NAGTUNGO sila ni Devanie sa isang restaurant. Dito sila magkikita ng mga kapatid niya. Hindi pa makakasama nina Aria ang kanyang nanay at tatay dahil nagpapagaling pa rin ang kanyang amain sa Singapore.Sa awa ng Diyos at sa tulong ng pamilya ni Helius ay nasa mabuti nang kalagayan ang kanyang amain.
Habang nasa biyahe ay napansin ni Aria na balisa si Devanie. Kanina pa ito sulyap ng sulyap sa cellphone nito.
"Devanie, may problema ba?"
Umiling ito na mas lalo niyang kinabahala.
"Okay lang ako," sagot nito saka nag-iwas ng tingin.
"May masakit ba sa iyo? Hindi ka mukhang okay." Nag-aalala siya para rito.
"Wala."
Tatanungin pa sana niya ito ngunit nag-iwas muli ito ng tingin.
"Devanie, kung may problema ka, huwag kang mahihiya na magsabi sa akin." Sabi na lamang niya upang gumaan ang pakiramdam nito. "Parang kapatid na ang turing ko sa iyo dahil halos kasing edad mo lang din ang kapatid ko na si Nash."
Walang imik si Devanie kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Mamaya makikilala mo sila. Sigurado akong matutuwa si Noah sa iyo dahil—"
"Kuya, pakitigil po ng kotse."
Napatingin siya kay Devanie. Hindi na din niya natapos ang sasabihin dahil sa biglang pag-apak sa preno ng driver nila.
"Bakit, Devanie? Anong problema?" Naguguluhan niyang tanong. Kinabahan din siya sa bigla nitong pagpapahinto ng sasakyan.
Nangingilid ang mga luha nito na tumingin sa kanya.
"Hindi ko kayang gawin sa inyo ang pinapagawa nila. Hindi ko kayo kayang saktan at ipahamak, Miss Aria. Sorry po." Umiiyak na wika nito. "May haharang po sa atin na mga tao sa sunod na kanto. Gusto po nila kayong kidnappin."
Naguluhan siya sa mga sinabi nito. Sinong mga tao?
"Ano bang sinasabi mo, Devanie? Sinong sila? Bakit gusto nila na saktan mo ako?" Magkakasunod niyang tanong.
Iyak lamang ang naging tugon ni Devanie kaya mas lalo siyang naguluhan.
The car door behind Devanie swang open showing Helius' concerned face.
"What happened? Why did you suddenly stopped?" Nag-aalala nitong tanong.
Hindi niya alam na nakasunod pala ito sa kanila. Tiningnan niya si Devanie kaya napatingin din rito si Helius.
"Devanie was saying something about hurting me and putting me in danger by someone."
Napakunot ang noo ni Helius. Kasabay ng paghila nito sa braso ni Devanie palabas ng sasakyan. Napangiwi si Devanie sa sakit ng pagkakahila ni Helius kaya naman agad niya itong nilapitan pagkababa niya ng kotse.
"Helius, nasasaktan si Devanie." She tried to stop Helius but the latter was eager to hurt Devanie.
"Sino nag-utos sa iyo na ipahamak si Aria?!"
Nanlilisik ang mga mata nito habang naghihintay ng sagot ni Devanie. Napahagulhol naman si Devanie dahil sa takot rito.
"S-Si Miguel. Miguel Fernandez po, s-sir." Devanie stuttered as she answered.
Aria gasped in disbelief. Hindi siya makapaniwala na gagawin ni Miguel na ipahamak siya.
"That bastard!" Helius yelled angrily.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...