NAGISING si Aria sa tunog ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas niya itong kinuha at binasa ang mga mensahe sa messenger na sunod-sunod na dumarating.Lahat iyon ay galing kay Tessy at hinahanap siya nito. Hindi na nga pala siya nakapagpaalam kahapon at bilin din ni Kyle na huwag sabihin sa kahit na kanino ang tungkol sa trabahong inialok sa kanya.
Nag-reply na lamang siya rito na umuwi muna siya ng probinsya para sa operasyon ng tatay niya. Pagkasend ng message na iyon ay agad itong tumawag via videocall sa messenger. Hindi nito pwedeng malaman kung nasaan siya kaya ini-off niya ang video bago ito sinagot.
"Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag sa akin bago ka umalis?"
"Nagmamadali kasi ako. Kritikal ang lagay ni tatay kaya kailangan kong umuwi." Bumangon siya sa kama at dumiretso sa banyo para umihi. Kausap pa rin niya si Tessy. "Tatawagan na lang kita kapag okay na ang lahat."
"Sandali huwag mo munang ibaba ang tawag."
Sinunod naman niya ito pero tuloy pa rin siya sa pagsasagawa ng kanyang morning routine na pagkatapos umihi ay naghihilamos at nagmumumog. Iniloud speaker na lamang niya ang tawag.
"Kung umuwi ka ng probinsiya ninyo, bakit nandito pa rin lahat ng mga damit at gamit mo? "
Oo nga pala, wala nga pala siyang dala maliban sa wallet, cellphone at sling bag na lipstick at pabango lang ang laman.
"Nagmamadali nga 'di ba ako?" Nagdadasal siya na sana maniwala si Tessy sa kanya. Nagtungo siya sa sala para hanapin si Devanie.
"Oo nga pala. Oh sige, tawagan mo ako kapag may problema. Okay?"
"Sige, bye."
Binaba niya ang tawag eksaktong bungad sa kanya ng maraming shopping bags sa living room ng bahay. Nang tingnan niya isa-isa ang mga iyon ay mga kilalang brand ang mga ito. Magaganda ang mga damit, bag at mga sandals at sapatos na laman ng mga shopping bags.
Nasa tamang condominium pa ba siya?
"Devanie!" tawag niya sa tanging kasama sa bahay.
Humahangos naman itong lumabas mula sa kusina.
"Bakit po, Miss Aria?"
Tinuro niya ang mga shopping bags.
"Saan galing ang mga ito? Kanino ito?"
Ngumiti ito sa kanya bago sumagot.
"Pinadala daw po ito ni Mr. Smitherman. Sukatin niyo daw po kung tama ang size na binigay ni Miss Maven. Tapos mamaya daw po after breakfast ay pupunta daw po tayo sa A&S Design para po masukatan kayo para sa mga gowns at dresses niyo daw po."
Napanganga siya sa mga sinabi ni Devanie. Tila isa siyang prinsesa ngayon. Tinulungan siya ni Devanie na ilabas ang lahat ng laman ng mga shopping bags at sinukat iyon.
"This is a perfect fit," anas niya nang maisuot ang isang formal dress.
"Napakaganda niyo talaga, Miss Aria. Pwede na kayong ihanay sa mga artista sa hollywood."
Natawa siya sa sinabi ni Devanie pero sanay na siya sa mga ganoong komento. Alam niyang may angkin siyang ganda kaya nga madalas siyang pagnasaan ng mga kalalakihan.
"Ate Aria. Call me Ate Aria, Devanie. Drop the Miss."
Ngumiti at tumango sa kanya ang dalaga.
"Ready na ba ang almusal?" she asked that made Devanie rushed to the kitchen.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...