KINAKABAHAN si Aria habang nasa kaniyang condominium. Maven came early this morning to inform her about the ceremony. It will be tonight at kinakabahan siya dahil ito na ang magiging simula ng panibago niyang buhay kapalit ng panibagong buhay ng ama at maginhawang buhay ng kanyang pamilya.May ilang oras na lamang siya para maghanda para sa pagiging 'lady' ng mayamang anak ni Mr. Smitherman.
Kahapon ay kinausap siya nito sa telepono at sinabi nito na hindi magiging madali ang pagiging 'lady' na pinasok niya ngunit kung nais daw niyang mabigyan ng maayos at matiwasay na buhay ang pangalawang magulang niya at mga kapatid ay kailangan lamang niya magtiwala rito. Sa pera na mayroon si Mr. Smitherman ay hindi na siya nagtataka kung napa-background check siya nito.
Tinutulungan siya ni Devanie sa mga kailangan habang ang grupo ng mga mag-aayos sa kanya ay abala sa mukha niya. Dumating na din ang gown na personally designed and tailored by the famous hands of Keana.
"Ikaw ang magiging pinakamagandang babae sa loob ng hall mamayang gabi, Miss Aria." Natutuwang wika ni Devanie sa kanya. Hawak nito ang napakagandang gown na gawa ni Keana.
It was a body con long dress reaching her ankles with a high slit on the right up to her upper thigh showing her flawlessly white long legs. Masyadong sexy at daring ang damit ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang kailangan niyang suotin. She's a slave now.
Ilang oras din ang naging paghahanda niya bago sila natapos. It was exactly 5:30 when they finished preparing. Ang seremonya ay magsisimula ng alas sais ng gabi kaya naghanda na din sila para sa pagpunta sa mansion.
Nasa loob na siya ng kotse kasama si Devanie nang tumunog ang kanyang cellphone na hawak ni Devanie. It was the most expensive phone issued by Mr. Smitherman to monitor her whereabouts. Isang mensahe ang dumating mula sa hindi nakarehistrong numero.
~Can't wait to see you, my lioness.~
Napakunot ang noo niya sa mensahe na dumating. Who would call her 'lioness'?
She felt a sudden excitement inside for unknown reason. Kinikilig siya na hindi niya alam kung kanino siya kinikilig. All she knows is that someone is excited to see her.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mansion. Maraming tao ang naroon at tiyak niyang kabilang sa mga mayayamang pamilya ang mga ito.
Humugot siya ng buntong hininga bago umibis ng sasakyan.
Sinalubong sila ng apat na babaeng naka-suit.
"This way, Miss."
Iginiya sila ng mga ito sa kabilang entrance ng mansion kung saan walang mga taong dumaraan.
Sa isang silid sila dinala ng mga babae kung saan naghihintay si Maven.
"You're perfectly beautiful, Aria!" anas nito nang makita siya. "A beauty fit for the lion."
"Salamat, Maven."
"Wait for my cue before you come out. Nagsisimula na ang programa kaya any minute ay ipapakilala na kayo sa buong angkan."
Tumango lamang siya kay Maven dahil ang totoo kinakabahan siya at hindi niya alam ang dapat na maramdaman.
HELIUS is excited but at the same time nervous. Kinakabahan siya para kay Aria. Paano kung magbago ang isip nito kapag nakilala nito ang buong angkan niya. The truth is hindi siya naeexcite sa ibang mga lady na ipapakilala sa kanya. He's more excited to see and meet Aria in person.Hindi niya napigilan ang excitement kanina kaya naitext niya si Aria. Hindi naman niya pinagsisisihan dahil iyon ang totoo. Hindi na siya makapaghintay na makita ito. It's a good thing that Maven keeps him updated.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomansaSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...