MONTHS have passed quickly.Hindi na namalayan ang paglipas ng buwan dahil kay Helius. Having him beside her makes no spaces for sadness and dull moments. For the last five months staying in the province with her man, Helius never failed to make her happy everyday.
Nakapag-stay ng matagal sa probinsiya si Helius dahil maliban sa mas gusto nito na kasama siya lagi, sinisimulan na din kasi ang expansion ng HK Hospital sa bayan. It was a project of Helius kaya tutok na tutok ito sa mga gawain ukol dito.
Si Keana pansamantalang namamahala ng HK hospital at ng kompanya habang wala si Helius. Everything was good and fine.
She was lying on the reclined chair near the sea, enjoying the cold breeze and listening to the sound of the waves.
She closed her eyes as the wind blew her hair.
"Hindi na ako magtataka kung mahilig sa dagat ang anak natin."
Napamulat siya nang marinig ang boses ni Helius. She saw him walking towards her with a bowl of fruits on his hands.
"There's nothing wrong with being in love with the sea," depensa niya na agad namang sinang-ayunan nito.
"I never said anything like that." Umupo ito sa tabi niya at sinubuan siya ng ubas.
Simula nang makasama niya ulit si Helius, spoiled na spoiled siya sa pag-aalaga nito. Kulang na nga lang ay paliguan siya nito.
"Bumangon ka nga daw pala d'yan sabi ni Tita. You need to walk." There he goes again with the routines for an easier delivery.
Wala na siyang nagawa nang bigyan siya nitonng warning look. The last time na hindi siya sumunod sa walking exercise routine na iyon ay maghapon siyang kumain ng pinakaayaw niyang gulay na ampalaya.
Umahon siya mula sa pagkakahiga ngunit natigilan siya nang tuluyan nang makatayo. Napahawak siya sa kanyang hita.
She felt liquid gushing on her legs. Napatingin siya kay Helius nagtataka sa kanya.
"My water broke," aniya.
Pagkasabi niya noon ay biglang nagpanic si Helius.
"Wait, our baby's coming. What should I do?" Natataranta nitong ibinaba ang bowl ng prutas. Inalalayan siya makaupo at muling pinatayo.
"Helius, hindi makakalabas ang anak natin kung hindi mo ako dadalhin sa ospital." Kalamado niyang wika. Her water broke but she couldn't feel anything aside from the water coming out of her private part. "Alalayan mo ako para makaalis na tayo. Asked Ciela to ready the car. Nasa kwarto natin ang mga gamit namin ni baby."
Puro tango ang sinagot ni Helius sa kanya habang inaalalayan siyang makalakad. Nang maihanda na lahat ng kanyang mga kailangan sa panganganak ay dinala siya ni Helius sa ospital kung saan nagtatrabaho si Doc Barry. Susunod na lamang daw ang Titia Celina niya at si Ciela.
Agad siyang inasikaso ng mga nurses pagkarating nila sa ER. Nilagyan siya ng IV at dinala sa isang private room.
"Doc, hindi pa po ba siya dadalhin sa delivery room? Manganganak na ang asawa ko," reklamo ni Helius sa doctor.
Hindi pa sila ikinakasal pero asawa na ang tawag nito sa kanya.
"Mr. Smitherman, hihintayin po natin na maglabor si mommy bago po dalhin sa delivery room. Wait na lang po tayo." Nakangiting paliwanag ni Doc Barry.
Naunawaan naman ni Helius kaya tumango ito. Nang makaalis ang doctor ay agad siya nitong dinaluhan.
"Are you alright?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...