40 - Last Chapter

11.1K 273 31
                                        

  
  
  
  
  
  
IT WAS a perfect day in a beach. Since she loves beach and sea shore, Helius agreed to have a beach wedding.

Ang dalawang linggo na napag-usapan ay natupad dahil ngayon ay ang araw ng kanilang kasal and at the same time it was Naiala's first month.

Kumuha na din ng nanny si Helius para kay Naiala. Para iwas stress at pagod daw sa kanya since bagong panganak siya.

"Sana all may romantic beach wedding."

She rolled her eyes at Ciela. Inaayos nito ang belo niya habang nakaharap sila sa salamin.

"Doon sa asawa mo sabihin ang bagay na 'yan. Huwag sa akin."

Inirapan lang siya nito saka nagpatuloy sa ginagawa.

"Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa lahat ang totoo?" Naiinis niyang wika rito.

"That's not a very good idea, Aria. Easy to say kasi wala ka sa sitwasyon ko."

"Kung bakit  ba naman kasi—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil pinandilatan siya ng mata ni Ciela. May pumasok kasi na make-up artist sa kwarto para mag-touch up sa kanya. Ayaw ni Ciela na may makakarinig ng tungkol sa lihim niya.

"Ready na po tayo, start na po ang entourage."

Nakangiti siyang tumayo at humarap kay Ciela.

"This is my day kaya time freeze muna ako sa magulo mong love life."

Tumawa si Ciela sa sinabi niya.

"Sino ba kasi nagsabi na problemahin mo ang problema ko."

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Kaisa-isa kitang pinsan kaya ang problema mo ay problema ko na rin." Magsasalita pa sana si Ciela pero sinaway niya ito. Hinila na lamang niya ito palabas ng silid para tulungan siya sa gown na ginawa ni Keana.

Simple lang ang gown dahil nga beach wedding. Hindi lang niya ineexpect na babawi pala sa belo ang wedding gown na ginawa ni Keana. Keana is her maid of honor while Helius chose his cousin Quenji to be his best man.

"Are you ready?" tanong sa kanya ni Ciela.

"After everything I've been through, ngayon pa ba ako hindi magiging ready?" She held her head high as she walked on the aisle.

At the end of the aisle, she saw Helius waiting for her. Ang Nanay Bren, Tatay Boyet at Tita Celina niya ang naghatid sa kanya sa altar.

It was a beach wedding in the late afternoon. The area faced the breathtaking sunset.  At the end of each seated aisle, scented candles hung from naked tree branches.

Ang lalakaran niya ay napapalamutian ng mga pulang petals ng mga bulaklak. Mga malalalit na pamilya lamang ang naroon katulad na rin ng hiling ng Lolo niya na for privacy purposes. Ang mga bisita ay nakabihis ng beach attire na naaayon sa motif na kulay which is ocean blue. On either side of the aisle, the guests sat in white chairs set up for them on the sand.

Natanaw niya si Helius sa dulo ng altar. All her emotions build up. Naiiyak siya sa sobrang kasiyahan dahil sa wakas maikakasal na siya sa taong mahal niya.

“Okay, Aria, you need to breath… Can you do that for me??” Keana asked her as she handed her bouquet of fresh flowers.

Only five minutes remained before the wedding began. She's nervous just like the first time she slept with him as his lady.

“I can breathe,” I said to her, “I just need my Naia to calm down.”

Her two siblings looked at her grinning. “Naia is here, ate.”

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon