UMALINGAWNGAW sa loob ng silid ang malakas na tunog ng nabasag na bote. Mabilis na napatakbo si Keana sa silid na pinanggalingan ng tunog.Katulad ng mga nakaraang mga gabi ay ang kuya na naman niya ang may gawa. Ibinubuhos na naman nito ang galit sa kahit na anong bagay na mahawakan nito. Noon nakaraan ay ang mamahaling vase ng Mama nila ang nabasag nito. Kahit mahal ng Mama niya ang vase na iyon ay pinalampas na lamang nito iyon dahil alam nitong may pinagdadaanan ang kapatid niya.
At day, her brother is a nice and decent man infront of the people he's dealing with. But when the night comes, that's when his true identity shows that reflects what he really feels inside. Kaya nga dito na ulit itonsa mansyon pinag-stay ng parents nila dahil baka kung ano daw ang magawa nito sa sarili.
He's broken inside and he's trying his best not to show it to anybody.
"K-Kuya..." pukaw niya rito.
It's been a three months since Aria left. Tapos na din ang kies degene. Buwan na lang ang bibilangin bago ang nakatakdang araw ng kasal ni Helius kay Charity.
"What is it now, Keana?" May himig ng galit na tanong nito.
Madilim ang loob ng silid at tanging silhouette lamang ng kapatid ang nakikita niya. Nakaupo ito sa sahig at nakasubsob sa ulo sa braso na nakapatong sa isang tuhod nito.
"Can we talk?"
"About what?"
Matagal na niyang gustong kausapin at tulungan ang kapatid sa sitwasyon nito pero pinipigilan siya ng takot na baka magalit ito kapag nakialam siya. Pero mas hindi niya kakayanin na gabi-gabi na lang na magigising siya sa isang malakas ng tunog mula sa kwarto nito.
Pumasok siya sa silid nito. Maingat ang mga hakbang niya dahil baka may maapakan siyang mga basag na bubog. Nakarating naman siya ng ligtas sa couch.
"About Charity's pregnancy."
Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya.
"What about it?"
Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng kapatid ngunit nabasa niya ang sigla sa boses nito.
"Sabi mo ay hindi mo anak ang ipinagbubuntis ni Charity. Paano mo nasabing hindi mo anak ang pinagbubuntis niya?" Ngayon lamang niya iyon maitatanong sa kapatid at ngayon lamang niya maririnig ang side nito dahil hindi ito pinapakinggan ng mga elders o kahit ng Papa nila.
"Why do you want to know? As if you can do something about it. Nobody cares about the truth in this house!"
Napapitlag siya sa pagtaas ng boses ng kapatid pero hindi siya pwedeng magpatalo sa galit nito.
"I care, Kuya. I care for the truth so please let me help you in anything that I can help. Please."
She heard him sighed. He sat on the edge of the bed and turned the night stand on. Nakita niya ang hitsura ng kapatid sa konting liwanag na umokupa sa silid.
Malayong-malayo ito sa Helius na nakikita niya tuwing umaga na maayos at malinis. All she can see now is a man with messy hair and red puffy eyes 'cause of crying.
"Sa walong taon naming magkarelasyon ni Charity, kahit minsan o isang beses hindi ko siya ginalaw na walang proteksiyon. I always used protection with her. The only time I didn't was a day before she got hospitalized. A woman can't get pregnant overnight, right?"
Napatango siya. Tama ang kanyang kapatid. Kung never na nag-s*x ito at si Charity ng walang proteksiyon, imposible nga na mabuntis si Charity. May punto ang kapatid niya pero hindi ito pinakinggan ng kanyang Lolo maging ng kanilang ama.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...