After that embarrassing moment, I was advised to be on the second floor. Wala man lang explanation kung bakit kailangan kong manatili dito along with these numerous girls looking so clueless as I am.
"Andito na ba ang lahat?"
May bakla na lumapit sa amin habang sinusuri kami. Walang nagsalita kahit isa sa amin, di malaman kung ano ang isasagot sa kanya.
"Fine. Magr-roll call ako kaya dapat 25 lahat kayo," inangat niya ang hawak na folder. "Marjorie.."
Walang nagsalita.
His eyebrows twitched as if he's annoyed. "'Wag mo ng hintayin na gamitin ko ang totoo mong pangalan, Marjorie," mariin niyang banta.
"H-Here," someone from the front said.
Naka-linya kaming mga babae at nasa bandang gitna ako kaya hindi ko makita kung sino ang Marjorie na tinawag niya.
"Maxine."
"Here."
"Courtney."
Nagpatuloy siya sa pag-roll call. Kabadong-kabado ako sa nangyayare ngayon. Is this another part of the training? Ilang minuto pa ang lumipas bago siya umalis nang ma-check kaming lahat. We are, indeed, a total of 25 girls. 25 clueless Escorts.
"Ano..." May kumalabit sa likod ko.
Nasalubong ko ang babaeng halos kapantay ko.
"Bakit?", I asked.
"Tingin mo, tayo ang magp-present ng ia-auction sa mga guests?"
Nagsimula ang bulung-bulungan ng iba nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako agad nakapagsalita at natitigan siya. Posibleng tama ang hinala niya. I glanced at the antique small pillars that's placed to our far right next to the railings of the second floor.
Bawat pillars ay may mga item na naka-display. Halos lahat ay maliliit at hindi ko maintindihan ang structure nito. All I know is that, these items are foreign to me.
"Baka nga... " I whispered.
Pwedeng kami nga ang magbibitbit nito habang ina-auction sa baba.
"But, why us?", tanong niya ulit.
"Is it because we are Escorts?", tanong ng isa pa.
"Pero akala ko we are only hired to attend to our clients. Sa pagkakaalam ko, ang serbisyo natin ay sinasamahan lang sila sa kanilang mga pinupuntahan."
May point ang sinabi ng nasa likod ko.
"Let's just watch kung ano ang susunod na mangyayare. We can just penalize them for breaching the contract. After all, they never specified what they needed and wanted from us. Just plain, three conditions."
Napatango ang iba. Maging ako, dahil napagtanto kong hindi lang ako ang may ganitong sitwayon tungkol sa contract. I was startled a bit when suddenly the lights went off.
"Nagsisimula na ata--"
Naputol ang sasabihin ng babae sa likod ko nung bumalik ang bakla.
"My goodness, nakalimutan ko ang number! Oh, ipasa niyo yan. Tingnan niyo ang likod ng numero kung naandyan ang pangalan ninyo. Sino si Alessandra?"
Kumalabog ang dibdib ko nang mapatingin sa akin ang iba. Tumindi ang kaba na naramdaman ko nung masalubong ang matalim na mga tingin ng bakla. He gestured me to go to him.
Nang makalapit ako ay bigla niyang tinali sa bewang ko ang pabilog na papel na may nakalagay na number 1.
"Bumaba ka nga ng konti, ang tangkad mo di ko masusuot itong kuwintas sayo."
BINABASA MO ANG
Trieja: Jake And Josh [Under Revision]
General FictionSiya si Claire Agustin, nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital at may dalawang kaibigan na nagngangalang Jake at Josh. Sila nga ata ang pumalit sa Hollywood actor na gumanap bilang Drake and Josh, pero mas gwapo itong dalawang kaibigan niya ng i...
![Trieja: Jake And Josh [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/126300001-64-k328895.jpg)