Chapter 4

12.1K 140 23
                                    

"Uuwi ka na?", may bahid ng lungkot ang boses ni Marni.

Pinangalahatian ko muna ang pangalawang bote kong Smirnoff bago sumagot.

"Oo eh. Pinapauwi na ako ng feeling boss na 'yan," sabay turo kay Jake na ngayon ay malanding nakikipagsayaw kay Josh.

"Ha? Bakit?"

"Nabadtrip kasi nung may lumalapit sa akin habang sumasayaw kami."

Marni barked a laugh before drinking her shots. "Ang sweet naman ng best friend mo, pero hindi ba niya alam na bar ito?"

"Yun na nga eh!" I grimaced. "Sinabi ko na sa kanyang normal lang na magkiskisan ang mga tao dito kasi, nasa bar sila. Pero ayaw niyang makinig, gusto niya siya ang masunod," bumusangot ako nung kindatan ako ni Jake bago sila naghalikan ni Josh habang pinapalibutan ng sumasayaw na mga babae.

Inirapan ko si Marni na tinawanan lang ako. "Wag ka ngang ganyan, Marni. Lalo lang akong nababadtrip," inubos ko ang pangalawang bote bago kinuha ang pangatlo at nilagok ito.

"Whoa... Alam kong iritada ka sa ginawa ng best friend mo pero, may iba pa bang rason kaya ka nagpapakalasing?"

Umirap ulit ako. "Oo! Yung nireto mo sa akin kahapon, pati kanina, hindi man lang ako sinipot!"

Malakas na humalakhak si Marni habang pinapalo-palo ang braso ko.

"Tigilan mo ako sa kakatawa at hampas mo, ihahampas ko sayo yung mga nirereto mo!"

"W-wait... Sorry na kasi," she took a deep breath after laughing so hard with a pig-snort. "Hindi ko naman alam na 'di ka sisiputin," sabay iwas niya ng tingin.

Inirapan ko siya. Kaunti na lang siguro, titirik na mata ko sa kakairap. Paanong hindi, eh 23 na ako tapos wala pa rin jowa? And may V-card pa rin! Idagdag pang papunta na ang dalawang mag-jowa sa table namin habang magka-holding hands.

Sinong hindi maiinggit at maiirita? Puwes, sila na ang happy! Kainis. Tapos pagbabawalan pa nila akong mag-bar?

"Tara na," aya ni Josh, tunog nang-aasar pa ang boses niya.

I mentally cursed when Jake held out his hand to help me stand up. Alam nilang nahihilo na ako pagpatak ng tatlong bote, kaya kahit papaano ay naibsan ang inis ko dahil sa pagiging caring nila. Tatayo na sana ako nung hawakan ni Marni ang kamay ko.

"T-teka lang... may sasabihin lang ako kay Claire. Ako na hahatid sa kanya sa labas ng bar."

Malamang hindi tatanggi ang dalawa kong best friend, more kissing pa kasi habang wala ako. Baka nga may magawa pa sila kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin ni Marni. Umalis na ang dalawa kong kaibigan, magka-holding hands pa rin.

Habang si Marni naman ay hinila ako patungong pintuan ng bar matapos makalabas sina Jake and Josh at mawala sa paningin namin. Nang humarap ako kay Marni para magtanong, mga labi niya ang nasalubong ng labi ko.

Dilat na dilat ang mga mata ko sa gulat as her lips lingered on mine. Nakapikit si Marni habang unti-unting dinidiin ang mga labi sa akin. Her hands suddenly snaked on my waist as I try so hard to be sane.

Itutulak ko na sana siya pero kusa na siyang lumayo. Her eyes sparkled with fire as she looked at me. May kakaiba sa mga titig niya bago umiwas sa mga mata ko habang binubuksan ang pintuan ng bar.

"U-uwi ka na... " Marni said in a low voice, almost nervous about what I'd do to her after what she just did.

Nakalabas na ako at mabagal na naglalakad papuntang parking lot ay tulala pa rin ako. Ni wala akong masabi sa ginawa niya sa akin. I don't even know if I should be angry, or something, about what happened.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon