ABALA sina Helius at mga kapatid niya sa mga nakikita iba't ibang model ng mga kotse. Kagagaling lang nila sa shop ni Keana at katulad ng inaasahan niya, hindi sila nagtagal doon dahil hindi tinigilan ni Keana ng panunukso ang kapatid nito. May mga binigay na bagong mga dress lang si Keana sa kanya at umalis na sila doon.Ngayon nga ay narito sila sa showroom ng mga kotse na negosyo ng pinsan ni Helius. Gusto daw nito na bilhan ng kotse ang mga kapatid niya.
Tinanggihan niya ito pero hindi naman ito nagpapigil.
"What do you think of this, Sari?"
Napatingin siya kay Helius nang tawagin siya nito. Tinuro nito ang katabing kotse.
Ngumiwi siya rito.
"Hel, hindi pa kaya ni Nash magmaneho. Hindi niya pa magagamit 'yan."
Binalingan ni Hel si Nash na sumang-ayon sa sinabi niya.
"Tama po si ate, kuya Hel. Kailangan ko pa po mag-aral mag-drive at kumuha ng lisensiya."
Walang nagawa si Hel kundi bilhan na lamang ng ibang bagay ang mga kapatid niya tulad ng laptop na magagamit ng mga ito sa pag-aaral. Bukod sa laptop ay bumili din ito ng mga cellphone na mamahalin. Bumili din ito ng mga appliances at furnitures na ilalagay sa bago jilang gawa na bahay.
"You don't have to do this, Hel. This is too much."
"There's no too much when it comes to you and your family, Sari. I know how much they are important to you. Your family is my family now."
Natuwa siya sa sinabi ni Hel ngunit alam niyang walang katiyakan ang sinabi nito.
"Don't speak too soon, Hel. We both know what situation we are in right now. I am happy to have you but I know that having you is not for long. I'll just enjoy these moments with you."
Nginitian niya si Hel ngunit wala itong naging reaksiyon. Sa halip ay niyakap siya nito ng mahigpit. Mabuti na lang nasa kotse na ang mga kapatid niya.
"I only want you, Sari. Only you."
Napangiti siya. She leaned her head on his shoulder.
This is more than enough.
HINDI na sila naihatid ni Hel sa bahay dahil may importanteng bagay sa kompanya na kinakailangan ng presensiya nito. Pinahatid na lamang sila nito sa mga pinagkakatiwalaan nitong bodyguards.Pagdating sa bahay ay hinanap niya kaagad si Devanie ngunit hindi niya ito matagpuan hanggang sa lumapit sa kanya ang isa sa mga katulong.
"Miss Aria, pinapabigay po ito ni Devanie." Inabot aa kanya ng katulong ang isang sobre.
"Nasaan si Devanie?" Nagtataka niyang tanong rito.
"Umalis na po si Devanie kanina, Miss. Pinapabigay niya po 'yan."
Umalis na din ang katulong pagkasabi n'on. Naiwan siyang nakatitig sa sobre.
Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang sulat kamay ni Devanie.
Miss Aria,
Patawarin niyo po ako kung umalis ako ng walang paalam. Hindi ko na po kasi kaya ang nararamdaman ko. Ayoko po na dumating ang araw na masaktan ko ang tanging tao na nakaunawa sa sitwasyon ko. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan, Miss Aria. Pasensiya na po kung hindi na ako nakapagpaalam sa inyo ayon na rin po sa utos ni Mr. Smitherman. Maraming salamat po sa lahat, Miss Aria. Huwag po kayo mag-alala dahil hindi po nagkulang ang pamilya ni Sir Helius sa tulong na ipinaabot sa akin at sa pamilya ko sa kabila ng nagawa ko sa inyo. Napakaswerte niyo po kay sir Helius.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...