NAALIMPUNGATAN si Aria sa paggalaw ng kanyang kama. Hindi naman siya kumikilos. Nang buksan niya ang night lamp ay bumungad sa kanya ang bulto ng katawan ni Helius na nakahiga sa kanyang tabi.Nanghilakbot siya nang makita ang dugo sa kamao nito.
"Helius! Anong nangyari sa'yo?" Sinuri niya ang kabuuan nito upang matiyak na ang mga kamay lamang nito ang may dugo at wala na sa ibang parte ng katawan. "Bakit may dugo ang kamay mo?"
She's panicking. Ang alam niya ay si Charity ang kasama nito ngayong gabi dahil ngayon sila dapat magsisiping. Pero bakit narito ito sa bahay niya at may dugo pa sa kamay. Hindi kaya....?
"Helius, anong ginawa mo kay Charity? Did you hurt her?" Kahit may galit si Charity sa kanya ay babae pa rin ito tulad niya. Concern pa rin siya sa kaligtasan nuto.
Tumawa ng mahina sibHelius. Nagtataka siyang tumingin rito.
"Anong nakakatawa? Sinaktan mo ba siya?!" Hinampas niya ang braso nito dahil parang biro lang rito ang sinabi niya.
Sa halip na sumagot ay hinila siya pahiga sa tabi nito at kinulong sa mga braso nito. Napangiwi pa siya dahil naamoy niya ang malansang amoy ng dugo sa kamay nito.
"What did you do? Did you kill someone? Kailangan ba nating itago ang bangkay?"
Muli itong tumawa sa mga sinabi niya. Siya naman ay napaismid rito.
"I didn't hurt Charity but I did hit someone that I almost killed them."
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"Sinong sinaktan mo?" she asked.
"Miguel Fernandez and his father."
She gasped, "W-What? Why?"
"They almost kidnapped you and earlier they harmed my friend's wife. Hindi ko palalampasin ang mga ginagawa nila sa ngalan ng pera."
Helius gritted his teeth in anger. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at mataman itong tiningnan sa mga mata. Malamlam ang ilaw sa silid ngunit malinaw niyang nakikita ang nangungusap nitong mga mata.
"Thank you, Hel," aniya at niyakap ito ng mahigpit.
Simula nang mapunta siya sa poder nito ay naging maayos ang buhay niya at ng pamilya niya. Naiprovide niya ang lahat ng kailangan sa pagpapagamot ng tatay Boyet niya. Sa piling nito naramdaman niya na ligtas siya.
Gaganti sana ito ng yakap ngunit pinigilan niya ito.
"Wash yourself first. You smell...urgh!" Nagkunwari siyang naduduwal sa amoy ni Hel kaya agad itong bumangon at nagtungo sa banyo.
Akala niya mabilis lamang ito dahil kamay lang naman nito ang may dugo ngunit narinig niya ang paglagaslas ng tubig sa shower. Naligo na pala ito sa kanyang banyo.
"You don't have extra clothes here, Helius! Why did you take a bath?" hiyaw niya sa nakapinid na pinto ng banyo.
The gushing of water stopped. He turned off the shower.
"I have an extra clothes on my car. Can you get it for me?" Nadinig niyang sabi nito.
"Okay, I'll be quick."
Lumabas siya ng silid at nagtungo sa garahe kung saan nakapark ang kotse ni Helius. Hindi nakalock ang pinto nito kaya madali niyang nakuha ang pares ng pamalit na damit sa backseat ng sasakyan. Nagmamadali siyang bumalik sa kwarto niya ngunit nang nasa may hagdan siya ay nakita niya ang liwanag na nagmumula sa kwarto ni Devanie. Sa guest room ito natutulog kaya ito lamang at ang mga katulong ang nasa unang palapag ng bahay. Pupuntahan niya sana ito sa guest room ngunit namatay na ang ilaw sa loob ng silid nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/261113367-288-k914786.jpg)
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...