KINAUMAGAHAN ay nagising si Aria sa malakas na tunog ng cellphone ni Helius. May tumatawag rito at nang silipin niya ang caller ID ay pangalan ng ama nito ang nakarehistro. Kaya agad niyang ginising ang katabi."Hel, your dad is calling."
Nakapikit pa ito ngunit kinuha pa rin ang inaabot niyang cellphone. Inaantok na kinausap nito ang ama. Sino bang hindi aantukin? Eh parang katutulog lang nila.
Masyadong bumawi si Hel sa maghapon na hindi sila nagkasama kaya medyo nakarami ng laban kagabi.
Babangon na sana siya nang maramdaman ang kamay ni Helius na gumagapang sa bewang niya patungo sa dibdib niya. Sinuway niya ito dahil kausap nito ang ama.
"Yes, Pa. I heard about it." Nakangisi ito nang magmulat ng mata habang ang tenga ay nakikinig sa ama na nasa kabilang linya. "I think she's fine."
Sa wari niya ay ang tungkol sa nangyari kay Charity ang tinutukoy ng ama ni Hel. Napahagikhik siya ng tawa nang dumako ang kamay nito sa may tiyan niya kung saan siya may kiliti.
"No. Why? Do I really have to go there? Im sure she's—what?!" Nagulat siya nang mapabalikwas ng bangong si Helius. "That's impossible, Pa."
"Just come over here and explain yourself!" Sigaw ng ama ni Helius sa kabilang linya kaya dinig na dinig niya.
Ibinaba ni Hel ang tawag saka tumingin sa kanya.
"I need to go, Sari. I'll be back, okay? Don't leave this house. I want you on this bed when I get back." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito bago siya ginawaran ng halik sa labi.
Naligo lamang ito saka umalis. Hindi mapalis ang ngiti nito habang kumakaway sa kanya mula sa kotse. Siya naman ay gumanti ng kaway rito. Nang mawala na sa kanyang paningin ang kotse nito ay agad siyang naligo at nagbihis.
Sinamantala niya ang pagkakataon para malaman kung totoo ang sinasabi ni Charity. Nakipagkita siya kay Tessy. Hindi na niya sinama si Via dahil inutusan niya ito na pumunta sa shop ni Keana para sa i igay ang design ng gown na nagustuhan niya.
Habang hinihintay si Tessy ay hawak niya ang papel na may nakasulat na address at pangalan na Celina Sales. Sa isang coffee shop malapit lang sa subdivision sila nagkita ni Tessy. Kasama niya pa rin syempre ang mga bodyguards na iniwan ni Helius pero nakamasid lamang sa kanya ang mga ito kaya malaya pa rin siyang makipag-usap kay Tessy.
Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang kaibigan sa entrance ng coffee shop. Tumayo siya at kumaway rito para makita siya. Agad naman itong lumapit sa kanya.
"Baliwa kang babae ka!" Salubong kaagad nito sa kanya. "Ano bang nangyari sa iyo? Bakit bigla kang nawala? Sabi ng ospital may bago ka ng trabaho pero ayaw naman nilang sabihin sa akin. Ano? Kumusta ka?"
Sa halip na sumagot ay niyakap niya ang kaibigan. Namiss niya ito lalo na ang kwentuhan nila sa tuwing may problema silang dalawa.
"Mahirap pa sabihin ang sitwasyon ko ngayon pero ayos ako sa trabaho ko. Nakipagkita ako sa iyo ngayon dahil dito." Pinakita niya rito ang papel na galing kay Charity.
"Oh, anong gagawin ko d'yan?"
"Hihingi sana ako ng pabor sa iyo. Pwede mo bang puntahan ang lugar na ito at hanapin ang Celina Sales na ito. Kausapin mo siya para sa akin."
Kumunot ang noo ni Tessy sa sinabi niya. Nag-aalinlangan ito kung papayag o hindi sa sinabi niya.
"Ako ang bahala sa magagastos mo. Basta hanapin mo si Celina at kausapin para sa akin."
Nanatiling tahimik at nag-aalangan si Tessy kaya wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang totoo.
"Nagbabaka-sakali ako na siya ang aking ina na matagal ko nang hinahanap. Gusto kong makatiyak pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ako pwedeng umalis na lang ng basta dahil sa trabaho ko." Hinawakan niya ang dalawang kamay ng kaibigan. "Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa bagay na ito, Tess. Dahil ikaw lang ang nakakaalam kung paano ko ginugol ang panahon sa paghahanap sa nanay ko."
BINABASA MO ANG
His Obsession
عاطفيةSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...