LIAN'S phone rang.Nasa bagong bahay na siya kasama ang mga mapagkakatiwalaan nilang nga kasama sa bahay at mga tauhan niya. Nagpapahinga na siya pero may tawag na dumating mula sa kanyang ama.
"Pa," he said. "What is it?"
"Full of Laughters Park, Aguinaldo Street, Sampaguita Avenue. She needs you now. Go."
Pagkasabi non ay pinatay na ng ama ang tawag. Hindi niya kaagad naunawaan ang sinabi nito ngunit nang ulit-ulitin niya sa isip ang mga salitang sinabi nito ay napagtanto niya ang ibig sabihin ng ama. Bumalikwas siya ng bangon at nagbihis.
Tinawag niya si Zeke, ang pinakapinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay sa kanyang mga tauhan.
Sinabi niya rito ang pupuntahan nila at ilang sandali pa nga ay nasa byahe na sila patungo sa sinabing lugar ng ama. When his father mentioned the word 'she', alam na kaagad niya ang tinutukoy nito.
Ito ang babaeng gustong-gusto niyang makilala. The woman she fell in love with the moment he laid his eyes on her beautiful face. Hindi ang kagandahan nito ang nakabihag sa kanya kundi ang milyong-milyong emosyon na nakita niya sa mata nito. Nakita niya ang takot sa mga mata nito.
"Master, bilin ng iyong ama na hindi ka dapat makikita ng babae. Hindi ka dapat niya makita o makilala or else masisira ang plano ng iyong ama."
Nauunawaan niya ang ibig mangyari ng ama. Baka nakaisip ito ng paraan upang mapabilang ang babae sa magiging lady niya. If that's the case, he needs to follow his father's order.
"I understood. Ikaw na bahala sa kanya, Zeke. Make sure she's safe."
Tumango si Zeke sa kanya kasabay ng pagradyo nito sa mga tauhan sa kabilang kotse.
Few moments later, his car stopped. Tumingin siya kay Zeke.
"We're here, Master. Dito na lang kayo. Ako nang bahala."
May tiwala siya kay Zeke at alam niyang ibubuwis nito ang buhay para sa kanya at sa mga taong mahalaga sa kanya.
Mula sa kanyang kotse ay nakita niya kung paano mabilis na pinatumba ng mga tauhan niya ang mga lalaking nakapalibot sa itim na kotse na ayon kay Zeke ay pag-aari ng negosyanteng si Mr. Fernandez.
Nakita niyang hinatak ni Zeke at inundayan ng suntok ang lalaking galing sa loob ng kotse. His palm form into fist when he saw the guy's appearance. Bakas dito ang kalasingan at nakabukas din ang pang-ibaba nitong pantalon habang nakabukas lahat ng butones ng polo nito.
What did that man do to her?
Nanggigigil siya sa galit. He opted to open the car door but one of his men prevented him from doing so.
"Mahigpit po na bilin ng inyong ama na hindi po kayo dapat mainvolve dito, Master."
Wala siyang nagawa kundi panoorin ang pambubogbog ni Zeke sa anak ni Mr. Fernandez. Magpasalamat ang lalaking 'yon dahil kamao ni Zeke ang tumatama sa katawan nito dahil kung siya ang bubogbog rito ay sisiguraduhin niyang morge ang sunod kahahantungan nito.
He's flaring madness immediately went off when the woman with a beautiful innocent and scared face got off the car. Hawak-hawak ng babae ang damit at pantalon nito para hindi malantad ang dibdib at ibabang bahagi ng katawan.
Kinuha niya ang earpiece ng tauhan at tinawag si Zeke.
"Zeke, cover her. Bring her to a safe place."
Tumango si Zeke at humakbang patungo sa babae. Rumehistro lalo ang takot sa mukha nito. She's really scared.
F*ck! What did that a**h**le do to her to make her that scared?! I'm gonna kill that b*llsh*t for doing this to her!
Nagwawala ang utak niya sa galit ngunit wala siyang magawa para sa babae. Tanging si Zeke lang ang maaasahan niya para sa kaligtasan nito.
Mukhang nakuha ni Zeke ang tiwala ng babae dahil sumama ito kay Zeke patungo sa isa niyang kotse. Inutusan niya ang driver ng isang kotse na ihatid sa tinutuluyan nito ang babae. Hindi siya gagawa ng kahit na ano para masira ang plano ng ama niya.
Ang plano lamang ng ama niya ang maaasahan niya upang makilala ang babae. Dahil sa nangyari rito sa kamay ng anak ni Fernandez ay nakatitiyak siyang hindi na ito magtitiwala sa kahit na sino lalong-lalo na sa mga lalaki.
Alam niyang nagtataka ang babae sa kung sino sila ngunit hindi naman siya maaaring magpakilala rito. Ang ama niya ang gagawa ng paraan para magkakilala sila nito.
Hinintay lamang niya na makaalis ang kotse bagonsiya bumaba. Ngayon makikita ng anak ni Fernandez kung paano siya magalit. Napakaliit talaga ng mundo para sa kanila ni Fernandez.
Hinatak niya patayo ang lalaki. Kita niya ang pagdurusa sa mukha nito dahil sa pambububogbog ni Zeke. Pero kulang pa ang mga iyon bilang parusa.
"Sino ka?!" tanong nito sa kanya.
Ngumisi siya rito bilang tugon saka ito inundayan ng suntok sa panga.
"Kailangan ko pa bang magpakilala sa iyo? Kilala naman na ako ng ama mo. Bakit hindi ka gumapang pabalik sa ama mo at itanong mo kung sino si Hell."
Namilog ang mata nito nang marinig ang pangalan na ginagamit niya sa negosyo. Marami siyang negosyo dahil na rin sa kanyang ama at sa henerasyon na nauna sa kanila. Sa negosyo ay marami siyang nakakaaway at nakakabangga ng malalaking tao ngunit hindi siya natitinag sa mga ito.
Sa kanyang edad ay hindi na siya natatakot na pumatay para sa kanyang pamilya at mahal sa buhay.
"H-Hell.. wala akong atraso sa iyo! Kung may atraso si Papa sa iyo ay labas ako doon." Ang takot na nakita niya sa mukha ng babae kanina ay nakikita niya ngayon sa mukha ng lalaki.
"Atraso ng magulang, damay ang anak. At saka, ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Nambababoy ka ng babae sa loob ng kotse mo?" Lian pinned him on the car. He leaned down to his ear. "Paano kung gawin din 'yon ng mga tauhan ko sa kapatid mo? O sa nanay mo? Sampung beses ng ginawa mo."
Ngumisi siyang parang demonyo rito. Mas lalong bumahag ang buntot nito sa takot.
"Hindi ko na uulitin. Hindi ko na guguluhin si Aria. Pakawalan mo lang ako. Hindi na mauulit ito." Magkadaop ang mga palad na pakiusap nito sa kanya.
Her name is Aria.
Biglang kumalma ang sistema niya ng malaman ang pangalan ng babae.
Aria. A lioness. His lioness.
Binitiwan niya ang anak ni Fernandez na agad namang sumakay sa kotse nito at tumalilis ng alis. Iniwan na nito ang mga tauhan.
Habang siya ay okupado pa rin ng pangalan ng babaeng bumihag sa pagkatao niya. Binalingan niya ang direksyon na tinahak ng sasakyan na naghatid kay Aria.
"Sundan natin si Sean," kausap niya kay Zeke na ang tinutukoy ay ang driver ng isa pa niyang kotse.
Sumakay sila sa kotse at sinundan ang naunang kotse. Zeke radioed Sean to get an info about Aria's residence. Narating nila ang inuupahang bahay nina Aria.
Mula sa kanyang kotse ay nakita niya ang pagsalubong ng mga kaibigan nito kay Aria. Wala na ang takot sa mukha nito at kalmado na rin.
Nakita niyang nagpasalamat ito kay Sean saka pumasok sa loob ng kabahayan. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguro na ligtas na si Aria.
"Zeke, maglagay ka ng tao na magbabantay sa lugar na ito at kay Aria. Keep her safe until the ceremony. I want him unharmed when she becomes my lady. Make sure na hindi makakalapit ng kahit na 5 kilometro ang anak ni Fernandez sa lugar na ito. Kill him if you needed to." Seryoso niyang tiningnan si Zeke sa mga mata nito.
"Your only job now is to protect her. If you have to choose between me or her, choose her. Understood? "
"Yes, master."
Nagtigil pa sila ng ilang oras sa lugar bago umalis. He made sure that the place is safe for her lady. Ngayon pa lang ay kini-claim na niya si Aria bilang kanyang lady most especially his wife.
Napangiti siya sa naisip. He just hope that his father will do everything for Aria to be his lady. The rest will be his job.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...

BINABASA MO ANG
His Obsession
RomansaSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...