HINDI NA NAGULAT si Helius nang biglang sumulpot sa opisina niya si Charity. He expects this scenario everytime he spent the night in his parents' mansion instead of his mansion where Charity stays with him.Ang totoo ay hindi niya kayang tumagal sa isang lugar na kasama si Charity. Ibang-iba ito sa Charity na nakarelasyon niya ng walong taon. Mas naging demanding ito sa mga bagay-bagay lalo na sa affection na hindi naman nila masyadong binibigyang pansin noon.
"Killian!" tawag nito sa kanya.
Walang gana siyang tumingin rito.
"What is ti this time, Charity?"
Naniningkit ang mata nitong tumingin sa kanya.
"I'm tired of this chasing game, Killian. Hindi na ako maghihintay na mailabas ang bata na ito bago tayo magpakasal. Let's get married immediately."
He rested his arms on the arm rest of the swivel chair as he relaxed his back on the backrest.
"Ikaw ang may gusto na manganak muna bago tayo iksala 'di ba? Because you want to look sexy at beautiful on that day. Bakit biglang nagbago ang isip mo?" Kalmado niyang wika rito. He's calm because the last time he raised his voice at her, Charity were sent to the clinic.
Hindi niya alam kung arte o totoo 'yon pero dahil sa pressure ng Lolo niya ay napilitan siyang makisama rito.
"Hindi ko na kayang tiisin ang ginagawa mo. You're not even touching me," reklamo nito.
"It's because you're pregnant." Kaswal niyang sagot.
"Hindi mo ako nilalambing kapag nagtatampo ako."
He sighed.
"Wala naman kasing kwentang bagay ang pinagtatampo mo."
"Hindi mo ako tinatabihan sa pagtulog. Nagigising na lang ako na wala ka sa kama at malalaman ko na nasa mansyon ka ng iyong mga magulang. I am pregnant, Killian! I need you beside me so let's get married now. Wala na akong pakialam kung hindi ako maganda o sexy sa kasal natin. All I care is you beside me always."
Seryoso ang mukha ni Charity na tumingin sa kanya. Sandali siyang natahimik at hindi nakaimik sa hiling nito.
Ano nang gagawin niya? Hindi dapat siya makasal kay Charity.
Sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Keana.
"Keana, what are you doing here? And what are you wearing?" tanong niya sa kapatid.
Hindi niya napigilan na mapatawa dahil sa hitsura ni Keana. She's wearing a color pink pants and a neon green shirt. Pink and green is not Keana's color.
Naiinis naman na tumingin ang kapatid sa kanya.
"A stupid kid accidentally threw an ice cream on me at the hospital. Ito lang ang damit na mayroon ung nanay kaya ito ang suot ko. Magpapalit din ako mamaya pero bago 'yon may kailangan kang gawin."
Binalingan nito si Charity na nagtataka dahil sa paraan ng pagtingin ni Keana. Hindi kaya nakahanap na ng paraan si Keana para mapatunayan na hindi siya ang ama ng dinadala ni Charity.
Lumapit si Keana kay Charity at walang sabi na itinaas nito ang suot na blouse ni Charity, revealing her baby bump.
"What do you think are you doing, Keana?!" Galit na tanong ni Charity saka hinila pababa ang blouse para matakpan ang bump nito.
Buntis nga talaga ito at hindi nagpapanggap.
"Don't tell me pinagdududahan mo akong nagpapanggap na buntis, Keana?"

BINABASA MO ANG
His Obsession
Roman d'amourSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...