24

5.4K 130 3
                                    

  
  
  
  
MAAGANG naghanda si Aria dahil ngayon ang araw na makakasama niya si Helius. Sa nalaman niya kina Hera noong nakaraan ay mas lalo lamang niyang minahal si Hel. Hindi na niya sinabi rito na alam na niya ang tungkol doon dahil para sa kanya ay kahit sinong nagmamahal ay gagawin ang ginawa nito. Hindi na din niya nagawang magalit rito lalo pa ngayon na lagi itong bumabawi sa kama.

Namula siya sa tuwing naaalala ang mga gabi na pinagsaluhan nila ni Hel. Para siyang teenager na kinikilig sa tuwing pumapasok sa isip ang ginagawa nila ni Hel sa tuwing magsisiping sila. It's as if they were in another dimension everytime they're making love.

Hindi niya napigilan na mapangiti habang kumakain ng almusal.

"Mukhang masaya ka ngayon, Miss Aria," puna ni Via sa kanya na kasabay niya kumain.

"Oo, makakasama ko na kasi ulit si Hel."

"Sorry to disappoint you, Miss pero hindi makakarating sir Helius ngayon. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Zeke ngayong umaga. Sabi niya may mahalaga daw silang pupuntahan ngayon ni sir Hel kaya baka hindi daw kayo magkasama ngayon."

Natigilan siya sa pagsubo.

"Saan daw sila pupunta?" she asked.

Bigla siyang nalungkot sa narinig kay Via.

"I don't know." Via had just finished eating. "It will be better if you stay here just in case sir Hel comes, he'll see you here."

"Okay."

Nawalan siya ng gana kumain kaya tinapos na lang niya ang dapat na isusubo kanina saka umalis sa hapag-kainan.

Kinuha niya ang cellphone at nakita niya na may mensahe mula kay Helius.

Can't make it today, Sari. Babawi ako mamayang gabi. I love you.

Napangiti siya nang mabasa ang mensahe. Ang lungkot na nararamdaman niya kanina ay biglang naglaho na parang bula at napalitan ng excitement para sa pagbawi na gagawin ni Hel mamayang gabi.

Nagpaulit-ulit din sa kanyang isipan ang tatlong huling salita sa mensahe nito.

I love you.

Mahal siya nito. Hindi na nito kailangang sabihin ang bagay na iyon dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa tuwing magkasama sila.

Kaya sa halip na magmukmok sa kanyang silid ay naisipan niyang magtanim ng mga halaman sa greenhouse na pinagawa ni Hel sa garden ng bahay.

Yayayain niya sana si Via sa na magtanim ngunit nakita niya ito sa kwarto nito na abala sa pagsusukat ng mga bagong bili nitong mga damit. Magkaibang-magkaiba talaga ito at si Devanie.

Habang nasa greenhouse siya at nagtatanim ay dumating ang isa sa mga katulong at kasama nito si Keana.

"Miss Aria, may bisita po kayo."

Niyakap at hinagkan niya sa pisngi si Keana. Inutusan na din niya ang katulong na maghanda ng meryenda nila sa gazebo.

"Keana, anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito habang naglalakad patungo sa gazebo.

"Pinapunta ako dito nina Kuya at Mama para sa design ng iyong gown sa iyong birthday."

Mahina siyang natawa sa sinabi ni Keana.

"Don't tell me may party na gaganapin sa birthday ko? No, I don't do birthday party, Keana. Mas gusto ko ang simpleng selebrasyon."

Naupo silang dalawa sa silya na nasa gazebo.

"They won't accept your no, Aria. Believe me, makulit si Mama at kuya. Hindi pwede na hindi masunod ang gusto nila when it comes to celebration. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, pumili ka sa mga designs ko." Inilatag ni Keana sa mesa ang mga sketches ng mga gown na disenyo nito. "Take your time, Aria. Pupunta lang ako sa CR. Medyo hindi yata maganda ang gising ng mga bituka ko kanina."

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon