"You cannot leave me." Mariing nakayakap si Adriano sa likod ni Claire habang nagtutupi ng mga damit at inilalagay sa maleta matapos.
Wala siya sa mood para pigilan ito kaya hinayaan na lang niya. Kararating pa lang niya galing sa simbahan na iyon at ang lumuluhang mga mata ni Adriano na puno ng sakit ang bumungad sa kanya. He must have fired Aileen dahil wala na ang mga gamit nito nang bisitahin niya ang kwarto ng katulong.
Claire just went here to get the rest of her things that she left here.
"Let go, Adriano. Marami pa akong aayusin." Walang buhay na pahayag niya.
Ramdam niya ang paggalaw ng ulo nito sa kanyang balikat. Lumipas ang ilang minuti na ganoon ang kanilang ayos. Mas lalo lamang nitong hinigpitan ang yakap nang maisara ni Claire ang maleta. She's done packing. All that's left is to leave him.
Iritadong bumuntong hininga siya, pinaparamdam kay Adriano na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito. That made him loosen up his hold on her and she took that opportunity. Dala-dala ang dalawang maleta, nagsimula na siyang maglakad patungong pintuan.
But only to be stopped. Namilog ang mga mata niya sa gulat. She could not comprehend what was happening. Lalo lamang nablangko ang kanyang isipan nang makita ang pagmamakaawa ni Adriano sa kanya.
"Please... don't leave me." His pained eyes sparkled with tears streaming down his face.
She could see the hopelessness in his eyes as he kneeled in front of her. She felt a pang in her chest. Kung naging mabuti lang kasi ito sa kanya. Kung sana ay hindi nito ipinapamukha sa kanya na isa lamang siyang babaeng kaya niyang bilhin... kung naging mabuti lang ito sa kanyang anak, she could've chosen Adriano.
But the guy never liked Cordelia from the start. Claire remained cold and firm with her standing, kahit pa nagsisimula na siyang maawa sa lalake.
"You're showing too much weakness, Adriano—"
"I don't care."
Tuluyan na siyang hindi nakagalaw nang yakapin nito ang kanyang mga binti. She bit her lower lip.
"Tumayo ka riyan. Kahit dumugo pa ang tuhod mo kakaluhod, hindi kita pipiliin."
"S-Sigurado akong tinakot ka ng pamilya ko para iwan ako at 'wag piliin." Tumingala ito sa kanya, pero iniwas niya lang ang kanyang mga mata. "But you were gonna choose me, right?"
"No."
"But I felt it..." mas lalong nahirapan si Claire nang mabasag ang boses nito. "...you were gonna choose me. I felt it, Claire. Mahal mo ako."
She looked up to control the tears trying to escape. Umigting ang panga niya.
"You felt that way because that's what I want you to think and feel, and not because I love you..." Pinatatag niya ang sarili. Matapang at malamig niyang sinalubong ang nangungulila nitong mga mata. "...I never did."
"Dalawang ticket po..." Claire said nang siya na ang kaharap ng tinderang may nginunguyang bubblegum.
"Patungo saan?"
"Amparo Town."
"Dalawa ang Amparo Town. Mayaman o mahirap?" Masungit nitong tanong.
"Mahirap po."
From a certified Nurse, to a broke single-mom. Iyan ang pumapasok sa isip niya kapag naririnig ang salitang 'mahirap'.
"Salamat po." Marahan niyang kinuha ang ticket na inabot sa kanya.
Mas lalo siyang nahirapan nang pagtalikod niya ay nagtama ang mga mata nila ni Jake. Basang-basa ang pisngi nito dahil sa luha. Josh is standing beside him, staring at her. Nasa kabilang kalsada ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Trieja: Jake And Josh [Under Revision]
Ficción GeneralSiya si Claire Agustin, nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital at may dalawang kaibigan na nagngangalang Jake at Josh. Sila nga ata ang pumalit sa Hollywood actor na gumanap bilang Drake and Josh, pero mas gwapo itong dalawang kaibigan niya ng i...