Is it really possible to ruin someone you love?
Yes.
Jake and Josh ruined her. They destroyed her life. Kung hindi niya lang nakilala ang mga ito, baka nagtatrabaho pa rin siya sa ospital. Kung 'di man, baka nag-apply siya bilang teacher sa isang University. Ganito naman sa Pinas diba? Walang problema kahit wala kang lisensya, lalo na kung sa isang Private school ka magtatrabaho. Pasok ka sa pagiging teacher kahit 'di Education ang tinapusan mong course.
"Ma'am, wala na pong gatas si baby." Anang Aileen.
"Wala bang dinala si Adriano kagabi?" Umiling ito. Humugot ng isang malalim na hininga si Claire, pilit pinipigilan ang pag-akyat ng iritasyon sa kanyang ulo.
Ba't nga ba siya aasa sa taong ayaw sa kanyang anak?
But then, she expected for him to at least be considerate and caring towards the child. Kahit kaunti lang, umasa siya na 'di aabot sa pagiging childish ang treatment nito sa kanyang anak. Ngunit, bakit nga ba siya umasa? Eh sukdulan sa impyerno ang pag-uugali nito. Parang tradition lang ng bawat makapangyarihang angkan dito sa Amparo Island... so evil.
Hinilot ni Claire ang kanyang sentido. "Nasaan ba si Adriano?"
"Umalis po." Inayos ni Aileen ang pagkarga sa kanyang tulog na anak. "Pero binilin niya pong 'wag kang aalis hangga't 'di pa siya nakakabalik."
"Anong oras ba yun uuwi? Sinabi ba sayo?"
"Ang sabi lang po ay mamayang 7 ng gabi pa siya uuwi."
Claire's jaw squared as she controlled her seething anger. Gutom na ang kanyang anak tapos pahihintayin pa siya nito? Gusto ba nitong mamatay si Cordelia? Humugot siya ng isang malalim na hininga. Then again, maybe Adriano would rather have her daughter dead.
Padaskol niyang dinampot ang pulang clutch bag na regalo sa kanya ni Demián at muling hinarap si Aileen.
"Aalis muna ako—"
"Pero ma'am—" Natahimik si Aileen nung malamig niya itong tinitigan.
"Aalis ako." Mariin niyang ulit bago nilapitan ang Yaya at marahang hinalikan si Cordelia sa noo bago nilisan ang condo para bumili ng gatas.
Since Adriano is the only man willing to be her client, he insinuated in the contract that Claire is to never leave the condo unit without his permission. Wala pa itong bayad sa kanya kaya umaasa lang siya sa perang binibigay nito kay Claire. And she would never wait for him. Mabuti na lang talaga at naisangla niya ang binili nitong gintong kuwintas sa malaking halaga.
Isa pa, napipikon na nga siya sa lalakeng yun tapos dadagdag pa si Aileen? Ang pinaka-ayaw pa naman niya ay pinipilit sa kanya ang 'di naman niya gusto. As soon as she entered the elevator, her eyes met a pair of obsidian sardonic orbs coldly staring her down.
"Good morning, Rowan." Magalang na bati niya bago pumindot sa panel saka marahang tinalikuran ang lalake.
Sumara ang pintuan ng elevator. Now, she's alone with the eldest Amparo. Kumalabog ang dibdib niya nang maramdaman ang intensidad ng mga titig nito sa kanyang likod. Claire's wearing a simple backless summer dress, with its skirt-length reaching the back of her knees. Hantad na hantad ang kanyang likod sa lalake.
Kinakabahan siya — hindi dahil sa nakatitig si Rowan sa kanya — kundi dahil naalala niya ang unang pagkikita nila sa opisina ni Adriano sa FE building.
"Who's this, Adriano?" Rowan bellowed as he glared at her.
Napaiwas si Claire ng tingin habang karga ang bata sa kanyang maliliit na bisig. Halos tatlong oras na ang lumipas simula nung maihatid siya nina Sasha sa Amparo City. The city where Adriano and Rowan lives.
![](https://img.wattpad.com/cover/126300001-288-k328895.jpg)
BINABASA MO ANG
Trieja: Jake And Josh [Under Revision]
Genel KurguSiya si Claire Agustin, nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital at may dalawang kaibigan na nagngangalang Jake at Josh. Sila nga ata ang pumalit sa Hollywood actor na gumanap bilang Drake and Josh, pero mas gwapo itong dalawang kaibigan niya ng i...