36

6.5K 164 11
                                    

NAPANGITI si Aria sa katahimikan ng paligid. Nakahiga siya sa duyan habang pinapanood ang paglubog ng araw. Natapos na naman ang isang buong araw niya. Hinaplos niya ang maumbok na tiyan. Kagagaling niya lamang sa bayan kanina dahil nagpacheck up siya sa kanyang OB. Healthy ang kanyang baby. Mas pinili niya na huwag alamin ang gender dahil gusto niya na maging surprise ito.

Hindi niya mapigilan na mapaisip kung paano kaya kung kasama nilang mag-ina si Helius. Matutuwa kaya ito?

Aaminin niya na madalas ay namimiss niya si Helius. Namimiss niya ang luto nito ng almusal s umaga. Namimiss din niya ang mga yakap nito na nakakapagpatulog sa kanya.

"Anak, kung hindi lang sana komplikado ang sitwasyon, makakasama sana natin ang Papa mo. Kaya lang mahirap ang love story na pinasok ng Mama mo eh. Pasensya na ha?" Kausap niya sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

"Makikilala mo rin ang Papa mo sa tamang panahon. Pero sa ngayon ay si Mama muna ang kasama mo." Napangiti siya nang maramdaman ang kaunting pagkilos ng sanggol.

"Ate!"

Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Noah. Humahangos itong lumapit sa kanya dala ang kanyang cellphone.

"Kanina pa po tumatawag si Ate Tessy." Inabot sa kanya ni Noah ang kanyang cellphone.

Nang tingnan niya ang call register ay kaninang tanghali pa tumatawag si Tessy. Naiwan niya sa kanyang silid ang cellphone nong magpabayan siya para magpacheck-up. Ang back-up phone niya ang kanyang nadala kaya hindi niya nasagot ang tawag nito.

Nagtaka siya dahil mahigit limampung beses siyang tinawagan ni Tessy mula kaninang tanghali hanggang nagyong hapon.

She decidee to call her back. Habang naglalakad pabalik sa bahay na pinagawa nila sa tabing dagat ay tinawagan niya si Tessy. Ilang ring lamang ay sinagot kaagad nito ang tawag.

"Aria, kumusta anong nangyari?"

Naguluhan siya sa bungad na tanong ng kaibigan. Ito ang tumawag ng ilang beses tapos siya ang tatanungin kung anong nangyari.

"Wala naman nangyari sa akin. Baka sa iyo meron. Hindi lang limampung beses mo akong tinawagan mula pa kanina. Bakit ba?"

"Aria, panahon na para magpakita ka kay Helius."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Tessy.

"Bakit?"

"Hindi kay Helius ang pinagbubuntis ni Charity. Nagkaroon ng paternity test at lumabas na hindi si Helius ang ama ng dinadala ni Charity." May sigla sa tinig ni Tessy na nakapagpakabog sa dibdib niya. "Ikaw ang dapat na pakakasalan ni Helius dahil ikaw ang tunay na nagdadala ng kanyang anak."

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sinabi ni Tessy. Namayani sa kanya ang takot. Paano kung sa ginawa niyang pag-alis ay nagbunga pala ng galit ito sa pamilya ni Hel?

" Aria, naiintindihan mo ba ang...."

Hindi na niya narinig ang iba pang sinabi ni Tessy dahil nagkaroon ng disturbance sa signal. Isang helicopter ang kasalukuyang unti-unting bumabas sa dalampasigan.

Medyo madilim ang paligid kaya hindi niya masyadong maaninag ang lulan ng helicopter. Nakaramdam siya ng takot.

Nasapon niya ang sinapupunan. Nasa tabi niya si Noah hawaka ng kanyang kamay. Nakita rin niya sina Tita Celina, Ciela at Nash na lumabas ng bahay dahil sa ingay ng helicopter.

Nang mawalanang tunog ng helicopter ay wala na din sa kabilang linya si Tessy. Nagkaroon siya ng pagkakataon na bigyan ng atensyon ang lulannng helicopter. Binili niya ang tabing dagat na iyon kaya imposible na may ibang tao na pupunta doon unless bisita nila.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon