"PAG-ISIPAN MO ANG OFFER NI MR. SMITHERMAN. TAWAGAN MO AKO KAPAG NAKAPAGDESISYON KA NA."Inilapag ni Kyle ang business card nito sa mesa saka umalis. Naiwan naman siyang pinagninilayan ang trabahong inialok nito.
"Be Mr. Smitherman son's lady."
"Lady? Is this some kind of human trafficking?"
Natawa si Kyle sa tanong niya.
"Hindi ilalagay ni Mr. Smitherman ang pangalan niya sa mga ilegal na gawain na tulad no'n, Aria. Isa itong malinis na trabaho at nasa sa iyo ang desisyon. Ipapaalala ko lang na hindi milyon ang pinag-uusapan natin dito kundi bilyon. Sa pagiging 'lady' pa lamang ay bilyon na ang makukuha mo, what more kung mabigyan mo ng anak na lalaki ang master mo. Master ang tawag sa unang anak na lalaki ng kasalukuyang henerasyon ng Smitherman. Isa lang maipapangako ko sa iyo sa trabaho na ito, Aria."
Bahagyang lumapit sa kanya si Kyle upang malinaw niyang marinig ang sasabihin nito.
"Hindi ka talo sa trabahong ito. Mabigyan mo ng anak o hindi ang master ay may makukuha kang halaga para sa iyong serbisyo."
Bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip niya ng tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang inay Brenda.
"Hello, 'nay..."
"Anak, kailangan ng maoperahan ng tatay mo dahil may multiple organ failure na siya ayon sa doctor. Anong gagawin natin, Aria?"
Humahagulhol ang ina-inahan sa kabilang linya. Bumalik sa isipan niya ang trabaho na iniaalok ni Mr. Smitherman. Wala na siyang ibang mapagpipilian.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka buo ang isipan na tumugon sa ina-inahan.
"Ako na po ang bahala, inay. Hintayin niyo na lang po ang tawag ko mamaya."
"Sige, anak."
Pagkababa ng tawag ay pikit mata niyang kinuha ang business card ni Kyle at tinawagan ito.
KINAKABAHAN si Aria habang nasa elevator kasama ang mga assistant na pinadala ni Kyle. Pumayag siya sa trabaho na inalok nito kaya narito siya ngayon kasama ang dalawang lalaking nakasuit at isang babaeng nakasuit din ng kulay pula. Lahat sila ay tahimik at pormal.
"This way," tinuro ng babae ang hallway sa kanan ng elevator nang lumabas sila.
Nang tinawagan niya si Kyle kanina para sabihin ang desisyon niya ay agad itong nagpadala ng mga tao sa restaurant para sunduin siya. Tiniyak na din nito ang operasyon ng ama-amahan niya na kinompirma naman ng kanyang ina dahil agad na inihanda ang ama para sa pagbiyahe patungo sa Singapore kung saan gagawin ang operasyon. Tiniyak ni Kyle na magiging ligtas ang kanyang ama at ang akanyang pamilya.
Huminto sila sa tapat ng isang pinto at binuksan ito ng isa sa dalawang lalaki. Napanganga siya nang makita ang kabuuan ng silid. Napakalaki ng silid at kompleto sa mga mamahaling furnitures at mga decorations.
"Simula ngayon ay dito ka titira habang hindi pa dumarating ang araw ng pagpapakilala sa inyo sa inyong master. That would be five days from now so better prepare."
Pinalandas niya ang kamay sa sofa na naroon maging sa mga mamahaling vase sa mesa.
"Anong klaseng tao ang anak ni Mr. Smitherman? Ang sabi kasi ni Kyle ay kailangan ko lamang ibigay ang aking serbisyo kapalit ng malaking halaga. Gusto kong malaman kung anong klaseng serbisyo ang gagawin ko."

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomansaSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...