"DEVANIE?"Hindi siya makapaniwala na ang assistant niya sa pagiging lady, ang taong pinagkakatiwalaan niya, ang taong muntik nang magpahamak sa kanya ngunit hindi natuloy at ang anak ng Tita Celina niya ay iisa.
"Aria, anong ginagawa ninyo rito?" Hindi nawari kung ngingiti ba o hindi si Devanie.
"Ikaw nga! I missed you so much, Devanie."
Napukaw ng masaya niyang tinig ang atensyon ng dalawa niyang kapatid na mabilis na tumakbo patungo sa kanila.
"Ate Devanie? Nandito ka din." Bulaslas ni Nash na agad na niyakap si Devanie. Ganoon din si Noah.
"Sandali, naguguluhan ako sa inyo. Bakit tinatawag ninyong Devanie ang anak kong si Ciela?" Binalingan ni Celina ang anak. "May hindi ba ako nalalaman, Ciela?"
Nabasa ni Aria ang pag-aalangan sa mukha ni Devanie.
"Nay, si Aria po ang dati kong amo sa Maynila."
Nakita niya ang gulat sa mukha ng tiyahin nang sabihin iyon ni Devanie.
"Devanie ang pagkakakilala nila sa akin at hindi Ciela."
This time ay siya naman ang binalingan ng tiyahin.
"Totoo ba ang sinasabi ng anak ko, Aria?"
"Opo, Tita. Si Devanie... I mean Ciela po ang nakasama ko sa trabaho sa Maynila. Nanghinayang nga po ako noong umalis siya dahil maliban sa hindi po siya nakapag-paalam sa akin ay siya lang din po ang kasundo ko at mapagkakatiwalaan sa trabaho pero iniwan niya po ako." Para siyang bata na nagsumbong sa tiyahin.
Sinadya niya na sabihin ang mga salitang iyon na maririnig ni Devanie dahil 'yon ang mga salitang gusto niyang sabihin rito. Umalis ito ng walang pormal na paalam at ngayon ay malalaman niya na pinsan niya pala ito.
"Gustuhin ko man na manatili sa trabaho bilang assistant mo ay wala naman akong magagawa kung wala nang tiwala sa akin si Sir Hel. Ayaw niya na mapahamak ka ulit kaya inutos niya na umalis na lang ako dahil baka gamitin ako ulit ni Miguel para saktan ka." Hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata si Devanie habang sinasabi iyon.
Napabuntong hininga siya. Si Helius na naman ang dahilan kung bakit nawalan siya ng kaibigan. Naawa siya kay Devanie ngunit masaya siya na malaman na kamag-anak niya pala ito. Kaya pala magaan ang loob nila sa isa't isa.
"Tapos na ang mga bagay na 'yon. It's all in the past ang mahalaga ngayon ay ang katotohanan na pamilya pala tayo. Kaya pala magkasundo tayo sa mga bagay-bagay." Natatawa niyang niyakap si Devanie. "Wait, is your real name Devanie or Ciela?"
Napatawa ang kanyang Tita Celina sa kanyang tanong.
"Ciela Devanie Sales. Iyon ang totoo niyang pangalan."
Napatango siya at ang kanyang mga kapatid sa sinabi ng tiyahin.
"Ano pala ang itatawag namin sa iyo? Ciela o Devanie?" tanong niya kay Devanie.
Ngumiti ito saka nagkibit ng balikat.
"Total nandito tayo sa probinsiya, tawagin niyo na lang ako na Ciela. Mas kilala ako ng mga tagarito sa pangalan na 'yon."
"Ciela it is," aniya.
"Mas bagay nga sa iyo ang Ciela kaysa sa Devanie. Mas bagay sa iyong ganda." Komento ni Nash na nakapagpalaki sa kanyang mata.
Ang kanyang kapatid ay marunong nang maka-appreciate ng ganda. Binata na talaga ang kapatid niya. Nagtawanan sila.
Hinintay lang nila ang sasakyan na maghahatid sa kanila sa bahay ng Tita Celina. Gusto na niyang mahiga at magpahinga dahil pakiramdam niya ay ngalay na ngalay ang kanyang likod. Kasama siguro ito sa kanyang pagbubuntis.
Medyo malayo sa summer house ng amo ng tiyahin ang pinuntahan nilang lugar. Mahigit isang oras din silang bumyahe lulan ng tricycle na pag-aari din ni Ciela. Kasama ito sa mga napundar nito mula sa naging sweldo sa pagtatrabaho sa mga Smitherman.
Tabing-dagat din ang lugar na kanilang pinuntahan. Ang pinagkaiba nga lang ay mas tahimik sa lugar na iyon dahil malayo sa kabahayan at tanging ang malaking cabin house lang ng tiyahin ang naroon. Yari sa kahoy ang bahay at halata na kakarepair lamang ng ibang parte nito.
"Pasensiya na kayo dahil hindi pa ito tapos na ipaayos ni Ciela. Medyo kinapos sa budget kaya kailangan pang mag-ipon. Pero huwag kayong mag-alala, maayos ang tutulugan ninyo." Natutuwa siya sa pagiging maasikaso ng kanyang Tita Celina. Mas lalo niyang namimiss ang kanyang ina.
"Huwag po kayong mag-alala, Tita. Sanay po kami sa hirap kaya wag po kayong humingi ng pasensiya," aniya habang inilalabas ang ibang damit nilang magkakapatid.
"Nasa poder ko na kayo ngayon kaya kung paano ko itrato ang anak ko ay ganoon ko din kayo itatrato. Sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa inyong ina."
Wala na siyang nagawa nang ipaghanda siya ng tiyahin ng kanyang hihigaan. Sa kwarto na muna siya ni Ciela tumuloy habang ang dalawa niyang kapatid ay sa silid naman ng tiyahin.
Habang naghahanda ng kanilang hapunan ang kanyang tiyahin ay sinamantala niya ang pagkakataon para makausap si Ciela. Nasa balkonahe ito ng bahay at nagsasampay ng mga damit na katatapos lang nitong labhan.
"Ciela..." tawag niya rito.
Lumingon ito at huminto sa ginagawa para harapin siya.
"Totoo bang si Helius ang nag-utos na umalis ka sa trabaho?"
Malungkot itong ngumiti. Naupo ito sa bakanteng silya na naroon. Siya naman ay inokupa ang silya sa tapat ng inupuan nito.
"Hindi." Huminga ito ng malalim at tumingin sa kanya. "Kusa akong umalis dahil natatakot ako na baka masaktan ka na naman nang dahil sa akin. Ayoko na ako ang maging dahilan ng kapahamakan mo. Nagsisisi ako na nagpagamit ako kay Miguel. Dahil sa pera ay nagawa ko ang bagay na 'yon pero alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi. Sana mapatawad mo ako, Aria."
She sighed. "Matagal na kitang napatawad, Ciela. Tulad ng sinabi ko kanina wala na akong pakialam sa mga bagay na iyon dahil tapos na lahat ang mga araw na 'yon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang pamilya ko. Kayo, ang mga kapatid ko at ang anak ko."
Namilog ang mata ni Ciela sa huli niyang sinabi.
"B-Buntis ka?"
Nakangiti siyang tumango rito. Abot-tenga naman ang nagingi ngiti nito sa sobrang saya.
"Pero bakit nandito ka? 'Di ba dapat magpapakasal ka kay sir Helius kung dinadala mo ang anak niya." Puno ng pagtataka nitong tanong.
"Naunang magdalang-tao si Charity kaya malinaw na siya ang magiging asawa ni Hel. Kapag nalaman nila na ipinagbubuntis ko ang anak ni Hel, kukunin nila sa akin ang anak ko at si Charity ang ipapakilala nilang ina rito. Katulad ng nangyari kay Keana. Hindi ko hahayaan na ibang babae ang kikilalaning ina ng anak ko. Ako ang ina niya kaya poprotektahan ko siya."
Lumipat sa tabi niya si Ciela at niyakap siya. Alam niyang nauunawaan ni Ciela kung bakit siya nagdesisyon na ilayo ang anak sa mga Smitherman.
Bilang isang ina, wala siyang ibang hangad kundi mapabuti ang kanyang anak. Hindi ang yaman ng mga Smitherman ang makakapagbigay sa kanyang anak ng maayos na buhay. Ang pagmamahal ng isang ina ang kailangan ngnkahit na sinong anak sa mundo. Mahirap mabuhay na walang ina o magulang na gumagabay. Nabuhay siya na walang ina o ama sa kanyang tabi. Siya ang tumayong ama at ina sa kanyang mga kapatid kaya hindi niya hahayaan na maranasan iyon ng kanyang anak.
Nang gabing iyon ay napag-usapan nila ang mga plano nila sa pagbabagong buhay nila sa probinsiya. Masaya siya dahil nakasuporta sa kanyang mga desisyon ang tiyahin. Ginagabayan din siya nito sa mga dapat at hindi dapat gawin lalo na sa kanyang pagbubuntis.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...