Chapter 21

7.4K 86 0
                                    

Hindi na ako pinauwi ni Chloe kahit pa ilang beses kong pinaliwanag sa kanya kung bakit kailangan kong umuwi. Pero wala na akong nagawa nung siya na ang nag-reply sa email sa akin ni Sir Adriano.

Umalis si Chloe ngayon dahil pinatawag siya ng kanyang kliyente. Wala akong ginawa dito sa napakalaki at maganda niyang condo kundi ay basahin ang kontrata namin ni Sir Adriano.

There are only three things that's stated in the contract:

1. Upon meet-up this 9:30 am, Ms. Alessandra Nievas (a.k.a. Claire Agustin) must have breakfast with the client.

Penalty: if late, Mr. Walter (a.k.a. Adriano Wagner) must punish Ms. Alessandra at any way the client wants.

2. Be with Mr. Walter (a.k.a. Adriano Wagner) at the Gala until 10 pm.

Penalty: if the Escort cannot attend the said event, Mr. Walter has the authority to punish Ms. Alessandra at any way he wants.

3. Before the Escort uphold Escort services upon chosen during the bidding, Ms. Alessandra Nievas must spend the night in Mr. Walter's place.

Penalty: if not chosen by the bidders, this contract may last for three months.

Aid-memoire: The conditions stated in the contract by the Client and Escort is subject to change upon the bidding ends with the Escort still being available for auction.

Paulit-ulit pumasok sa isipan ko ang pangatlong nilagay ni Sir Adriano. Spend the night with him? Tapos, ano ang mangyayare? Something will happen to us during the night?

Di klaro ang mga nakasaad sa kontrata kaya kabadong-kabado ako. Will I get paid today? Wala na akong budget. Last na iyong pamasahe ko kanina. Mabuti nga ay di ako hinayaan ni Chloe na umuwi sa condo dahil malamang, maglalakad ako pauwi.

Isa pa, bago umalis si Chloe, she stated something about the contract. Na madalas di nagiging specific ang kliyente kapag hindi nakakausap ang Escort.

Karamihan daw kasi sa co-Escorts namin ay laging late dumating sa oras ng meeting dahil galing pa sa last client nila. Most of the time raw ay kakatapos lang ng kontrata nila sa iba ay may panibago naman kinabukasan.

I want to clarify things with Sir Adriano but Chloe forbid me. Since late raw akong nakarating dahil supposedly kaninang umaga, if I arrived at exact 9:30 am the first 1 hour would be the time that Sir Adriano and I will talk about each other's conditions.

And the next hour would be providing my Escort services to him.

Napabuntong hininga ako. Buong hapon ay hinintay ko lang na makauwi si Chloe. She let me take a bath in her bathtub so that I can prep myself. Aayusan niya raw ako para sa Gala mamaya.

Isa pang bumabagabag sa akin ay ang bidding na naka-indicate sa kontrata. Nakalimutan kong itanong iyon, pero di bale. Maya-maya lang ay nakauwi na si Chloe. Nagpapatuyo ako ng buhok nung pumasok siya sa kwarto.

"Damn, I am exhausted," sumalampak siya sa queen-sized bed niya.

"Mukha nga. Ano ba ang ginawa niyo ng kliyente mo?"

She chuckled. "You don't wanna know."

Napangisi ako habang sinusukly ang mahabang buhok.

"Gets ko."

"After three years, ngayon na lang ulit ako pumayag na makipag-sex sa client."

Binaba ko ang suklay niya sa vanity bago tinungo ang higaan at umupo sa gilid. "So... hindi siya required?"

"Hindi. Sex should be initiated by the Escort, and not by the client. Iba kasi ang mga mayayamang lalake sa Lower and Middle class men. First time ko ata nun, my client paid me 1 million pesos just to be his date for an event."

Namilog ang mga mata ko. "Really?"

Tinukod niya ang siko para maayos akong hinarap. "Yup. There are wealthy individuals who just pay for attention . . . some only wants a 3-month fucking, while others are specific of what they really need. Pero karamihan sa kanila, they pay for an Escort out of boredom."

Tumango-tango ako. "Paano kung gusto ng kliyente na makipag-sex sayo?"

"Dapat gusto ko rin ang ideyang 'yon, pero kapag hindi mutual, he needs to find another Escort that's game with whatever he wants."

"Pero bakit?"

"Dati kasi, nung bago pa lang daw ang Frivolous Escorts, our three bosses allowed the client to indicate whatever conditions they want in the contract. May namatay kasi na Escort dahil ginang-bang."

Natigilan ako. "N-Namatay?"

"Don't worry, lagi ng binabackground check ng FE ang mga kliyente. If the client has a history of heinous crimes, they will be banned from FE's services. Ayos na nga ngayon ang kompanya eh. We have secret bodyguards and spies around us to keep us safe."

"Minomonitor tayo?"

"You can say that, but its purpose is to really keep us safe by hiring someone to watch us. May mga banned clients kasi na sinubukang kidnapin ang isa sa amin. I mentioned Angel, right?"

Tumango ako.

"She almost got kidnapped by her former client. Ayaw na kasi niyang i-extend pa ang contract dahil nac-creepy-han na siya."

"May mga nao-obsess na kliyente?"

She lied down and stare at the ceiling. "Yeah. May mga Escorts din na nao-obsess sa clients nila kaya yung iba, sinisesante ng FE."

Bumuntong hininga ako. "I just hope I don't become obsessed about anyone, I really need this job."

"Yeah..."

Tinitigan ko siya. Malayo na naman ang mga tingin niya, malalim ang iniisip.

"Na-obsess ka na rin ba sa kliyente mo?"

"Once."

Kumurap ako. How can she blurt that out without being cautious?

"Alam ko ang iniisip mo. Baliw ako para ma-adik sa mga kliyente ko noh?"

"Hindi iyon," agap ko. "Nagulat lang ako kasi parang wala lang sayong sabihin sa akin ang sikretong yon."

She timidly smiled. "Hindi naman yun sikreto. Alam ng lahat ng yun eh, even Madeline's obsession about her former client isn't a secret." Tinitigan niya ako. "We are open with each other, Claire. Hindi kami katulad ng ibang tao na nagsisiraan."

I genuinely smiled. "Siguro ay close kayong lahat."

"Hindi rin. Tiffany is the most annoying Escort we've ever worked with."

I chuckled. "I am guessing that those names you mentioned are their fake names?"

"Yup!", bumangon siya sa pagkakahiga. "Malapit na mag-6, kailangan na kitang ayusan."

"Pero wala akong damit."

"May pinadala si Sir Adriano sayo, nakalimutan mong i-check ang mailbox ng condo ko."

Ngumiwi ako. "Right. Kunin ko lang--"

"Hindi na. Kinuha ko na kaya tumayo ka na diyan."

Chloe walked towards me before pulling me up. As the sun goes down, so is my old life. The new chapter of my life starts at 7 pm.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon