Chapter 50

4.6K 55 9
                                        

"Ate, pabili nga po ng sampung pisong palamig."

Inasikaso ni Claire ang order ng kanyang customer ng hindi tinitingnan ang mukha nito. Walang kaide-ideya ang dalawang babae na magkakilala sila dahil abala ang kaharap ni Claire sa pagtingin-tingin sa lugar ng Tiburcia Town habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Grabe, ang init naman dito!", reklamo nito.

Napangisi si Claire. "That's nature, ma'am. Matakot kayo kung lagi na lang malamig ang mundo, tiyak na mahihirapan lahat ng tao."

Inaabot na niya ang plastic ng palamig na may straw sa loob nung matitigan niya ng mabuti ang kaharap. Kapwa silang napatulala at di makapagsalita dahil pareho silang hindi makapaniwala na makita ang isa't isa.

"Oh my God, Chloe?!"

"Claire?!"

Ilang sandali pang titigan ay nagtilian silang dalawa at binigyan ang isa't isa ng mahigpit at mainit na yakap.

"I missed you, Claire!", masayang ani Chloe.

"Namiss din kita! Grabe, wala ka pa rin pinagbago. Ang ganda-ganda mo pa rin!", dumaan ang paningin niya mula ulo hanggang paa. "Naks naman, sosyal na sosyal!"

"I know right!" Humagikhik ito. "Teka, painom nga saglit, kanina pa ako nauuhaw. Buti na lang malamig 'to."

Chloe moaned in satisfaction when her body was cooled by the Pandan juice her friend is selling. Medyo naibsan nito ang init na nararamdaman.

"My goodness, bakit kasi ang init? Eh September naman ngayon. Akala ko ba Typhoon season ang Ber Months?"

Natawa si Claire. "Alam mo naman ang mundo, nagbabago na dahil di lahat ng bansa ay pinahahalagahan ang kalikasan. Kaya malamang ay magiiba talaga ang ihip ng hangin."

"Pero kidding aside, ano nga pala ang . . . " namilog ang mga mata ni Chloe dahil sa nakitang bata sa tabi ng kaibigan niya. Nakahiga ito sa stroller at mahimbing ang tulog. "Oh my God, kanino 'yan?!"

"Ssh!", agad na sita ni Claire nung muntik ng maalimpungatan ang anak sa tinis ng boses ng kaibigan. "Hinay-hinay naman ng volume mo, girl, magigising ang napakaganda kong anak."

Gulat na napatingin ito sa kanya. "Anak?!"

Claire squinted her eyes dahil di mapagsabihan ang kaibigan. Ngunit kalaunan ay matamis niyang nginitian ito, naiintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ng kaibigan. "Oo, anak ko. Her name is Cordelia Agustin."

Lumamlam ang mga mata ni Chloe nung lapitan niya ang sanggol. "Aww, she's so cute. Ang tangos pa ng ilong, tapos pulang-pula pa ang lips. Grabe! For sure, sobrang ganda niya paglaki."

"Siyempre, mana sa Mommy!"

"Ew! Mana 'yan sa Tita niya."

Natawa si Claire sa tinuran ng kaibigan.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito babae at napadpad ka sa Amparo Island?", usisa niya.

"Ay! Bago ko muna 'yan sagutin, bakit hindi mo ako ginawang ninang ng anak mo? Diba nag-promise tayo sa isa't isa na magiging ninang tayo ng bawat anak natin?", umarko na ang kilay nito.

"Eh, nawala yung cellphone ko." She lied. "Di naman ako makapag-report sa Police Station tungkol sa pagnanakaw kasi naging abala na ako."

Bumuntong hininga si Chloe. "Alam mo... kung hindi lang display ang batas dito sa bansa, malamang madami na ang batang nasa DSWD dahil sa mga ginagawa nilang pagnanakaw. Baka nga magkaroon din ng isang building para sa mga taong legal ng ikulong."

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon