NAGISING si Aria kinaumagahan na tila binibiyak sa sakit ang kanyang ulo. Marahil ay dahil sa puyat sa paghihintay kay Hel. Hinintay niya ito hanggang madaling araw ngunit hindi ito dumating. Hanggang sa nakatulugan na niya ang paghihintay.
Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon para sa panibagong araw na kahaharapin. Nawala na din sa isip niya kagabi na bumalik ng ospital dahil sa kagustuhan niyang makausap si Helius na hindi naman nagpakita sa kanya.
Nag-warm bath siya at nagbihis saka bumaba sa kusina para kumain. Nadatnan niya roon si manang na masama ang tingin sa kanya.
"Manang, sorry kung hindi na ako nakabalik kagabi. May importate lang po akong inasikaso. Don't worry babalik ako doon mamaya para kunin ang findings sa akin ng doctor. Okay? 'Wag ka ng magalit."
Nginitian niya ang matanda. Napailing na lamang ito sa kanya saka naghanda ng makakain niya.
"Maupo ka na roon at ipaghahanda kita ng almusal. Kumain ka ng marami para hindi ka nawawalan ng malay. Tinatakot mo akong bata ka." Sermon pa ng matanda na nginitian lamang niya.
Inihanda ni manang ang mga paborito niya kaya medyo naparami ang kanyang kain. Pagkatapos kumain ay tumambay siya sa lanai. Dala niya ang photo album na binigay ni Tessy. Gusto niyang makita ang mg litrato ng knyang ina noong bata pa ito.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga litrato.
"Miss Aria, may bisita po kayo."
Napalingon siya sa kinaroroonan ng katulong na nagsalita. Napakunot ang noo niya nang mapadako ang tingin sa kasama nito.
"Charity?"
Tulad ng dati hindi na ito naghintay ng paanyaya o pasabi mula sa kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan at taas noong humarap sa kanya.
"Ako nga, Aria. Don't worry this will be the last time na makikita mo ako." Ngumisi ito sa kanya. "Things will start to change from now on, Aria. Wala pa sigurong nakakapagsabi sa iyo dahil ayaw kang masaktan ng mga taong nasa paligid mo especially ng pamilya ni Killian but sad to say, truth hurts."
Charity kept on smirking at her as if she won in a battle while she is the losser.
"Mukhang wala silang plano na sabihin sa iyo kaya ako na ang magsasabi na dinadala ko ang anak ni Killian."
Kung nasa isang giyera ang puso niya sigurado siyang hindi na ito pakikinabangan dahil wasak na wasak na ito sa magkasunod na heartbreak na nalaman niya.
She tried her best not to cry with that news. Pinilit niyang ngumiti para kahit sa huling pagkakataon ay hindi mayurakan ni Charity ang natitira niyang lakas ng loob.
"Well... That's a very good news, Charity. Ibig sabihin malaya na kami. Hindi na kami lady ni Helius." Pinasaya niya ang boses para hindi mahalata ang nararamdaman niyang sakit.
"You're right. So better packed your things and leave. Your job is done so get lost." Marahas itong tumayo at naglakad papaalis.
Hinintay niya na mawala sa pandinig ang tunog ng takong nito sa sahig ng bahay. Nang makatiyak na wala na ito ay doon bumuhos ang lahat ng kanyang emosyon. Para siyang bata na humagulhol sa kinauupuan.
Lahat ng masasayang sandali niya kasama si Helius ay isa-isang bumalik sa kanyang isipan na mas lalong nagpalala sa sakit na kanyang nararamdaman. Sinabi na niya sa sarili nong simula pa lang hindi siya aasa sa kahit ano para hindi siya masaktan. Pero ngayon eto siya, hindi alam kung paano bubuuin ang sarili mula sa sakit ng pagkawala ng ina at sa katotohanang hindi sila ni Helius ang para sa isa't isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/261113367-288-k914786.jpg)
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...