MADILIM ang paligid. Hindi alam ni Keana kung tama ba ang lugar na pinuntahan niya ayon sa address na sinabi ni Zeke dahil ang tangi niyang nakikita ay ang abandonadong bahay.Hindi naman masasabing totally abandoned ang bahay dahil okay pa naman ang structure nito pero talagang bakante at napakadilim ng paligid lalo na at dis oras na ng gabi.
"Zeke?" She called through the darkness.
Kinuha niya ang cellphone para magamit ang flashlight pero pipindutin pa lamang niya ang shortcut key ng flashlight ay may matipunong kamay ang humawak sa kamay niya. Hinila siya patungo sa mas madilim na bahagi ng bahay. Wala siyang makita.
Kinakabahan siya. Tama ba ang lugar na pinuntahan niya?
Oh God, Zeke, where the hell are you?!
"Please don't hurt me." Mahina niyang pakiusap sa taong may hawak ng kamay niya.
Ayaw niyang mamatay sa ganitong paraan. Gusto lang naman niya na matulungan ang kapatid niya.
Naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak ng tao sa kamay niya.
"Keana, it's me." Kilala niya ang boses na iyon.
"Oh God. Zeke!" Mahigpit niyang niyakap ang lalaki. "Akala ko maling lugar na ang napuntahan ko. Bakit ba sa ganitong lugar pa tayo kailangang magkita? Whose place is this?"
"Kay Helius na property ito. This is one of his hideout."
On of her brother's hideout? Ibig sabihin marami pang ganitong property ang kapatid niya.
"Helius won't stay in places like this. Are you sure this is his place?" Hindi siya naniniwala na mag-aaksaya ng pera ang kuya sa isang abandonadong bahay.
"Bago ka magreklamo sa lugar na ito, sumunod ka na muna sa akin." Nauna itong naglakad ngunit biglang huminto at humarap sa kanya kaya mabilis siyang umatras dahil mabubunggo siya rito. "Don't use any kinds of lights. People around here might think that you are one of the ghost wandering in this house."
Namilog ang mata niya sa sinabi ni Zeke.
"May multo dito?" Nagpalinga-linga siya sa paligid.
"Yon ang sabi ng mga tao na tagarito. Ewan ko lang din." Nagpatuloy ito sa paglalakad.
Mabilis naman siyang sumunod rito. Panay ang linga niya sa paligid just in case may multo nga talaga. Dinala siya ni Zeke sa basement ng bahay. Pagkabukas nito ng pinto ay literal na napanganga siya sa silid na sumalubong sa kanya.
Para siyang nasa loob ng isang luxury hotel. Kompleto sa mga gym equipment ang silid. May mini bar kung saan nakadisplay ang iba't ibang brand ng mga alak. Mayroon din target shooting range sa isang sulok. Hindi din nakawala sa paningin niya ang malawak na pool na yari sa bubog. May billiard board, may malaking flat screen smart TV at napansin din niya ang maliliit na CCTV monitor sa buong kabahayan.
This is really his brother's place dahil naroon ang mga martial arts equipment nito. Pero hindi ang bagay na 'yon ang pinunta niya rito.
"Where is he?" tanong niya kay Zeke.
Sinenyasan siya nito na sumunod rito patungo sa isang taging silid sa likod ng isang bookshelf. Napakaraming hidden rooms naman sa basement ng bahay na ito.
Mula sa isang bubog na bintana ay nakita niya si Doc Hugo. Nakaupo ito sa maliit na kama at tila malalim ang iniisip.
"Can he see us?"
Umiling si Zeke. Para palang interrogation room ang silid na iyon.
"May nakuha ba kayong impormasyon sa kanya?"

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...