MAGKASAMA sina Helius at Charity na nagtunga sa ospital kung saan nagtatrabaho si Hugo. Nalaman ni Helius na major stockholder ng ospital si Hugo kaya malaki ang impluwensiya nito sa buong ospital.Nagtungo sila sa laboratory kung saan kinunan sila ng dalawa ni Charity ng dugo. Kumuha din ng fetal cell sa bloodstream ni Charity para sa sample mula sa sanggol.
Kinakabahan siya sa bagay na ito dahil hindi sila tiyak na gagawin ni Hugo ang napag-usapan nila. Pinagdarasal na lang niya na sana mausig ngnkonsesiya si Hugo.
"Ma'am, Sir," pukaw sa kanila ng nurse na kumuha ng dugo kanina lamang. "Kukuha po ulit kami ng sample para po sa 99 % accuracy ng result."
Naningkit ang mata ni Charity.
"Kumuha na kayo kanina ng dugo, kukuha na naman kayo. Do you want to drain our blood?!" Masungit na wika ni Charity sa nurse.
Siya naman ay kalmadong ibinigay ang braso sa nurse.
"Let them do their job, Charity. Bakit ba parang ayaw na ayaw mo sa paternity test na ito? Kung anak ko talaga ang dinadala mo wala kang dapat ikatakot. Pananagutan ko 'yan pero kung hindi sa akin ang batang 'yan, hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ka umasta."
Sinamaan siya ng tingin ni Charity pero hindi ito umimik. Ibinigay na lamang nito sa nurse ang braso. Napapikit ito ng mariin nang muling turukan ng nurse para makunan ng dugo.
Matapos ang ilang procedure ay nagtungo sila sa doctor na magsasagawa ng test. Hindi iyon si Hugo pero sigurado siya na under ito ni Hugo kaya madali itong makokontrol ng huli.
"Good day, Mr. and Mrs. Smitherman," bati sa kanila ng babaeng doctor.
"We're not yet married. She's not yet Mrs. Smitherman." Pagtatama niya sa sinabi nito.
"Doon din namana ng punta natin after ng paternity test na ito. Am I right, doc? " Charity said that made him snort.
Napangiti na lamang ang doctor sa sinabi ni Charity.
"I am Dr. Pablo." Pagpapakilala nito. "I will run the noninvasive prenatal paternity test. The result will be ready in 24 hours. Come back tomorrow afternoon for the result."
Sinabi lang ng doctor ang mga benefits ng paternity at kung paano ito nakatutulong para malaman kung biological father ba ng fetus ang alleged father. He just didn't expect that the result would be that fast. Mas okay na 'yon para mas mapabilis ang lahat.
Pagkagaling sa ospital ay nagkanya-kanya na sila ni Charity. Bumalik siya sa kompanya para sa mga naiwan niyang trabaho.
Pagdating niya sa opisina ay agad siyang sinalubong ni Maven.
"Sir, nasa loob po ng office ninyo ang inyong Lolo at ama. Kanina pa po kayo hinihintay."
Helius exhales sharply while staring at his office.
"Thank you, Maven. Pakiprepare na lang ng mga documents na kailangan ko sa hospital expansion sa Mindoro."
"Yes, sir."
Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto. Nadatnan niya ang ama at ang kanyang Lolo na kapwa nakatingin sa kanya.
Lumapit siya sa kanyang Lolo at nagmano rito. Ni-recognize naman niya ang presensiya ng ama sa pamamagitan ng pagtawag rito.
"Pa," wika niya sa ama saka umupo sa bakanteng couch.
Magkatabing nakaupo sa mahabang sofa ang kanyang lolo at ama. Siya naman ay nakaupo sa tapat ng mga ito.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomansaSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...