BASA ang pang itaas na damit ni Helius nang umuwi sa mansiyon na hindi naman nakalampas sa mata ng kanyang nakababatang kapatid na si Helga Keana o kung tawagin niya ay Kia."I think hindi natuwa si Chari sa binalita mo." Natatawa itong lumapit sa kanya.
"Sino ba kasing matutuwa kapag sinabi ng boyfriend mo na maghiwalay na kayo dahil kailangan niyang mag-asawa at hindi ikaw ang aasawahin niya?" Tinaasan niya ng kilay ang kapatid habang hinihintay ang tugon nito.
"Chill ka lang kuya."
"I am literally chilling right now, Kia. I'm soaking wet and I smell like..." inamoy niya ang sarili, "cucumber and ugh"
Tinawanan siya ni Kia.
"I heard a good news from Papa. Naalis ang isa sa mga lady na dapat ipapakilala sa iyo mamaya kaya naman may bakante na isang posisyon para sa lady. And I also heard that the will going to be moved next week. May one week ka pa para makipag-make out kay Chari. "
Sa halip na matuwa ay nainis lamang siya sa binalita ng kapatid. Anong ikakatuwa niya doon? Tuloy pa din ang tradisyon, madedelay pero tuloy pa din. The only good thing is that may isang linggo pa siya para ihanda ang sarili.
Sa ngayon kailangan niya nang maligo dahil hindi na siya natutuwa sa amoy niya.
"I don't f*cking care about that ceremony. All I care is my smell right now."
Iniwan niya ang kapatid at dumiretso sa kanyang kwarto. Hinubad ang kanyang damit at dumiretso sa shower.
Habang nasa ilalim ng umaagos na tubigbng shower ay bumalik ang isipan niya sa nangyari sa restaurant. Chari was mad at him but his eyes were focused on the other girl who was also mad like Chari. The only difference was, the woman was mad at the other guy.
Hindi maalis sa isipan niya ang galit sa mukha ng babae. It was genuine. She's hurt. She knew that Chari was also mad but he can't see the pain in her eyes like the woman has.
Aaminin niya hindi siya naawa kay Chari kundi sa babaeng nakita niyang niloko ng boyfriend nito. The woman was in pain but she chose to be strong and not to let a single tears rolled down her cheeks.
Nakita niya ang kanyang ina sa babae noong mga panahon na ito ay nasasaktan dahil sa pagiging babaero ng ama. Ang tapang na nakita niya sa ina noon ay nakita niya sa babae na nasa restaurant kanina.
Hindi mawala sa isip niya ang babae. Hindi din niya maitatanggi ang ganda nito. Sa taglay nitong ganda ay nagawa pa itong lokohin ng nobyo.
"Lian?"
Pinatay niya ang shower ng marinig ang boses ng ina sa labas ng banyo.
"I'm in the shower, Ma. What is it?"
"The elders want to talk to you. They're waiting in the conference room."
Napabuntong hininga siya sa sinabi ng ina.
"I'll be there, Ma. I'm almost done."
"Okay, son."
Sunod niyang narinig ang pagsara ng pinto ng silid. Nagpatuloy na lamang siya sa paliligo saka nagbihis. Nagtungo siya sa conference room ng bahay nang matapos.
Doon ay hinihintay siya ng limang pinakamatatanda sa angkan. Naroon ang kanyang Lolo Matthew at ang dalawa nitong kapatid na lalaki na sina Lolo Edward at Lolo David. Naroon din ang kanyang ama at ang kapatid nitong si Uncle Cesar.
"Sit down, Lian," utos ng kanyang ama.
"Pinatawag ka namin rito dahil nagkaroon ng kaunting problema sa mga ladies." Panimula ng kanyang Lolo David na laking Pilipinas kaya sanay ito sa pagsasalita ng Filipino. "Isa sa mga babae ay napag-alaman naming nakipagtalik sa iba bago ang usapan na petsa ng seremonya na malinaw na paglabag sa kasunduan. Kaya naman kinailangan naming kanselahin ang seremonya mamaya."
"Kia already told me about that earlier."
Hindi na nagulat ang mga ito sa sinabi niya. They all knew how great Kia as an eavesdropper is.
"I hope you already told Charity about this." It was his Lolo Matthew.
"I already did, Grandpa."
Tumango ito at ang ibang elders.
"Simula ngayon ay hindi ka na titira dito sa mansiyon ng iyong mga magulang." His Lolo Edward said. "Your father will transfer you to the mansion he bought for you and your ladies."
"I understand."
Wala siya sa mood makipagdiskusyon sa mga ito dahil masyado ng maraming nangyari nitong araw na ito. Idagdag pa ang hindi maalis na mukha ng babae sa kanyang isipan.
"Simula din ngayon ay hindi ka na tatanggap ng pera mula sa iyong mga magulang." His Lolo David added.
Wala ng bago sa kanya sa bagay na iyon dahil mula nang tumungtong siya sa edad na 25 ay pinagmanage na siya ng ama ng negosyo at kumikita na rin siya mula sa sariling paghihirap. He can proudly say na hindi siya umaasa sa yaman ng magulang.
"Simula din ngayon ay hindi ka na pwedeng makita na may kasamang ibang babae maliban sa iyong magiging mga ladies. I'm sure nasabi na sa iyo ng Papa mo ang mga dapat at hindi mo dapat gawin bilang isang ganap nang master."
Tumango siya sa sinabi ng Uncle Cesar niya. Very well informed siya sa lahat. Actually, matagal na siyang naorient ng ama sa tradisyon na ito.
"If that's the case, you will go to your new house now."
Umahon ang mga ito sa kinauupuan nila saka isa-isang umalis. Naiwan siya at ang ama sa conference room.
"Are you all right, son?" tanong sa kanya ng ama.
Ang totoo may bumabagabag sa isipan niya at hindi niya alam kung makakatulong sa kanya ang ama.
"Pa, sina Lolo lang ba ang pwede pumili ng magiging lady ko? Pwede ka ba na magsuggest sa kanila if ever?"
Napakunot ang noo ng ama sa kanya. Saglit itong nag-isip at maya-maya ay tila may napagtanto ito.
" Are you planning on suggesting Charity to be your lady? That's not possible, Lian."
"No, it's not Charity. Ibang babae ang tinutukoy ko, Pa."
Seryoso siyang tiningnan ng ama. Tinapatan niya ang mga tingin nito. It was like they're testing each other's seriousness until his father sighed.
"Give me her name and let see what I can do but I can't promise anything, son."
That brought a pinch of happiness inside him.
"I don't know her name but I'm sure the owner of Casa Simple could help us identify her."
"You got shot by an arrow of love, son." Tudyo ng ama. "Go to your new home and leave everything to me."
Hindi niya napigilang yakapin ang ama sa sobrang saya. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot at pag-aalala niya.
Masaya siyang umalis sa mansiyon pagkatapos magpaalam sa ama at mga kapatid. May dalawa siyang nakababatang kapatid. Maliban kay Kia ay may bunso siyang kapatid na lalaki. Si Hensley Kurt na kasalukuyang nasa ibang bansa at tinatapos ang doctorate degree nito.
Sana ay makita niyang muli ang babaeng iyon.
I want to see her face every single second of the day.
I want her.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...