HINDI mapakali si Keana at Helius habang naghihintay sa loob ng kotse. Ngayong araw ilalabas ang result ng paternity test. Dahil nga may basbas ito ng kanyang Lolo ay ipinulong nito ang lahat ng elders para sa result.Ang tauhan ng Lolo niya ang kukuha ng result para maiwasan na mapalitan ito. Siniguro lamang ni Helius na walang mangyayaring anomalya sa resulta. Umaaasa din siya na ginawa ni Hugo ang kanilang napag-usapan.
Napakislot si Helius nang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Zeke.
"Zeke, anong balita?" Nasa loob ng ospital si Zeke at sinisiguro na hindi mapapalitan o magagalaw ang resulta.
"It's good, sir. Hawak na ni Tyrone ang result." Tyrone is his Lolo's private bodyguard as well as most trusted assistant. "Papalabas na sila ng ospital."
"Sige, kami na ni Keana ang bahala."
Susundan nila ang kotse ni Tyrone upang matiyak na makakarating ito ng ligtas sa mansion ng kanyang Lolo kung saan nagtitipon ang mga elders at ang kanyang mga magulang.
Habang nagmamaneho ay tumunog ang kanyang cellphone. He asked Keana to answer the phone.
"It's your private investigator, kuya," wika ni Keana saka inilagay sa tenga niya ang cellphone.
"What is it?" tanong niya sa nasa kabilang linya.
"Sir, wala din po si Miss Aria sa sinabi ninyong lugar. Maging si Celina Sales ay wala rin po sa lugar na ito. Ang sabi ng mga tao ay ilang buwan na nilang hindi nakikita si Celina. Huli daw nila itong nakita ay noong dumating ang pamangkin nito ilang buwan na ang nakakaraan. Pero may nakapagsabi na isang tricycle driver na naisakay daw nito ang isang kapatid ni Aria nitong nakaraang araw lamang."
Nahampas niya ang manibela ng kotse dahil sa inis. Akala niya ay mahahanap na niya si Aria. Pero alam niyang malapit na.
"Look for a trace. Kung kailangang silawin mo ng pera ang mga tao riyan para magsalita sila kung nasaan si Aria ay gawin mo!"
He dodge the phone in anger. Nahulog ito ngunit agad na pinulot ni Keana at pinatay ang tawag.
"Hindi pa rin nahahanap si Aria," Keana said. "Mahirap talaga hanapin ang nagtatago."
"There's no reason for her to hide, Keana. She didn't do anything. Ako itong may kasalanan sa kanya." He said, keeping his eyes on the road.
"Siguro dahil may ayaw siya na malaman mo o baka ayaw na talaga niya sa iyo."
Hindi niya alam kung matutuwa siya sa sinabi ng kapatid. Hindi na lamang niya ito pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho.
Malapit na sila sa mansion ng kanyang Lolo nang tumunog naman ang cellphone ni Keana.
"Yes.. speaking. That's good. Bring it to the address that I'll send later... Hurry up, Carlo!"
Carlo is Keana's personal assistant. Ito ang madalas nitong kasama at utusan lalo na kung mga personal matters.
"What is it?" usisa niya sa kapatid.
"Nothing." Maikli nitong sagot habang tinatanggal ang seatbelt. "We're here."
Bumaba sila ng kotse at pumasok sa loob ng mansion. Dinala sila ng katulong aa conference room sa loob ng bahay. Pagdating doon ay sumalubong sa kanila ang mga mata na puno ng panghuhusga. Hindi na siya magtataka sa mga tingin na iyon ng kanyang mga kamag-anak. Charity was there sitting beside her grandfather. Ngumiti ito sa kanya ngunit inirapan niya lang. Naupo sila ni Keana sa bakanteng upuan sa tabi ng kanilang magulang.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomantizmSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...