"Marami ang naiinggit sayo ngayon, Alessandra."
Napairap ako. "Stop calling me that, Chloe."
"I must, Alessandra. Dahil kailangan mong masanay sa pangalang iyan. You cannot go to work with Sir Adriano with you being snobbish once every person at the Gala calls you Alessandra."
Natigilan ako. "Gala?"
"Right. May pupuntahan kayong Gala mamayang 7 pm. Kaya 2 hours lang ang meeting niyo ni Sir Adriano dahil kailangan kitang ihanda para sa event na magaganap mamaya."
Chloe gave me a glass of wine before slumping on the couch beside me.
"Anong klaseng event ba 'yan?", I sipped on the wine.
"Hindi ko masyadong inintindi dahil iba ang focus ng kliyente ko," tumaas-baba ang kilay niya dahilan para mapairap ako.
Chloe giggled before lightly kicking my leg. "Ito naman, ngayon na lang nga tayo nagkita tapos ganyan ka pa. Hindi mo man lang ba ako na-miss when I left after our high school graduation?"
"Hindi."
"Hey!"
I giggled. "Siyempre, na-miss kita. Nung malaman kong--" natigilan ako saglit bago siya tinitigan.
"It's fine, Claire. That topic isn't taboo anymore for me. Besides, mag-isa na lang ako sa buhay ngayon."
Lumambot ang tingin ko nung dumaan ang lungkot sa mukha niya.
"Why? Is your mother gone?"
"Nag-migrate na sa Canada after kong mahanapan ng Amerikano na magugustuhan siya."
Umawang ang bibig ko, hindi makapagsalita.
"There's not much to share about it, actually. Katunayan ay mas masaya akong wala na siya dito sa Jomalig Island. Wala ng magc-control sa buhay ko."
"Pero paano kung..." I trailed on, couldn't continue further.
"Kung bumalik si Mama sa akin? Nah, I wouldn't accept her anymore. After everything that she's taken away from me, I won't let her step foot in my world."
Napalunok ako. Hindi sang-ayon sa sinabi niya. Pero wala akong magagawa dahil desisyon niya iyon, buhay niya ang pinaguusapan. Wala akong karapatan manghimasok. Pero di ko naman siya masisisi kung bakit naging ganito siya.
"At the age of 16, she forced me to become a prostitute. Mabuti na lang at maganda ako, namana ko ang kagandahan sa Amerikanong nakabuntis sa kanya noong nagtatrabaho pa siya sa club. Maswerte siya dahil naging modelo muna ako bago pumasok sa larangang ito.
Bumuntong hininga siya. "I won't let her ruin my life anymore, not when I'm now happy with everything. Tinanggap ko ang mga kasalanan niya, pinatawad ko siya kahit hindi niya hiningi. I respected her by giving everything that she wants. Now, it's her turn to give me the only one thing I want from her, and that is to never show herself to me ever again."
Katahimikan ang sumunod na namayani sa amin. I watched Chloe as she finished her wine. Malayo ang tingin, mukhang malalim ang iniisip. Alam ko, nag-guilty siya sa mga sinabi niya. Alam ko iyon dahil simula pagkabata ay kilala na namin ang isa't isa.
Chloe is the soft-hearted person I've ever met in my entire life. Being rough and tough are the two things that make her facade strong. Kaya napagkakamalan siyang mataray at mahirap pakisamahan dahil sa maskarang ipinasta niya sa kanyang pagkatao.
"Gusto mo pa?", she gestured the bottle of the wine.
Umiling ako. "Kailangan mo pa akong turuan, Trixie."
BINABASA MO ANG
Trieja: Jake And Josh [Under Revision]
General FictionSiya si Claire Agustin, nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital at may dalawang kaibigan na nagngangalang Jake at Josh. Sila nga ata ang pumalit sa Hollywood actor na gumanap bilang Drake and Josh, pero mas gwapo itong dalawang kaibigan niya ng i...
![Trieja: Jake And Josh [Under Revision]](https://img.wattpad.com/cover/126300001-64-k328895.jpg)