"ARIA! NARITO NA SI MIGUEL."
Napangiti si Aria sa salamin nang marinig ang sigaw ng kanyang kaibigang si Tessy. Si Miguel ay ang kanyang anim na taong kasintahan. Nakilala niya si Miguel sa dati niyang trabaho sa isang malaking restaurant bilang waitress. Ito ay anak ng isang negosyante sa lugar nila kaya kilala ang pamilya nito. Hindi nga niya alam kung ano ang nagustuhan nito sa kanya lalo na at isa siyang ulila.
Mahigit sampung taon na din ang nakakalipas mulanng mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya nila.
Ano nga ba ang nangyari sa Nanay niya? Sa mga kapatid niya?
Ang totoo ay wala na siyang naging balita sa nanay niya mula nang iligtas sila ng babae nasa trucking ng mga gulay. Hindi na niya nagawang makabalik sa probinsiya dahil iniluwas na sila sa Maynila ng mag-asawang nagligtas sa kanila. Pagdating sa Maynila ay kinupkop ng mag-asawa sina Nash at Noah ngunit hindi ganoon karangya ang buhay ng mga ito para kupkupin at pag-aralin siya. Napilitan siyang magtrabaho para mapag-aral ang sarili. Tinutulungan siya ng mag-asawa kapag nagigipit siya ngunit hindi niya iniasa sa mga ito ang lahat dahil may sariling pamilya ang mga ito na tinataguyod. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong BS in Pharmacy sa Our Lady of Fatima University kung saan siya ay isang scholar dahil sa angkin niyang talino at sipag sa pag-aaral.
Working student siya habang nag-aaral sa kolehiyo. Lahat ng pwede niyang pagkakitaan ay ginawa niya para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Nang makapagtapos ay naghanap siya ng matinong trabaho para naman masuportahan ang pagkuha niya ng board exam. Nagtrabaho siya bilang waitress sa kilalang restaurant at makalipas ang isang taon ng pagtatrabaho at pagrereview ay naipasa niya ang board exam. Ilang buwan matapos makapasa ay nakilala niya si Miguel na ilang buwan din siyang niligawan bago siya napasagot.
At ngayon nga ay ipagdiriwang ang kanilang ika-anim na taong anibersaryo.
"Aria, ang tagal mo." Sumilip si Tessy sa pinto ng kanyang silid. Nakita siya nitong naglalagay ng lipstick sa harap ng salamin. "Ano pa bang pagpapaganda ang ginagawa mo eh magandan ka naman na."
"Sige bolahin mo pa ako, Tessy. Alam ko naman kung anong ibig sabihin ng mga salita mo na yan."
Ngumisi ito sa kanya.
"Basta 'wag mo kakalimutang magtake-out ha?"
Napailing siya rito. Biro lamang iyon pero minsan ay ginagawa niya lalo na kung marami silang natitirang pagkain ni Miguel kapag kumakain sila sa labas. Nakakapanghinayang naman kasi na itapon na lang ang mga pagkain na binayaran nila.
"Ewan ko sa iyo, Tessy. Mag-boyfriend ka na kasi para hindi ka laging naiiwan dito."
"Ayoko ng sakit aa ulo. Tama na iyong ikaw lang nakikita kong umiiyak kapag nag-aaway kayo ni Miguel."
Napangiti siya ng malungkot. Naalala niya ang laging dahilan ng pag-aaway nila ni Miguel. Sex. Dala ng kanyang madilim na pinagdaanan sa amain ay hindi niya pa kayang gawin ang bagay na dahilan ng trahedya sa kanilang pamilya. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Kung sana pumayag siya sa gusto ng amain, sana magkakasama pa sila ngayon.
Kinuha niya ang sling bag na regalo ni Miguel noong kaarawan niya. Suot ang simpleng dress na nabili niya sa ukay ay handa na siya sa kanilang date anniversary.
"Bahala ka na rito sa bahay. Aalis na ako."
Iniwan niya si Tessy at nagtungo sa labas ng bahay kung saan naghihintay si Miguel. Tulad ng dati, napakagwapo nito at napakapormal. Hindi niya inaasahan na tatagal sila ng anim na taon sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa estado ng buhay.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...