IT'S BEEN THREE LONG DAYS. Wala pa rin natatanggap na balita si Aria mula kay Tessy. Nakita na kaya nito ang nanay niya?Balisa siya na pabalik-balik na naglalakad sa silid habang hinihintay ang kahit text o tawag ni Tessy. Nag-aalala siya para rito at maging sa ina niya. Kahapon pa niya sinusubukan na tawagan si Tessy pero hindi niya ito macontact. Out of coverage area ang number nito kaya hinala niya na mahina ang signal sa lugar na iyon.
Hindi na din niya mabilang kung ilang beses na siyang nanggaling sa banyo para umihi. Kinakabahan siya at the same time ay naistress na siya dahil wala pang balita kay Tessy.
Tila nanlamig ang buo niyang katawan ng tumunog ang kanyang cellphone. Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang rumehistro sa screen ng cellphone ang pangalan ni Tessy.
"Tessy?" Nanginginig ang boses na bungad niya.
"Aria, napuntahan ko na ang sinasabi mong lugar."
Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Matutuwa ba siya? May dahilan ba para matuwa siya?
"A-Anong nangyari?"
Narinig niyang bumuntong hininga si Tessy. Hindi maganda ang kutob niya.
"Magkita na lang tayo pagbalik ko ng Maynila. I can't tell the details over phone. Nasa barko na ako. I'll be there by night. Magkita tayo sa snack house sa tapat ng HK hospital mamayang alas otso ng gabi. Hihintayin kita doon."
She was out of words. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil marami nang tumatakbo sa isipan niya. May masama na rin siyang kutob tungkol aa sasabihin ni Tessy.
" Aria, are you still there? "
Natauhan siya nang marinig ang tawag ni Tessy.
"Yes. Sige. Magkita na lang tayo mamaya."
Bagsak ang balikat niyang binaba ang tawag. Nanghihina siyang napaupo sa dulo ng kama. Kinakabahan siya sa sasabihin ni Tessy. Paano kung sabihin nito na hindi ang Celina Sales na iyon ang kanyang ina? Paano kung wala na talaga ang kanyang ina?
Umasa silang magkakapatid na buhay pa at nasa malayo lamang ang kanilang ina. Paano kung wala na nga talaga ito?
Napahawak si Aria sa kanyang puson nang makaramdam ng sakit mula rito.
"Ah.. Aw.." Pasidhi ng pasidhi ang sakit na nararamdaman niya.
"Manang!" tawag niya sa katulong.
Wala na sa kanyang serbisyo si Via dahil hiniling ni Keana kay Mr. Heldon na hindi dapat nagtatrabaho bilang assistant ng lady ang nademote na lady. Sinang-ayunan ng mga elders ang desisyon na 'yon. Nalaman din na ang Uncle Cesar ni Helius ang nagbigay rito ng trabaho na hindi dumaan sa mga elders.
"Miss Aria, ano pong nangyari sa inyo?" Agad siyang tinulungan ng mga katulong.
Hindi na niya alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na siya ng malay.
Nagising na lamang siya na nasa puting silid na siya. Nasa ospital siya. Sinuri niya ang katawan. Nakahospital gown siya at may IV fluid na nakakabit sa kamay niya. Inilibot niya ang tingin at nakita niya si Manang na inaayos ang mga bulaklak na naroon.
"Manang.." tawag niya rito.
"Miss Aria, mabuti naman po nagising na kayo."
"Anong nangyari sa akin, manang?" usisa niya sa matanda dahil ang tanging naaalala lang niya ay ang mga sandali bago siya nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
His Obsession
Roman d'amourSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...