ALAM ni Hel na sumunod sa kanya si Charity kaya mas nilakihan pa niya ang mga hakbang para hindi ito"Killian, wait."
Hinabol siya nito at halos isang dipa na lamang pagitan nila kaya mas binilisan pa niya ang hakbang.
"I didn't mean to say that. Akala ko kasi—"
He stopped and turned to face her with an angry face.
"Akala mo ano, Charity?! Akala mo pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo dito sa pamamahay ko? Pwede mong sabihin ang kahit na anong pumasok sa isip mo?! Wala ka na sa teritoryo mo, kaya please act like a nice woman dahil kasama sa kontrata na pinirmahan mo para maging isa sa mga ladies ko ay ang pagiging mabuting tao. So please do that... even if it kills you."
Natigilan ito sa sinabi niya. He's not the same Helius Killian whom she loved before. Hindi nga din niya alam kung paano sila nagtagal ng walong taon, although alam naman nito na hindi siya nagseseryoso sa relasyon. Sadyang clingy lang talaga ito. For him that eight years of relationship with Charity was just to please each other's pleasure and desire.
He left Charity still dumbfounded in the hallway. He went straight to his office where he does all his business related paper work and meetings. Sa ngayon ay hinihintay niya si Zeke dahil kailangan nilang umalis para sa isang business convention.
He was ramaging the documents in his table when a brown sealed envelope came into his view. It was the document Zeke left in his office.
Nang buksan niya iyon ay lumantad sa kanya ang pitong litrato.
Litrato ito ng mga mahal sa buhay ni Aria kabilang na ang nawawala nitong ina.
"Nerissa Mondragon." Itinapat niya sa liwanag ang litrato ng ginang. "Where could you possibly be?"
Simula nang ibigay sa kanya ng ama ang background ni Aria ay hindi na siya mapakali kung paano ito mapapasaya. Base sa background check ay halos kalahati ng buhay ni Aria ay ginugol niya para sa mga kapatid nito. Simula ng umalis ang mga ito sa probinsiya para makaligtas sa amain nito na nagtangkang gumahasa kay Aria ay naging mahirap na ang buhay ng mga ito. Hindi na siya nagtataka kung bakit pumayag ito sa inalok ng ama para maging lady niya.
"Master, nakahanda na po ang inyong sasakyan. Pwede na po tayong umalis."
Sa sobrang pag-iisip ay hindi na niya namalayan na dumating na pala si Zeke. Umahon siya sa kinauupuan dala ang envelope.
"May balita ba sa pinapagawa ko sa iyo?"
Tumango si Zeke bilang tugon. Alam na niya ang ibig sabihin nito.
"Nagsisimula na po ang pinapagawa ninyong bahay para sa kanila. Siniguro din namin na hindi ito agad makakarating kay Aria hangga't walang abiso mula sa inyo." Pahayag ni Zeke habang naglalakad sila.
"How about her mother?"
Hindi kaagad nakasagot si Zeke kaya nahimigan niyang walang magandang balita tungkol rito.
"Ginagawa po ng mga private investigator ninyo ang lahat para po mahanap siya. Ang hinala nila ay nagbago ito ng pangalan para hindi matunton ng dati nitong asawa."
"But she's alive, right?"
"May tagaroon sa probinsiya nila na nagsabi na nakita ito sa probinsiya ngunit hindi nakausap dahil tila nagmamadali ito. She's alive but we still don't know where she is right now."
Napabuntong hininga siya. Aria's birthday will be in a month and he's planning to give her the best birthday gift, her mother. Pero paano niya magagawa 'yon kung hindi pa rin ito natatagpuan ng kanyang mga tauhan.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...