Kinabukasan ay nagluto ako ng fried rice, bacon, hotdog, at itlog. Gulat man dahil puno ng groceries ang ref ko ay nagpasalamat ako kay Jake. Umiinom siya ng kape ngayon habang nakaupo sa barstool.
Mabilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahang kumilos kahit hindi siya nakatingin sa akin. Busy siya sa pagbasa ng newspaper. Gusto ko siyang tanungin kung may pasok ba siya ngayon o wala pero hindi ko na ginawa.
Kahit magd-dalawang taon pa lang ang aming pagkakaibigan, nakilala ko na rin ang paguugali niya.
"K-Kain na..." Sabay abot ng platong may laman ng niluto ko.
Tumango siya ng hindi ako tinitingnan at sinimulan ang pagkain. Dahan-dahan ko siyang tinalikuran bago nilantakan ang sa akin. I can feel the trembling of my lips as I continued chewing the food in my mouth.
Galit man siya sa akin, hindi pa rin nawawala ang pagka-mature niya. Sigurado akong naawa lang siya ngayon sa akin. Kasi alam niya, na kapag umalis si Josh sa condo, magugutom ako't mamamalimos.
Wala akong trabaho ngayon. Pinaalis niya si Josh kahit pa kaming dalawa ang may-ari nito. At naiintindihan ko kung bakit niya yun ginawa dahil paniguradong lalago lang ang sakit na nararamdaman niya oras na hindi ko tigilan ang boyfriend niya.
Mapipilitan akong ibenta ang condo at hindi makikealam don si Josh dahil maiintindihan niya kung bakit ko 'yon gagawin. Pero lahat ng iyon ay hindi nangyari, dahil nandito si Jake.
Si Jake Ignacio, ang lalakeng kayang bilhin ang buong pagkatao ko ay sa sobrang bait sa isang kabit na katulad ko, pinili niyang makasama ako kahit pa galit at sinaktan ko ang damdamin niya.
Nang matapos kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainin ko. I wiped the tears away as I gulped the water I got. Dali-dali kong hinarap ang lababo nung mapalingon si Jake sa direksyon ko.
Nagkunwari akong pinupunasan ang mga platong nahugasan ko bago nagsalita.
"Ako na ang maghuhugas ng mga pinaggamitan mo."
Hindi man siya nagsalita, pero ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Kaya naman ay bahagya kong ginalaw ang katawan para di niya makita ang basa kong pisngi.
Damn! I am too obvious. Siguradong nahalata niyang umiiyak ako. Hindi man ako nautal kanina, mahahalata pa rin ang panginginig sa boses ko. Pero paos ako, kaya baka di naman niya siguro mapapansin.
Isa pa, why would he care about my feelings? Ako ang nanakit ng sobra sa kanya.
Jake lightly put down his plate, spoon, fork, and glass on the side of the sink. Nasagi pa ng hinliliit ko ang thumb niya nang kunin ko ang mga nilapag niya, pero binalewala ko iyon.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makaalis na siya sa kusina. After a while, the sound of channels being switched echoed through the corners of the kitchen. Malamang nababagot na siya ngayon.
Dumiretso ako sa kwarto after kong maghugas. Naligo na rin ako at nagbihis ng corporate attire para sa kompanya na susubukin kong makakuha ng trabaho.
Confident akong matatanggap naman, given the humiliating background of mine, I'm sure I'd be qualified. Siniguro ko na mabango ako at malinis ang katawan.
Mapakla akong napangiti habang tinititigan ang sarili sa salamin.
"Katawan lang malinis, madumi ang budhi."
Huminga ako ng malalim. I should not bring out bad vibes. I'll set aside these negative feelings first. Isasantabi ko muna ang guilt na nararamdaman ko dahil kailangan kong kumayod. Hindi ko man mabayaran ang kasalanan na nagawa ko kay Jake, at least kahit yung mga tangible things na naibigay nila sa akin eh maibalik ko lang.
BINABASA MO ANG
Trieja: Jake And Josh [Under Revision]
General FictionSiya si Claire Agustin, nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital at may dalawang kaibigan na nagngangalang Jake at Josh. Sila nga ata ang pumalit sa Hollywood actor na gumanap bilang Drake and Josh, pero mas gwapo itong dalawang kaibigan niya ng i...
![Trieja: Jake And Josh [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/126300001-64-k328895.jpg)