Chapter 63

3.4K 47 7
                                    

It wasn't that hard to ignore Adriano. Sanay na sanay na siyang hindi ito pansinin dahil kahit kailan, hindi naman talaga sila nagpapansinan na dalawa. Sadyang kailangan niya lang itong kausapin kahit pa alam niyang 'di ito magsasalita dahil bilang Escort, trabaho niyang i-entertain ang kliyente kahit pa tahimik lang ito.

That's how they are trained. Hangga't 'di pa sila nakakatanggap ng sigaw sa kanilang boss, hindi sila mananahimik. Because as what Adriano said, sometimes some of the clients want talkative Escorts even if they do not speak to them.

"What do you want to eat?" Halata ang kaba sa boses nito habang nakatayo sa gilid ng higaan.

Adriano's trying to be in good terms with her, again, this Saturday morning. Gising na gising na siya, and thank goodness, walang Tiburcia, o Ignacio, o Gonzales na naghihintay sa labas ng kanilang unit! It's just her and Adriano. Wala na siyang balita tungkol kay Rowan at ayaw na niyang makibalita dahil wala naman iyon importansya para sa kanya.

The plan to ruin the Alpha was a success.

Claire remained motionless on the bed as she scrolled down a few post on her Facebook feed. Wala siyang ganang makipag-usap dito dahil tinatamad siyang magsalita. And also, she's liking this side of Adriano. Her lips twitched in delight. A nervous submissive. A seemingly good puppy. Just like how she acts in front of him all the time.

"D-Do you want...uhm...sausage?"

Umarko ang dalawa niyang kilay. This is the first time to hear him terribly stutter. Ngumuso si Claire. May multong ngiti sa labi habang pilit niyang tinatabunan ang mukha ng yakap na unan. She can't let Adriano see her smiling and delighted face! Mabibigo siya. Well...wala naman masamang ipakita na natutuwa siya sa reaksyon nito ngayon, ngunit ayaw niyang mapurnada ang kanyang tagumpay.

Ayaw niya lang talagang makausap si Adriano. Napapagod na rin siya maging Escort nito. Sa nagdaang halos isang taon, wala siyang ibang ginawa kundi ang ibigay ang sarili dito ng buong-buo. Walang pag-aalinlangan. Lahat ay naaayon sa kanyang pagpayag.

Unti-unting napawi ang kanyang ngiti. Natigil ang daliri niya sa pag-scroll. Naaalala ang unang mga buwan ng pagiging Escort niya para kay Adriano. Those were the nights she tasted a man slapping her with thousands of cash, metaphorically. Pakiramdam niya ay isa siyang walang kwentang babae. Putting aside her pride and dignity, it was like she's already living in hell yet never died. But because she's doing it for herself...for revenge...she will do everything in her little power to destroy these men. No matter what it costs her.

Monday ng umaga ay kumalabog ang dibdib ni Claire sa kaba nang makita na wala na ang anak sa kwarto nito. Hinanap na niya sa playroom, living room, at kusina pero wala. Tanging si Yaya Aileen lang ang nandoon. Kalmado ito at tahimik na abala sa paghuhugas ng mga tsupon ng kanyang anak. Anger simmered in her heart as she watched her maid seemingly not caring about anything in the world.

"Nasaan si Cordelia? Nasaan ang anak ko!" Napasigaw na siya dahil sa tindi ng takot na nararamdaman.

Sumagi lang sa kanyang isipan na maaaring may nangyari ng masama sa kanyang anak ay para na siyang mahihimatay sa nerbyos at takot. How could even Cordelia end up missing in her own home? Si Yaya Aileen lagi ang kasama nito. At kung naiwala man ito ng dalaga, papaano naman at bakit?!

Nahulog ni Aileen ang hinuhugasang takip ng tsupon dahil sa sigaw ni Claire. Bilog na bilog ang mga mata nitong kinakabahang nakatitig sa kanya.

"M-Ma'am—"

"Where is my daughter, Aileen!" Nilapitan na niya ito sa pagkataranta.

Napayuko ang dalagita at umatras. "Pasensya na po, ma'am...akala po kasi namin ni S-Sir Adriano ay...ahm...matutuwa kayo dahil siya na ang naghatid sa anak ninyo sa eskwelahan."

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon