4

7.3K 192 3
                                    




"ANG BABABOY NINYO!!"

Hindi na alam ni Aria kung ilang beses na niyang paulit-ulit na sinisigaw ang mga salitang 'yon. May tama na ang alak sa sistema niya pero kahit lasing na siya ay ramdam pa rin niya ang sakit ng ginawang panloloko ni Miguel.

Pag-uwi niya kanina galing sa restaurant ay nahimigan na kaagad ni Tessy na may hindi magandang nangyari kaya tinawagan kaagad nito ang iba nilang mga kaibigan para makaramay niya. Malas man siya sa pag-ibig pero swerte pa din talaga siya sa mga kaibigan.

"Oh sige na, baboy na sila kung baboy pero dahan-dahan naman sa words friend. Tinatamaan ako eh," biro ng kaibigan niyang si Sally na chubby pero sexy.

Napatawa siya rito.

"Pasensiya na, Sal. Sobrang sakit lang kasi."

"Alam namin na masakit pero mawawala ba 'yong sakit kung mag-iinom at magpapakalasing ka? This is not you, Aria! Natatakot ako para sa iyo. The last time na nalasing ka kasi muntik mo ng wakasan ang buhay mo. Enough na girl." Nauunawaan niya ang pag-aalala ni Jess sa kanya. Jess is a gay by the way.

Naaalala niya ang tinutukoy nito na muntik na siyang magpakamatay. That was the time that she felt so lonely. Wala siyang magawa para sa mga kapatid at wala din siyang magawa para malaman ang nangyari sa Nanay niya. Sumabay pa n'on ang problema niya sa pag-aaral dahil muntik na siyang mawala sa scholarship.

"Gusto ko lang naman makalimutan kahit sandali 'yong sakit." Malungkot siyang umahon sa kinauupuan at naglakad palayo sa mga kaibigan. Susundan sana siya ni Tessy pero pinigilan niya ito. "Gusto kong mapag-isa."

Walang nagawa ang kaibigan kundi ang hayaan siya sa gusto niya. Ramdam niya ang tama ng alak sa katawan pero hindi niya ito iniinda. Gusto niyang mag-isa at malayo sa kahit na sino. Gusto niyang umiyak nang walang nakakarinig o nakakakita.

Mula sa tinutuluyang boarding house ay nagpunta siya sa theme park na malapit roon. May mga pamilya na nasa park kahit gabi na kaya hindi naman masasabi na mag-isa siya pero at least hindi siya kilala ng mga ito.

Umupo siya sa damo sa ilalim ng isang puno at niyakap ang tuhod. Unti-unting pumatak ang luha sa kanyang pisngi hanggang sa humagulhol siya na parang bata.

"Bakit ako? B-Bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng ito?" saad niya sa kabila ng pagtangis. Sapat lamang ang boses niya para marinig ang sarili.

"Nay.. sana narito ka para may karamay ako. Sana narito ka para hindi kami nagkahiwalay ng mga kapatid ko. Ang dami kong sana inay." Nagsisisi siya dahil iniwan nila ang kanilang Nanay ng gabing 'yon. "Sana bumalik kami, inay. Hindi ka namin dapat iniwan."

"Kung naging matapang lang sana ako baka magkakasama tayo ngayon."

Umihip ang malamig na hangin kaya napatunghay siya. Niyakap niya ang sarili dahil nakaramdam siya ng lamig. Napatingin siya sa isang pamilya na nagtatawanan sa slide. Inaalalayan ng ama ang anak nitong babae habang kumukuha naman ng litrato ng mag-ama ang ina.

Malungkot siyang napangiti. Naalala niya nong bata pa siya at dinadala siya ng nanay at tatay niya sa parke para maglaro at bumili ng paborito niya noon na cotton candy.

Habang inaalala ang mga oras na kasama ang mga magulang ay pumasok sa gunita niya ang dalawang nakababatang kapatid. Naisip niya na kailangan siya ng mga kapatid. Kailangan niyang tatagan ang loob dahil siya lamang ang inaasahan ng mga ito.

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luha sa pisngi. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga para makaipon ng lakas ng loob.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad pabalik sa boarding house. Habang naglalakad ay may dalawang lalaki na nakaitim ng suit ang humarang sa kanya.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon