16

5.7K 169 5
                                    


MAAGANG nagising kinabukasan si Aria para sa paglipat nila sa bago nilang titirhan. Naihanda na ni Devanie ang kanilang mga gamit kaya sarili na lamang niya ang kailangan niyang ihanda.

Habang hinihintay si Devanie sa living area ay nakita niya sina Charity at Penelope kasama ang mga assistant ng mga ito.

"Aria, ngayon na din ba ang alis mo?" tanong kaagad sa kanya ni Penelope nang makalapit sa kanya.

"Oo. Hinihintay ko na lang si Devanie."

Sinilip niya si Charity na nasa tabi ni Penelope. Hindi maganda ang mood nito siguro dahil naging sagutan nila kagabi. Hindi na lamang niya ito pinansin para makaiwas sa gulo.

"So, how does it feel, Aria?"

Nagulat siya sa biglang pagsasalita ni Charity at siya ang kausap nito.

Kinunutan lang niya ito ng noo dahil hindi naman niya alam ang tinutukoy nito.

"How does it feel getting f*cker by Killian?" Muli nitong tanong.

Namilog ang mata ni Penelope na tumingin sa kanya.

"You slept with him?" Hindi niya alam kung masaya o naiinis ang tono ng boses ni Penelope pero base sa mukha nito ay hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Yes, of course she slept with him. She stayed in Killian's room all night. Imposible naman na walang nangyari sa kanila. Killian is a monster in bed. Isn't he, Aria?" May pang-aasar nitong baling sa kanya.

Inuubos talaga ni Charity ang katiting na pasensiya niya sa rito. Unti-unti nang lumalabas ang sungay niya.

"Yes, I slept with him. Would that make you sleep in peace, Charity? Hindi naman siguro pwede na ikaw lang ang maikakama ni Killian sa ating lima. Actually, expired ka na nga eh. Kumbaga sa gamot ay hindi ka na pwedeng inumin kasi wala na ang effectivity mo at hindi na maganda ang magiging dulot mo sa tao." Nginisian niya ito.

Hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. Akala siguro nito ay hindi siya pumapatol sa mga tulad nito na laging naghahanap ng away.

"Napakalandi mo talaga!"

Akma siyang sasabunutan ni Charity nang may sumigaw sa kanilang likuran.

"Stop it, Charity!"

Sabay silang tatlo na napalingon. Galit na mukha ni Helius ang kanilang nakita dahilan para masindak si Charity. Agad nitong ibinaba ang kamay at napayuko na lamang.

Umayos sila ni Penelope sa pagkakaupo nang marinig ang mabibigat na hakbang ni Helius palapit sa kanilang kinaroroonan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagdating nina Hera at Therese maging ni Devanie.

"Hindi ka ba talaga titigil, Charity? Nag-usap na tayo hindi ba?"

Kalmado ngunit bakas ang inis sa tinig ni Helius. Pinipigilan lamang nito ang galit kay Charity.

"Sino bang hindi magagalit, Killian? You slept with Aria but you can't even talked or visit us in our rooms!" Tukoy ni Charity kina Hera, Penelope at Therese. Hindi na napigilan ni Charity ang nagpupuyos na inis sa dibdib.

"Huwag mo nga kaming idamay katigangan mo, Charity." Hera snapped at her. "Nananahimik kami sa mga kwarto namin. Masaya na kami doon at sa mga benefits ng pag-stay namin dito bilang lady ni Helius. Hindi na namin problema kung ayaw niya makipag-sex sa amin."

Mahinang nagtawanan sina Hera, Penelope at Therese na mas lalong ikinagalit ni Charity. Pinanliitan nito ng mata ang tatlo.

"I slept with, Aria?" Nagtatakang tanong ni Helius saka tumingin sa kanya.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon