NASA shop na ang Kuya Helius niya nang dumating sila ni Zeke. Agad niyang binuksan ang shop para sa loob sila makapag-usap.Sinabihan niya rin si Zeke na huwag na munang banggitin sa kanyang kapatid ang tungkol sa pagbubuntis ni Aria. Sigurado kasi siyang mawawala sa konsentrasyon ang kanyang kapatid. Makukulong ito sa paghahanap kay Aria which is not good dahil kay Charity. Kailangan muna nilang alisin sa landas nila si Charity para walang maging problema kapag nahanap na nila si Aria.
"Ano bang kailangan mong sabihin na hindi makapaghintay ng umaga, Keana?" Nabubugnot na tanong ng kanyang kuya.
Abala si Zeke sa paghahanda ng makakain nila sa pantry kaya silang dalawang magkapatid lamang ang nasa opisina niya.
Ipinakita niya sa kapatid ang mga ebidensya na nakalap niya sa magdamag. Pinapanood niya ang video ng confession ni Hugo maging ang hospital record ni Charity.
"You were right, Keana. Hindi ko anak ang pinagbubuntis ni Charity. This is enough evidence para hindi ako maikasal sa kanya. Thank you, Keana." Mahigpit siyang niyakap ng kapatid sa sobrang kasiyahan nito.
"No, kuya. This isn't enough. We need more evidence. Hindi maniniwala si Lolo sa mga ebidensya na ito. We need concrete evidence." Makahulugan niyang tiningnan ang kapatid.
"What is that look, Keana?"
"We need to do the paternity test immediately. Any news about it?"
Mabilis na umiling si Helius. Napailing na lang din si Keana sa pagkabigo.
"Kailangan natin ang paternity test result para mapatunayan na hindi mo anak ang dinadala ni Charity. But how?" Nag-isip siya ng paraan para makakuha ng paternity test.
"Napakadali na pekein ang resulta ng paternity test. Charity won't think twice to pay people to do that for him." Sumang-ayon si Keana sa sinabi ng kanyang kapatid.
Tuso si Charity kaya gagawin nito ang lahat para pumabor rito ang pagkakataon.
"Alam ko na ang gagawin natin, kuya." Tinawag ni Keana si Zeke mula sa pantry. "Zeke!"
Agad namang lumabas si Zeke mula sa pantry dala ang dalawang bowl ng salad.
"What is it this time, Keana?"
Alam niyang nabubugnot na sa kanya si Zeke dahil napaka-bossy niya pero ngayon lang naman ito dahil oras ang kalaban nila.
"Get ready. Babalik tayo sa hideout ninyo ni Kuya. Hugo needs to do something for us."
Nagtataka man ay sumunod na lang si Zeke ngunit hindi ito pumayag na hindi nila kainin ni Helius ang ginawa nitong vegetable salad. Ang nangyari ay kumakain silang magkapatid sa kotse habang si Zeke ay nagmamaneho. Sinubukan niyang alukin si Zeke ng pagkain pero hindi daw ito nagugutom na sinang-ayunan naman ng kuya niya. Hindi daw ito mahilig kumain kapag nagtatrabaho.
Pagdating nila sa hideout ay dinala ng mga tauhan si Hugo sa opisina ng kuya kung saan sila naghihintay. Ang opisina ng kuya niya ay nasa basement din kaya walang ibang tao na makakakita sa kanila.
Hindi nila madidiktahan si Charity sa gagawin nito kaya gagamitin niya ang mga taong nasa paligid nito para mailabas ang katotohanan.
"KILLIAN?"Nagtatakang tanong ni Hugo nang makita si Helius na naghihintay sa dulo ng mahabang mesa. Nasa kanan niya nakaupo si Keana at nasa kaliwa naman niya si Zeke habang nakabantay sa may pinto ang dalawang tauhan ni Helius. Nagkalat naman sa labas ng hideout ang ibang tauhan para magbantay.
"Nice to meet you, Hugo." Nakangising wika ni Helius.
"Anong ibig sabihin nito? Nasaan si Charity?" Alam niyang naguguluhan ng sobra si Hugo kaya naman hinayaan niya na si Keana ang magpaliwanag.
![](https://img.wattpad.com/cover/261113367-288-k914786.jpg)
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...