NANGHIHINA pa rin si Aria nang bumangon kinabukasan. Hindi naman siya sinaktan ni Miguel physically pero ang emosyon at damdamin niya ay bugbog na bugbog dahil sa ginawa nito sa kanya. For the second time ay pakiramdam niya na ang dumi niyang babae."Aria, kumusta ang pakiramdam mo?" Pumasok si Tessy sa silid niya dala ang tray ng pagkain. "Kumain ka na muna. Hindi ka na nakakain ng hapunan kagabi."
"Salamat." Mahina niyang tugon.
"Ano bang nangyari kagabi? Hinanap ka namin sa parke pero wala ka naman doon. Saan ka ba nagpunta? Anong nangyari sa iyo?"
Mula nang makauwi siya kagabi ay hindi siya nagkukwento sa mga kaibigan nang tungkol sa ginawa sa kanya ni Miguel. Nandidiri siya sa sarili dahil pakiramdam niya napakarumi niya. Kahit ang nakaraan niya ay hindi rin alam ng mga kaibigan kaya mas ok na din siguro na wala silang alam.
"Nahold up ako kagabi pero nanlaban ako kaya ganon ang hitsura ko kagabi," pagsisinungaling niya kay Tessy.
Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero nahihiya siya rito.
"Hindi na talaga ligtas sa lugar na ito. Siguro dapat na tayong maghanap ng malilipatan."
"Sa tingin mo dapat na ba?" Kumuha siya ng kutsara at sumubo ng sinangag na may itlog.
"Oo naman, natatakot na din ako maglakad sa gabi diyan sa may labasan. Hindi na nawalan ng nag-iinuman. Babae tayo kaya kailangan natin maging maingat." Tinabihan siya sa kama ni Tessy at pinuyod ang kanyang sabog na buhok upang siya ay makakain ng ayos. "Magtatanong ako sa mga kasamahan ko kung may alam silang malilipatan natin."
Sumang-ayon na lamang siya kay Tessy. Tinapos niya ang pagkain saka naghanda para sa pagpasok sa trabaho.
Isang nurse si Tessy habang siya naman ay isang hospital pharmacist. Pareho sila ng private hospital na pinagtatrabahuhanbat hindi maitatanggi na malaki ang kanilang sinasahod. Dahil na din siguro sa maganda nila performance sa trabaho.
Rest day niya kahapon hanggang ngayon habang si Tessy naman ay may duty na hanggang gabi.
"Maghahanap na din ako ngayon ng apartment na malapit sa hospital para malapit sa ating trabaho."
Matapos magkasundo na lilipat sila ay iniwan na siya ni Tessy para maghanda ito sa pagduty habang siya ay muling bumalik sa paghiga matapos kumain. Tila siya nauupos na kandila sa sobrang tamlay.
Napatunghay siya sa kanyang cellphone nang tumunog ito.
Tumatawag ang Nanay Brenda niya, ang babaeng tumulong sa kanila ng gabing nanganib ang buhay nilang magkakapatid sa kamay ng amain. Ito rin ang kumukupkop kina Noah at Nash habang siya ay nagtatrabaho. Nagpapadala siya lagi rito para hindi maging pabigat sa kanila ang mga kapatid.
"Nay, napatawag po kayo." Itinuturing na din niya itong pangalawang ina.
"Aria, mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko. Kagabi pa kita tinatawagan." Bakas sa tinig ng Nanay Brenda niya ang pagkabalisa.
"Pasensiya na po kung di ko nasagot ang tawag niyo. May nangyari lang po kagabi. May nangyari po sa kina Noah?"
Narinig niyang bumuntong hininga ang nanay.
"Alam kong hindi ako dapat sa iyo humihingi ng tulong dahil sobra-sobra na ang naitulong mo sa amin." May pag-aalinlangan sa tinig ng ina-inahan.
"Nay, handa po akong tumulong. Ano po ba nangyari?" Maging siya ay kinabahan na rin.
" Ang tatay Boyet mo kasi nasa ospital ngayon. Kailangan na niyang mag-undergo ng liver transplant. Kailangan ng malaking halaga para sa operasyon. Hindi sapat ang ipon namin rito."
Natutop niya ang bibig sa sinabi ng ina. Ang lalaking itinuring niyang ama at tumayo bilang kanyang ama ay nanganganib ang buhay. Hindi man sila magkadugo ngunit malaki ang utang na loob niya rito dahil hindi ito tumanggi nang sabihin noon ng asawa nito na kupkupin silang magkakapatid. Tinuring sila nito na saraling mga anak.
"Pasensiya ka na, Aria. Nalapitan na namin ang mga kamag-anak namin pero hindi pa rin sapat ang pera na nalikom namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, anak." Humagulhol ng iyak ang kanyang Nanay Brenda.
Nahabag siya rito at naiyak na rin. Matagal ng may sakit ang ama-amahan kaya naman huminto na ang mga ito sa dating trabaho na pangangalakal ng mga produkto. Nagtitinda na lamang ang mga ito sa palengke ng mga gulay at isda.
"Huwag kayo mag-alala, inay. Gagawa po ako ng paraan. Ipaschedule niyo na po ang operasyon ni tatay."
" Pero wala kulang pa ang pera natin, anak."
Huminga siya ng malalim. Ang totoo ay wala siyang alam na makukunan ng pera pero hindi niya pwedeng pabayaan ang ama-amahan.
"Magpapadala po ako bukas para sa partial payment, 'nay. Ang mahalaga po ngayon ay maoperahan si tatay."
Muling humagulhol ang ina-inahan sa kabilang linya. Kung mayayakap lamang niya ito ngayon para wala ang takot at pag-aalala nito ay gagawin niya. Ngunit ilang daang milya ang layo nila sa isa't isa at tanging mga salitang makakapagpanatag lamang sa kalooban nito ang magagawa niya.
"May mahihiraman naman ako ng pera, inay. Magloloan din ako sa bangko." Pagsisinungaling niya. "Huwag na po kayo masyadong mag-isip dahil baka makasama rin sa kalusugan ninyo."
"Maraming salamat, Aria."
Nang matapos ang tawag ay napaisip si Aria kung saan at kanino maaaring makahiram ng pera. Tinawagan niya si Tessy at nangako naman ito na papahiramin siya at nagbigay din ang mga katrabaho niya ng pinansiyal na tulong. Nakatanggap din siya ng tulong mula sa mabait na may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan niya ngunit kulang pa rin ito sa halagang kailangan sa operasyon.
Kailangang mailuwas ng Maynila ang ama-amahan para sa operasyon na nagkakahalaga ng 7 na milyong piso. Malaking halaga pa ang kailangan nila para sa operasyon.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para makakalap nh halagang kailangan. Naligo siya at nagbihis para makapunta sa bangko.
Pagkarating sa bangko ay 2 milyon lamang ang naloan niya. Hindi pa rin ito sapat ngunit kasama ang mga nakalap niyang mga tulong sa mga kaibigan at katrabaho ay naging sapat na para sa partial payment. Kailangan niya pa rin ng mahigit 4 na milyon para sa kabuuang halaga.
Mabigat ang balikat siyang naglakad sa sidewalk habang malalim ang iniisip. Hindi na niya alam kung saan pa kukuha ng perang kailangan.
Napadako ang tingin niya sa isang kilalang gusali sa lugar nila. Ito ang lugar na madalas puntahan ng mga babaeng gipit dahil mabilis ang pera basta magaling at maganda ang serbisyo mo sa mga lalaking hayok sa laman.
Napailing siya sa naisip na paraan. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para kumapit sa patalim. Nagtungo na lamang siya sa isang coffee shop para makakain ng kahit na sandwich para sa kanyang tanghalian. Kailangan na niyang magtipid similar ngayon.
"Aria Mondragon."
Napaangat siya ng tingin sa tinig ng lalaki na tumawag sa pangalan niya. Isang lalaki ang nakatayo sa tapat ng mesa niya at nakasuot ito ng itim na suit.
"May kailangan po kayo?"
Ngumiti sa kanya ang lalaki saka umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.
"Ako si Kyle. Nagtatrabaho ako kay Mr. Smitherman, isa sa major stockholder ng hospital na pinagtatrabahuhan mo at narinig ko sa kaibigan mo na kailangan mo ng malaking halaga para sa operasyon ng iyong ama. Sasagutin ni Mr. Smithermam ang lahat ng gagastusin sa operasyon at mga gamot ng iyong ama kung papayag ka sa trabahong iaalok ni Mr. Smitherman."
Kinabahan at napaisip siya sa sinabi nito. Kilala niya si Mr. Smitherman dahil isa ito sa malaking investor ng hospital at marami din itong foundations na nagbibigay ng financial assistance sa mga mahihirap. Malaking tulong ang iniaalok nitong kapalit para sa kanyang ama-amahan.
"A-Anong trabaho po?" she stuttered.
Tila tinatambol ang dibdib niya sa kung anong isasagot nito. Pero kung malinis at maayos ang trabahong iaalok nito ay hindi siya magdadalwang-isip na pumayag.
"Be Mr. Smitherman son's lady."
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomantizmSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...