11

6.1K 164 7
                                    

  
  
  
   
  
"WHAT IS SHE DOING HER, PA?!" May inis na tanong niya sa ama nang makausap ito ng pribado.

He was talking about Charity and her being one of his lady.

"If you want to be with Aria, deal with her." Natatawang wika ng ama niya. "In order for Aria to get accepted by the elders as your lady I also have to accept Charity as one of your lady."

Hindi siya makapaniwala na ganoon ang naging desisyon ng mga elders. Charity is his ex-girlfriend now. Ang mga elders pa nga ang nagpumilit na makipaghiwalay siya rito dahil sa gaganaping seremonya pero ngayon sila pa itong sumang-ayon na mapasama si Charity sa ladies niya.

"This is insane! Whose idea is this?!"

Bumaling ang ama sa kanan nito kung saan nasa di kalayuan ang mesa na inookupa ng Uncle Cesar niya.

"I knew it," wika ni Helius habang pinipigil niya ang galit sa kapatid ng ama. Lahat  talaga ay gagawin nito para panghimasukan ang buhay nila. "Bakit ka pumayag sa gusto niya, Pa?"

"I already told you earlier, son. No Charity, no Aria."

Naikuyom niya ang kamao sa sobrang inis. Kung kailan abot-kamay na niya si Aria ay saka naman sisingit si Charity. Alam niya kung gaano kaclingy ang huli kaya naman natitiyak niyang hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng pagpili niya ng mapapangasawa.

Pero kung kailangang mamili nang walang ibang requirements para maging asawa nita habang buhay ay hindi siya magdadalawang isip na piliin si Aria.

The way she cares for her family more than herself is an undeniably amazing quality of a wife and a mother.

"Good luck, son. Buntisin mo ng maaga si Aria para wala ng kawala." Natatawang tudyo ng ama niya.

"Stol it, Pa. Hindi ko pipilitin si Aria sa bagay na ayaw at kinakatakutan niya."

"A child is a must for her to be your wife, Killian. First to get pregnant wins." Pang-iinis ng ama niya ngunit hindi ito umobra sa kanya.

"The question is, mabubuntis ba sila kung hindi ko sila gagalawin? Not unless there will be a holy spirit of me who will impregnate them."

Napasimangot ang ama sa sinabi niya. Alam niyang labag iyon sa batas ng seremonya ng angkan. Sa ayaw at sa gusto niya ay makikipagtalik siya sa lady niya upang mafulfill ang mala-ritwal nilang seremonya para sa mabilis na pag-aasawa. Luma na daw kasi ang arrange marriage.

"You have to have sex with them!"

Nginisian niya ang ama.

"Sana pala hindi mo ako tinuruan maging gentleman at rumespeto sa kababaihan kung ganyan ang gusto mong mangyari, Pa." He took a sip of his drink. "Therese, Hera and Penelope belongs to a wealthy clan. Wala sa breeding nila ang magpapagalaw at magpapabuntis sa kung sinong lalaki na sabihin ng magulang nila. It's business and money that dragged them here and I won't ruin their purity for that. All I want is my lioness."

Pinako niya ang tingin kay Aria na magiliw na nakikipagkwentuhan sa kanyang ina at kay Keana.

"Cupid must've shot you hard. Lakas ng tama mo. "

Nagtawanan silang mag-ama habang pinagmamasdan ang mga babae sa buhay nila. Her mom, Keana, and his woman, Aria.
  
  
  
  
 
  
  
  
  
TILA nasa langit si Aria nang makaupo sa isang malambot na silya. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao sa mansion kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para makaupo. Kanina pa kasi siya nag-eentertain ng mga taong hindi niya kilala. Lahat sila ay interesado sa background niya sa medisina. Nalaman niya kay Keana na wala palang doctor o kahit sina na nasa larangan ng medisina sa pamilya.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon