MAAGANG nagising si Aria kinabukasan para makapagpaalam sa mga kapatid. Ihahatid ito ng mga tauhan ni Hel kaya tiyak niyang ligtas na makakauwi ang mga ito sa kanilang probinsiya.Nabalitaan niya rin kay Kyle na babalik na ng Pilipinas ang Nanay Bren at Tatay Boyet niya. Sa HK Hospital na magpapagaling ang amain niya.
"Mag-aaral kayong mabuti. Huwag munang isipin ang mga babae, okay? Hindi kayo mauubusan ng babae sa mundo. Focus muna sa pangarap natin." Bilin niya sa mga kapatid.
"Opo, ate. Sisiguraduhin namin na magiging proud sa amin si Nanay kapag nagkita-kita ulit tayo."
Napaluha siya sa sinabi ni Noah. Hindi niya napigilan ang luha kahit na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Sigurado akong proud si Nanay sa inyo." Paniniguro niya sa mga ito.
"Mas nakakaproud ka po, ate. Ang dami mong sinakripisyo at tiniis para sa amin. Hinding-hindi ka po namin bibiguin sa mga pangarap mo sa amin ni Noah."
Mahigpit niyang niyakap ang mga kapatid bago ito sumakay sa kotse.
"Bye, ate." Magkapanabay na kumaway sa bintana ng kotse sina Nash at Noah.
Gumanti siya ng kaway habang papalayo ang kotse na sinasakyan ng mga ito. Nang mawala sa paningin niya ang kotse ay malungkot siyang ngumiti. Balik na ulit ang buhay niya bilang lady ni Helius.
She sighed as she walked towards the front door. Ngunit hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay ay humahangos na sinalubong siya ni Via.
"Miss Aria, I ordered your breakfast from a famous restaurant nearby. Idedeliver nila ang pagkain in five minutes. Don't worry, Miss, nasunod naman ng restaurant ang diet niyo."
Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi sa sinabi ni Via. Hindi siya sanay sa mga order na pagkain. Mas sanay siya sa mga lutong bahay.
"I don't feel like eating food from a restaurant, Via. I prefer food cooked from my kitchen. I'll have Aling Cora prepare my breakfast," sabi na lang niya kahit trabaho naman talaga ni Via na ihanda ang meals niya. Nilampasan niya ito.
"This is your chance to live like a queen and get everything you want, Aria. Isa kang lady ng isang Smitherman."
Napahinto siya sa paghakbang at nilingon si Via. Nakita niya ang disappointment sa mukha nito.
"I know my position, Via. Hangga't hindi ako ang pinapakasalan ni Helius ay hindi ako ang reyna kaya wala akong karapatan na gawin ang mga sinasabi mo." She tried to say those words in her calmest voice dahil ang totoo medyo naiinis na siya kay Via.
"That's my point here, Aria. Hindi ka din lang sigurado kung ikaw ang pakakasalan, bakit hindi mo pa lubusin ang mga sandali na isa kang lady. Gamitin mo ang lahat ng kapangyarihan na meron ang isang lady para makuha mo ang lahat ng mga luho na dapat na para sa iyo." Mahinang tumwa si Via na tila nababaliw.
"Stop it, Via!" saway niya rito. Tila nagising naman ito sa katotohanan dahil napatingin ito sa kanya. "Tama ka, isa akong lady. At bilang assistant ng isang lady, gawin mo sana ng maayos ang trabaho mo."
Ayaw niyang magsalita ng masama sa mga kasama niya sa bahay ngunit hindi maaari na magpatuloy ang kakaibang ugali ni Via. Not inside her house.
"P-Pasensiya na po kayo, Miss. Nadala lang po ako ng excitement sa trabaho ko."
Napabuntong-hininga siya. Sa trabaho at sa sweldo nga naman na meron ang isang assistant ng lady, hindi niya masisisi si Via kung sobra itong matuwa.
"Ihanda mo na lang ang kotse at ang driver. May pupuntahan tayo mamaya pagkatapos ko kumain."
Tahimik na tumango si Via saka nagtungo sa garahe.
TINATAHAK nila ngayon ang daan patungo sa bahay ni Hera. Ilang araw na din silang hindi nagkakausap at nagkakakwentuhan ni Hera. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Therese kaninang umaga na pupunta ito at si Penelope kina Hera para magbonding. Inimbitahan siya ng mga ito kaya sasamantalahin na niya para hindi siya malungkot sa pag-alis ng mga kapatid.

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...