Chapter 45

4.9K 88 29
                                    

"Claire, ikaw na muna ang bahala sa shop. Inuutusan kasi ako ni Ma'am Candy," ani ng katrabaho niya.

Claire nodded at Jane. Tinapos niya muna ang pagpupunas sa table. Dala-dala ang basahan ay tinungo niya ang likod ng counter. Saka lang umalis ang kanyang katrabaho nung makatapat na niya ang unang customer ng Tea House.

"Welcome to Tea House, good sir!"  Masiglang bati niya.

The man wearing expensive clothes smiled.

"Good morning. Isang Cappuccino nga at mango cake."

"Dine in po?"

"Yes."

Pinunch niya ang order nito sa screen saka niya binasa ang total amount na lumabas.

"267 pesos po lahat."

Kinuha ni Claire ang inabot na 500-peso bill ng lalake bago niya binigay ang resibo at sukli. Another co-worker of her just behind her, who's name is Marie, took care of the man's order kaya naman ay itinuon niya ang pagpupunas sa mga bakanteng lamesa.

Pangatlong araw na ni Claire sa Tea House, isang coffee shop na nakatayo sa tapat ng magarbong eskwelahan dito sa bayan ng Tiburcia. At sa loob ng halos isang taon, ang trabahong ito ang pinakamatagal na napasukan niya. She continued living in Tiburcia Town for 3 consecutive days.

It's surprising for her, really. But if a person without knowledge of her past would think that she's crazy to even feel shocked and happy, but this is how Claire feels.

Magmula kasi ng umalis siya sa Ignacio Manor sa Isla Amparo, kung saan-saan na siya napupunta just so she could escape her past. Sa tulong nina Sasha at Celestine, walang kahirap-hirap niyang napagtataguan ang mga tauhan nina Jake.

Ang mag-asawang Eddington kasi ang nagsilbing informant niya sa tuwing malapit na siyang mahanap ng dating mga asawa niya.

Claire owes them her life for saving her from those manipulative, weird, and controlling ex-husbands of her. Or should she even call them her exes? After all, her real first name and surname is still registered in all of her government documents upon applying for her first job after all those months locked up in the Ignacio Manor.

Nothing changed. And that confused her.

Ngunit maayos itong naipaliwanag ni Celestine last month na pagbisita niyo para i-check ang kalagayan niya.

Maituturing siyang kasal kila Jake at Josh kapag bumalik siya sa Isla Amparo. Claire Agustin Gonzales-Ignacio ang buo niyang pangalan doon. But as soon as she left the island, she's still an Agustin. And she only knew of the island's name just last year after encountering a book about Trieja.

Dumaan ang apat na oras ay tapos na ang trabaho ni Claire. Half day lang siya sa Tea House. She only applied for a part-time because of the salary. Nakadepende kasi ang suweldo niya sa kita ng Coffee shop kaya dalawa ang trabaho niya sa isang araw.

"Una na ako, Marie." Paalam niya sa katrabaho na busy mag-punas sa countertop.

"Sige. Ingat ka!", nakangiting ani nito.

12:01 pm pa lang, mamaya pang 2 ang susunod niyang trabaho. Napagpasyahan niyang umuwi muna sa bahay para makapagpahinga. Di naman mahirap ang kanyang trabaho, sadyang mabigat lang talaga ang kanyang tiyan.

Pagkalabas ng shop ay agad siyang nakakita ng tricycle. Pinara niya ito at nang tumigil sa harapan niya, maingat siyang sumakay.

"Dahan-dahan lang po sana ang pag-drive, manong." Request niya sa matanda matapos sabihin ang kanyang address.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon