KINAUMAGAHAN ay maaga silang nagtungo sa bayan para mamili ng mga grocery. Ayaw na sana ni Helius na maghanda ng maraming pagkain pero mapilit si Tita Celina. Hindi naman daw ito ang magbabayad kaya huwag na daw magreklamo. Para hindi naman maguilty si Helius ay palihim na lamang niyang binayaran sa cashier ang mga pinamili ng Tita Celina niya.
Pagkagaling sa grocery store sa bayan ay nagtungo sila ni Helius sa clinic ng kanyang OB. Pinauna na nito ng uwi sina Ciela para makapag-intindi ng bahay ang mga ito.
"Kagagaling ko lang sa OB kahapon, Hel. Baka magtaka si Doc Barry kapag nakita ulit ako dito. Saka hindi ako nakaschedule for check up ngayon," reklamo niya kay Helius habang nakapila sila sa clinic.
Kailangan nilang pumila katulad ng ibang mga buntis dahil nga hindi naman niya schedule ngayon. Mabuti na lang at kakaunti ang nagpapacheck-up dahil weekdays ngayon.
"I don't care. I want to see my baby. I want to hear his heartbeat." Depensa nito.
"Pinakita ko na sa iyo kagabi ang mga sonogram niya 'di ba? Saka 'HIS'? Kailan mo pa nalaman na lalaki ang baby natin?"
Ngumiti ito sa kanya.
"Nanghuhula lang ako. Pero malakas ang kutob ko na lalaki ang ating panganay."
Napasimangot siya sa sinabi nito.
"What if babae siya? Magiging iba ba ang trato ng pamilya mo sa kanya? Hindi siya magdadala ng apelyidong Smitherman." Malungkot siyang tumingin kay Helius.
Hindi napalis ang ngiti nito sa labi habang nakatitig sa kanyang mukha.
"Be it a girl or a boy, my child will always be a Smitherman. Saka huwag mong isipin ang magiging tingin ng pamilya ko sa anak natin, if you're worried to Mama and Papa, you should'nt be. They love you especially Papa. He likes you very much because you reminds him of his late mother."
Napatango na lamang siya sa sinabi ni Helius pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang takot na baka iba ang maging trato ng pamilya nito sa anak niya kapag isa itong babae.
"Aria? What are you doing here? May nangyari ba?" Napaangat ang tingin niya sa nagsalita.
"Doc Barry, wala naman pong nangyari." Kadarating lamang nito mula sa pagduty sa hospital na nasa bayan.
"Bakit naparito ka? Nacheck-up na kita kahapon, right?"
"Opo, doc. Ano lang kasi..." Tumingin siya kay Hel na naghihintay na sabihin niya sa doctor ang pakay nila roon. "My partner wants to see our baby."
Napayuko siya nang kumunot ang noo ni Helius. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya na partner niya ito sa halip na kung ano man ang dapat na tawag niya rito. Hindi naman niya kasi alam kung anong label nila. Ang alam lamang niya ay dinadala niya ang anak nito at mahal siya nito. That's all.
"So, you're the father of her baby." Nginitian ng babaeng doctor si Helius.
"Yes. I'm Helius Killian Smitherman, Aria's fiancé and the father of her child."
"Nice to meet you, Mr. Smitherman. Let's get inside for the ultrasound and heartbeat again of your baby."
Nanatili siyang nakayuko kahit hinawakan ni Helius ang kanyang kamay para alalayan siya sa pagpasok sa clinic. Nahihiya siya rito dahil hindi niya ito naipakilala ng ayos.
"We'll talk about that later, Aria," bulong nito sa kanya na mas lalong nakapagpakaba sa kanya.
He called her Aria and not Sari. He's mad.
"Okay, Aria, you know the procedure." Tinanguan at nginitian niya ang doctor saka nahiga sa kama na naroon.
Nakatayo sa gilid ng kama si Helius habang nasa kabilang gilid naman ang doctor at inaayos na ang ultrasound scanner. Naramdaman niya ang malamig na gel sa kanyang lower abdomen. Next thing she felt was the fetal doppler being moved on her belly.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...