensa niya sa sarili.

"Yeah. You're jealous."

"Hindi ako nagseselos." Mariin na sabi niya.

"Nagseselos ka nga." Marni chuckled before licking her lower lip.

Napaiwas si Claire. "Hindi nga sabi ako nagseselos eh."

"Hay naku, babe..." Marni stared at her lovingly.

Napalunok si Claire at 'di na iginiit pa ang harmless na pagtatalo nila. Hindi naman kasi talaga siya nagseselos. Natatakot lang siyang mawala ang babae sa buhay nila ni Cordelia. Natatakot siyang makahanap ito ng iba. They hadn't even talked about their situation right now. Never silang nakapag-usap ng masinsinan.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon