NAKASUNOD ang tingin ni Helius kay Aria nang lumabas ito ng shop ni Kia. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhumaling dito. Kung saan ito naroon ay naroon din siya. Malapit na siyang mapagalitan ng ama ngunit wala na siyang pakialam dahil ang tanging mahalaga sa kanya ay masilayan ang maamong mukha ni Aria."Kuya, wala na si Aria. Sino pa tinitingnan mo d'yan? "
Napatingin siya sa kapatid na abot tenga ang ngiti.
"What's with the smile, Kia? You look creepy."
Buglang sumimangot ang kapatid. Ayaw nito na nasasabihan ng pangit lalo at galing sa kanya.
"Creepy but pretty!" She stuck her tongue out at him. "Pasalamat ka good vibes ang beauty ng isa sa mga lady mo kung hindi baka pangburol ang idedesign ko na mga gowns n'on."
"Just like what you made for Chari?"
Nakangisi itong tumango. Kia is a famous fashion designer in and out of the Philippines. She's young but she's a pro in designing.
"I like her, kuya. She's so innocent."
Sumang-ayon siya rito.
"But innocents are not your type. Sa pagkakaalam ko ang mga tipo mo ay 'yong pang-hardcore."
Muntik na niyang pektosan si Kia dahil sa bibig nito.
"Shut your mouth, young lady. I am still your big brother," saway niya rito pero inirapan lang siya nito.
"Your just months older than me, Helius." Again she stuck her tongue out.
She's right. Matanda lamang siya rito ng buwan. He is three months older than her. How? Anak ito ng ama niya sa isa sa mga naging lady nito. Nasa kontrata na pinipirmahan ng mga lady na maiiwan sa master ang mga anak nila kung sakaling hindi sila ang mapili na mapangasawa. Sa case ni Kia at ng iba pa niyang kapatid ay lahat sila ay kinupkop at tinuring na sariling anak ng Mama niya.
"What are your plans now? Or should I say ano na ang plano niyo ni Papa ngayon? Ipapakilala na sa elders ang mga lady bukas, paano ninyo ipapakilala si Aria. Hindi siya nagmula sa mayaman na pamilya at wala din siyang negosyo. How will you make her qualified?"
Napaisip din siya sa sinabi ni Kia. Ano nga ba ang plano ng Papa niya? Paano matatanggap na lady si Aria? Paano kung hindi ito sang-ayunan ng mga elders?
"I don't know." Tangi niyang sagot.
Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Kia sa balikat niya.
"Don't worry, Papa will find a way."
"I need to talk to him. See you later." Nagmamadali siyang umalis sa shop ni Kia para puntahan ang ama.
"WILL SHE BE QUALIFIED?"Diretsong tanong niya sa ama nang madatnan ito sa opisina.
"You want an honest answer, son?"
Kinabahan siya sa balik na tanong ng ama.
"To be honest, she's not qualified."
Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ng ama. Pero naisip niya ang ginagawa ng ama kay Aria.
"If she's not qualified, then why are you preparing her for the ceremony?"
Umangat ang gilid ng labi ng ama. May plano ito sa isipan ngunit hindi niya alam kung mabuti ba o masama.
"I'm making her qualified." Simpleng sagot nito na.
"You will make her pretend that she came from a well-off family?" That's not a good idea. What he hates the most is pretending.
"Why not? You want her, right? I'm just doing my son a favor."
Minsan may mga bagay na ginagawa ang ama niya na sadyang nakakainis. For his father everything is fun.
"Pa, this is not what I meant by what I said that I want her. I want to know her! That doesn't mean na sisirain ko ang buhay niya by making her lie to the world about her life." He sat on the couch frustratedly.
Helius' father is making him insane with his silly plans.
"If that's what you mean by that then fine. But what are your plans for her, son? I've already told you and I am always reminding you, Helius Killian, woman is a precious human being. Hurt them and they will hurt you hundred times. Aria is not a car that when you want her you could get her."
Makahulugan niyang tiningnan ang ama. He knows what kind of man his father is. His father values women that's why until now he still cares for the woman he had child with but then his love for her mother is still the greatest. And he admires his mother for understanding that.
"Iba si Aria sa mga babaeng nakilala mo, Lian. She values her family the most to the point where she would face her greatest fear for them. I can't promise you that she could give you a child as one of the requirements to become your wife." His father stood up from his seat and came close to him. "She has rape trauma, son."
Napaharap siya sa ama sa ibinunyag nito. Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Hindi makikita sa mukha ni Aria na may pinagdaanan itong ganoong bagay.
"Rape?" pag-uulit niya. "She's a rape victim?"
"Sexual assault victim to be exact. She experienced it twice in her life by the person closest to her and it really cause her too much trauma and suffering. But as you can see she's hiding that fear behind her pretty innocent face."
Pinakita ng ama ang documents sa ginawa nitong pagpapa-background check kay Aria.
"Do you have the guts to hurt a woman who has been hurt many times? A woman who fear being sexually touched by men? A woman who only wanted in her life is to give her family a comfortable and happy life?"
Hindi siya nakaimik sa mga sinabi ng ama. Sa kabilang banda kasi ay tama ito. Hindi niya maipapangako na hindi masasaktan si Aria. Sa buhay at sitwasyon na meron siya, hindi niya alam kung paano papasok sa buhay nito.
"Think about what you really want from her, son. If you only want her because of her beauty and body that will hurt her. You still have ten hours to think about it before I introduce her to the elders."
Bumalik sa kinauupuan nito ang ama habang siya ay nakatitig sa litrato ni Aria na naka-attach sa dokumento.
Habang nakatitig sa mukha ni Aria ay naiisip niya ang pang-aabuso na naranasan nito. Ang pagsisikap at pagtitiis na ginawa nito para sa pamilya. Hindi lingid sa kaalaman niya ang dahilan kung bakit ito pumayag na maging isa sa mga lady. Kailangan nito ng pera para sa operasyon ng ama nito.
Naramdaman niya ang pangungulila nito sa tunay na pagmamahal ng ibang tao. At handa siyang ibigay ang pagmamahal na iyon kay Aria. No matter what it cost. Kung kinakailangang suwayin niya ang mga elders ay gagawin niya. Kahit pa ang kapalit ay mawala ang lahat ng karangyaan sa buhay niya.
"I want her, Pa. And I am serious."
Napahinga ng malalim ang ama niya at napangiti sa kanya.
"That's my son. Kapag may gusto, hindi pwedeng hindi mo makuha sa mabilis na paraan. Pero ito ang tandaan mo, Helius Killian. Don't you ever hurt that woman or else ako ang makakalaban mo."
Nasindak siya sa sinabi ng ama dahil alam niyang kaya siyang saktan nito kapag usapang babae. Hindi alam ng marami na may lihim na army ang ama niya na ginagamit nito kapag may nakakaalitan sa negosyo. For protection, most especially.
"All I can promise to you is that I will protect her."
Pagkasabi n'on ay umalis siya sa opisina ng ama para magtungo sa kompanya dahil nakatanggap siya ng mensahe mula kay Zeke na nasa kompanya niya si Mr. Fernandez.
He smells war.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
To be continued...
BINABASA MO ANG
His Obsession
Любовные романыSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...