Chapter 51

3.6K 47 13
                                    

Ilang araw na simula nung mapadpad si Chloe sa bayan ng Tiburcia. Mukha ngang wala pa itong balak umalis. Hindi naman sa gusto na ni Marni paalisin ang babae, may kung ano sa presensya nito ang hindi niya nagugustuhan. Palagi nitong niyayayang lumabas si Claire kasama ang bata, siyempre. At palagi rin siyang naiiwan mag-isa dito sa bahay.

Katulad ngayon. Tapos na ulit siyang maglinis ng bahay dahil ayaw talaga niyang si Claire ang magpakahirap dito. Kahit pa ilang beses na itong nagpumilit na maglinis ay hindi siya pumayag. Bumuntong hininga siya nung marinig ang hagikhikan nina Chloe at Claire sa likod ng bahay. Kasalukuyang nag-g-grill ito ng barbecue at kung ano pa.

Marni doesn't know if Chloe's presence is a bad thing or a good thing, but she genuinely appreciates the help the woman has provided them. Nakakakain na rin kasi sila ng tatlong beses sa isang araw. Hindi kasi sapat ang kinikita niya sa restaurant kaya noon ay isa o hanggang dalawang beses lang sila kung kumain.

Sometimes, Marni sacrifices for Claire. She gives her her food so Claire's body could produce the milk that the baby needs. May mga times kasi ng nawawalan ito ng gatas dahil hindi sapat ang nutrients na nakukuha ng kanyang katawan sa sardinas, corned beef, pancit canton, noodles at kung ano pang mga delatang yun lang ang kayang bilhin ng kanilang pera.

"May plato na ba?", Chloe walked in the house like a queen as she looked for a plate in the dryer next to the sink.

Di na niya kailangang tulungan ang babae dahil agad nitong nakita ang bagong hugas na plato. Chloe turned her face towards her and smile.

"Thanks!"

Naiiling na lamang niya itong pinanood na bumalik sa labas. Wala naman siyang ginawa eh, ba't kailangan pa nitong magpasalamat? Nag-focus na lang si Marni sa pag-aalaga ng bata at hinayaan ang dalawa. It's been so long since she heard Claire laugh like that. Sa ilang buwan nilang pagsasama, ngayon na lang niya ito narinig kung gaano ito kasaya.

Marni smiled at Cordelia sleeping in her arms. She's slowly being convinced that Chloe barging into their lives is a good thing after all. At least, napapansin ni Marni na gumagaan na ang loob nito.

"Ligo lang muna ako."

Nakangiting tinanguan niya si Chloe na dire-diretso ang pasok sa banyo habang dala-dala ang tuwalya. Marni was about to put down Cordelia in the crib when Chloe neared her and stood beside her. Hinawakan nito ang maliliit na kamay ng sanggol at nagsalita.

"Claire is so damn lucky to have you..." bulong nito.

"We are both lucky to have Cordelia in our arms." Marni said.

"Gaga, 'di mo naintindihan ang sinabi ko." Natatawa nitong sabi.

"Bakit?"

"Ang ibig kong sabihin, maswerte si Claire na may Marni siya sa buhay."

Napahagikhik si Marni. "Kinilig naman ako dun."

Chloe let out a gentle sigh. "Kakaunti na lang kasi ang mga taong faithful sa mundo. Ang iba kasi, kapag na-in love sa isang single mom, mangangako itong tanggap nito ang sitwasyon nung babae pero sa huli, 'di naman kayang panindigan ang binitawang mga salita."

Tumahik si Marni.

"In my job, kapag may mga nabubuntis sa katrabaho ko, there are some clients who make promises like that. Ang mga gaga ko naman na katrabaho na naging kaibigan ko rin, naniwala agad. Ilang beses ko ng sinabihan na 'wag magpapaniwala sa mga masamang pangitain na 'yan..." natawa si Marni sa biro nito. "Pero ayun, mas pinili nilang paniwalaan yung iba kaysa sa kaibigan nila. Kaya ayan, umuuwing luhaan. Ang ending, 'di ko sila pinapayagang pumasok sa bahay ko—"

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon