Chapter 11

9.7K 122 1
                                    

I want to just succumb to this sensational feeling. Kung hindi ko lang naalala ang tinawag niya sa akin, baka hinayaan ko na naman ang sariling magpa-angkin sa init na nararamdaman.

Nakatanggap ng malakas na sampal si Josh sa akon dahilan para matigil ang paggalaw ng mga katawan namin. Though I have been wanting to reach my peak, I controlled myself. Hindi ako nakahinga ng maluwag nung balingan niya ako. Was it because of the erotic feeling he inflicted me? Or the way his cold and dark eyes turned me on? Either way, I am conflicted about my emotions.

"Stop treating me like I'm your paid whore, Josh..." I swallowed the bile on my throat, suppressing the tears that was about to escape. "I'll leave your condo if I am such a bitch who's ruining your love life."

Nanghihina man ay tinatagan ko ang sariling umalis sa ibabaw niya. My knees are trembling as I walked towards my room. Lumandas ang mga luha sa pisngi ko pagkapasok sa kwarto. I am clueless of where I could stay. Gusto kong humingi ng palugit kay Josh, tumira muna ako rito hanggang sa makahanap ng panibagong trabaho... pero alam kong hindi pwede iyon.

I don't want anyone thinking that I am a gold digger. Masakit masabihan ng ganoon lalo na kung hindi naman totoo.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko nung dahan-dahan ang pagbukas ng pintuan. Narinig ko ang pagtikhim ni Josh habang pinapanood akong ilagay sa maleta ang mga damit.

"Saan ka pupunta?"

Ayaw ko sanang sagutin pero napaka-childish ko naman para gawin 'yon.

"Anywhere..."

"Saan ka kukuha ng pera?"

"Bahala na..."

"The city is dangerous, are you seriously gonna leave?", may bahid ng iritasyon ang tono niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Nakaramdam na rin ako ng iritasyon kaya kahit na sunod-sunod ang mga tanong niya, hindi na ako nag-abalang sumagot pa. I zipped my luggage and started walking towards the door where he's leaning on.

"Hindi ko na dinala mga regalo niyong damit. Iniwan ko na rin sa loob ng dresser ang mga alahas na natanggap ko sa inyo," malamig ko siyang tinitigan. "You can search me kung pinagdududahan mo ako, besides, magnanakaw din ang isang gold digger, diba?" I mocked him.

Umigting ang panga ni Josh. Lumikot ang mata niya habang pinagmamasdan ang simple kong jeans at black oversized shirt, mga luma kong damit na hindi ko na ata napagtuonan ng pansin.

Just staring at him now, alam kong malalim ang iniisip niya. He keeps on switching from toe to toe. His hands are fidgety and his thick eyebrows are furrowed in frustration. Ginawa nga niya ang sinabi ko.

Chineck niya ang leeg ko kung may tinatago bang kuwintas... o kaya naman ay hikaw na nakatago sa ilalim ng tenga ko. Sunod ay naramdaman kong lumandas ang kamay niya pababa sa bewang ko. Kumalabog ang dibdib ko nang tumagal ang hawak niya doon at bahagya akong hinila palapit sa kanya.

Napalunok ako nang masalubong ang kumikislap niyang mga mata. What the hell?

"Pwedeng pakibilisan?", nanginig ang paghinga ko nung maramdaman ang isa niyang kamay na lumusot sa back-pocket ng jeans.

Damn! Suggesting this to him is such a bad idea.

"Masyado kang atat."

Umirap ako. "Hindi mo ba nahahalata na malapit ng gumabi? Saan pa ako nito makakahanap ng matutuluyan kung delikado na sa daan?"

Napaisip naman siya... taking in consideration what I just said. Hindi na lang siya nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa. Pero napasinghap ako nung dalawa na ang kamay niyang nasa bawat back-pocket at malakas akong tinulak palapit sa kanya.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon