NAGISING si Aria sa iyak ni Naia kaya mabilis siyang bumangon. Madilim pa sa labas. Nang tingnan niya ang orasan sa side table ay alas kwatro pa lang ng madaling araw.Oras na para sa breastfeed ng kanyang anak. Kinuha niya sa crib ang anak at naupo sila sa breastfeeding couch na binili ni Helius para sa kanilang mag-ina. Parang iyon ang kanilang munting palasyo.
Speaking of Helius, nagtataka siya dahil wala ito sa kama nang magising siya. Baka nasa kusina ito. Tinapos niya lamang ang pagpapa-breastfed kay Naia saka siya lumabas ng silid para hanapin si Helius.
Hinanap niya sa balkonahe, sa kusina maging sa dalampasigan ngunit wala ito roon. Nakita niya sa dirty kitchen ang Tita Celina niya. Maaga na naman itong nagising para ipaghanda sila ng almusal.
Lumapit siya sa tiyahin na naghihiwa ng bawang para sa sinangag nito.
"Tita, napansin niyo po si Helius? Wala po kasi siya sa kwarto."
"Naku, maagang umalis si Helius. Kaninang alas dosnay ginising niya ako para nagpaalam. Luluwas daw muna siya ng Maynila dahil may nangyari daw kay Charity."
Tila may milyon-milyong karayom ang tumusok sa dibdib niya nang marinig ang pangalan ni Charity. Ano kaya ang nangyari sa babaeng 'yon at kailangam pa talaga ang presensiya ni Helius?
Naiinis siya ngunit hindi niya pinahalata sa kamyang Tita Celina.
"Baka po emergency ang nangyari kay Charity kaya hindi na siya nakapagpaalam sa akin." Sabi na lamang niya kahit sa loob niya ay nagngingitngit na sa inis.
"Siguro nga. Nagmamadali siyang umalis kanina. Nakalimutan na nga niya ang kanyang cellphone."
Napalunok na lamang siya para pigilan ang galit at inis na nararamdaman. Paano niya ngayon matatawagan si Helius? Iniwan nito ang cellphone.
Kinuha niya sa tiyahin ang cellphone ni Hel saka bumalik sa kwarto. Mahimbing ang tulog ng kanyang anak habang siya naman ay halos hindi na mapakali dahil sa pag-alis ni Helius.
Maraming tumatakbo sa isip niya. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero hindi niya mapigilan. Paano kung katulad ng ina ni Keana si Charity na gagawin ang lahat para makuha ang atensyon ni Hel?
Napatingin siya sa kanyang anak.
"Naia, do you think your Daddy will leave us?" tanong niya sa anak na napakasarap ng tulog.
Napangiti siya nang ngumiti ang sanggol.
"You must be having a very mice dreams. Sleep tight, my girl. Magpapakatatag si Mommy para sa iyo." Kinintalan niya ito ng halik sa noo.
Humiga siya sa kama at sinubukang kalimutan ang tungkol kay Charity at sa pag-alis ni Helius. She needs to rest for her baby.
ARIA tried her best not to get affected by Helius' sudden absence. Tulad ng nakasanayan niya, inasikaso niya ang kanyang anak. She kept herself busy with Naia to keep her mind occupied and to avoid thinking too much about Helius.Karga niya si Naia habang ini-enjoy ang sikat ng araw sa dalampasigan. Pinapaarawan niya si Naia para sa kalusugan nito at ayon na rin sa payo ng kanyang Tita Celina.
She's walking by the shore while Naia was sleeping in her arms. Payapa ang paligid na tila walang ibang gagambala sa masarap na tulog ng kanyang anak.
Nawala ang ngiti sa labi niya nang mapansin ang mga yate na papalapit sa dalampasigan. Kinabahan siya. Private property ang lugar na iyon kaya hindi basta-basta makakadaong ang mga sasakyang pandagat. Ang mas ikinabahala niya ay ang bilang ng mga ito. Lima na yate ang papalapit ngayon sa dalampasigan.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...