Chapter 49

4.6K 56 12
                                        

Isang linggo na ang nakararaan matapos ang safe delivery ni Claire. Hindi siya makapasok sa trabaho dahil naka-Maternity Leave siya for 3 months. Gusto sana niyang after one month ay bumalik agad sa trabaho. But the owner denied her request, stating that she doesn't want to compensate for whatever may happen to Claire during work.

Naiintindihan naman niya ang sinabi ng may-ari. Dagdag gastos lang kasi para sa shop kung sakali man manghina ang katawan niya habang ginagawa ang trabaho. Payo rin ng doctor sa kanya ay magpahinga. Pero hindi siya mapakali knowing na ilang linggo lang ay pwede ng maubos ang kanilang ipon.

Hindi sapat ang pera meron silang dalawa. Magastos ang pagkakaroon ng sanggol. Noon kasi ay bawat dumi ng bata ay pinapalitan nila ng diaper. At sa loob ng isang araw ay nauubos agad ang isang pack. Mabuti na lang talaga at may mabait silang kapitbahay. When Marni asked for some clean, yet preloved, cloths, their neighbor gladly gave them their spare.

Medyo gumaan ang pasanin nila at nakatipid-tipid sa bulsa. Pero hindi lang naman iyon ang pinag-gagastusan nila. There are other times kasi na nagkakasakit ang bata kaya sinusugod agad nila sa clinic. Thankfully, public ito kaya libre ang gamot. Pero kapag nataong Sabado o Linggo ang araw na hihingi sila ng tulong sa clinic ay saka naman ito sarado.

So they did not really have any other choice but to go to the nearest private hospital.

"Huy. Lalim ng iniisip mo." Pukaw sa kanya ni Marni.

Karga-karga nito ang kanyang anak. Two weeks had passed and Marni's been very hands on with the baby. Ni hindi siya nito hinahayaang kargahin ang bata ng matagal dahil sa isip ng babae, baka mabinat siya. Claire is very lucky to have Marni beside her, but she can't help but feel guilt inside.

"Ako naman ang mag-aalaga kay Cordelia." Nakahanda na ang mga kamay niya sa pagkuha ng bata.

Ngunit matamis na ngiti lang ang binigay sa kanya ni Marni bago nagsalita. "Magpahinga ka na lang. Nag-eenjoy naman ako sa pag-aalaga sa bata."

Wala ng nagawa si Claire. Di na niya pinilit dahil nakikita niya kung gaano kamahal ni Marni ang kanyang anak kahit hindi nito kadugo ang bata. She can see the genuine love in Marni's deep hooded, hazelnut eyes. Bumuntong hininga siya at pumasok na lang sa kwarto.

Her girlfriend has been very open about her feelings towards Claire, and she's the exact opposite. Yes, she accepted Marni's courtship and said yes to her... but she doesn't know what to really feel. Malaki ang pasasalamat ni Claire ng dumating ito sa buhay niya. Buong akala niya ay she's meant to be alone in this world, and that was okay with her. Claire accepted that already.

But one rainy night, in the middle of the sparkling city of Tiburcia several months ago, she encountered the last person whom she'd thought would never want to meet her. Marni, the woman who kissed her and confessed her feelings over a text message, was having the night of her life with some colleagues as they walked out of a luxurious tall building.

When their eyes locked, doon na pinagpatuloy ni Marni ang kanyang sinimulan. Hindi na ito nagaksaya ng oras at araw-araw pinupuntahan si Claire sa maliit nitong tinitirahan. Hindi naging komportable si Claire sa tinuran nito, lalo na nung i-express ni Marni ang nararamdaman para sa kanya, pero di niya 'yon pinahalata.

The woman is just showing kindness and she's not a hypocrite to treat her rudely. At sa una pa lang, sinabihan na niya ang babae na wala itong mapapala sa kanya. But Marni was persistent. Di ito tumigil sa pagsuyo sa kanya. Araw-araw ay pinapakita nito kung gaano siya nito kamahal, bagay na kahit kailan ay di niya naramdaman sa dalawang lalakeng pinasok ang buhay niya.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon