Chapter 30

8.5K 98 10
                                        

Madaling araw na nang magising ako. Nakadagan sa aking tiyan ang kamay ni Josh, specifically malapit sa puson ko. Pakiramdam ko ay hinahaplos-haplos niya ang aking tiyan nung tulog pa ako.

Is he happy about the baby I'm carrying? At bakit katabi ko siya matulog? Nasaan si Jake? Siguradon magagalit yun kapag nakita ang ayos namin.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya at bumangon. I am still wearing the white fancy dress Jake made me wear during that wedding ceremony.

Dumiretso ako ng hagdanan nang makalabas. Tumigil ako sa dulo at napatingin sa paligid. Napakalaki ng bahay na ito. Gawa sa kahoy ang hagdanan, maging ang floor ay kahoy.

The place looks old but the angelic paintings on the ceiling, and around the wall, made it fancy and elegant. It's like an ancient house from Victorian era.

Malawak ang paligid at bawat dingding ay may tinatagong kwarto. Iilan ang madilim na hallway ang nandito. Where should I go? Kumakalam na ang sikmura ko.

Mukhang wala rin tao dahil napakatahimik ng bahay. Ayaw ko naman sumuong na lang ng walang alam.

"Where's Jake?", I whispered.

"Behind you."

Dumulas ako sa sahig at muntik ng matumba. Mabuti na lang mabilis gumalaw si Jake at nasalo ako. Nabahiran ng pag-aalala ang mukha niya nung matingnan ko.

"Are you okay?"

Hindi ako nakapagsalita. Nalilito kasi ako sa pinapakita niya. He showed me ruthlessness a few days before. What's the sudden softness and gentleness? Is it because of the fact that I'm pregnant?

Bahagya ko siyang tinulak pero hindi siya natinag. Ayaw kong ganito na sobrang lapit niya. Naaalala ko ang mga pinagsaluhan namin sa yate at sa loob ng kwarto.

Napaiwas ako ng tingin.

"Nasaan ako?"

Jake's hand moved to my back and pulled me closer to him.

"You're in our hometown. Come... everyone's been meaning to meet you."

I wanted to protest pero hindi ko na ginawa. I am still bound to the contract. Even though Chloe's message seemed conspicuous, I must act accordingly. After all, Jake paid hundreds of millions for me.

Tahimik akong nagpatianod sa kanya. Hinayaan ko siyang hilahin ako sa isang dimly lit hallway. Dinala kami nito sa isang napakalawak na parte ng bahay. Mataas ang bintana at pumapasok ang liwanag ng buwan sa loob.

"This is the Gallery room, we use it, mostly, for business purposes." Jake said.

Tinungo namin ang double-doors at bumungad sa amin ang napakainit ng bonfire. There are people sitting on the vast grassland. Beyond them are 20-feet thick bushes almost covering the view of the forest.

Nagsimula ang bulungan ng iba sa kanila habang ang natitira ay nakangiting pinapanood ang paglapit namin ni Jake sa matandang lalake na nakatayo malapit sa bonfire.

I think they were having fun talking with each other before we barged in. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Jake sa kaba.

"It's okay, I'm here." Bulong niya.

Trieja: Jake And Josh [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon