14

6.2K 182 4
                                    

  
  
  
  
  
HINDI kasama ni Aria na umuwi ng mansion si Helius dahil nagtungo pa ito sa mansion ng mga magulang. Kakausapin nito ang mga elders kaugnay ng nangyari sa kanya at sa pag-uugali na ipinapakita ni Charity.

Pagdating niya sa mansion ay agad siyang dinala ni Devanie sa isang silid. Hindi iyon ang silid niya sa mansion kaya nagtaka siya.

"Kaninong kwarto ito?" tanong niya sa butler na nasa unahan nila ni Devanie.

"Bilin ng master na dito muna kayo sa silid na ito habang wala pa siya. Para din po ito sa inyong kaligtasan."

Wala na siyang nagawa dahil mahigpit na bilin ni Helius bago sila magkahiwalay kanina sa ospital na huwag muna palalapitin ang kahit na sino sa mga lady sa kanya. He's being so protective towards her. Hindi nito alam na mas lalo siyang pag-iinitan ni Charity dahil sa ginagawa nito.

Nagpasalamat na lang siya sa butler sa pagiging masunurin nito. Tiyak niya na kapag hindi siya sumunod sa bilin ni Helius ay pati ang mga tao sa mansyon ay madadamay sa galit nito.

"Anong oras na, Devanie?"

She lost track of time when she's with Helius kaya naman hindi niya alam kung oras na ba para kumain siya.

"Alas kwatro na po ng hapon, Miss Aria. Bakit po?"

Napahawak siya sa tiyan nang tumunog ito.

"Naku, hindi pa nga po pala kayo nakakapagtanghalian.  Lagot ako nito."

Nagmamadaling umalis si Devanie para ipagluto siya ng makakain. Hindi na niya nagawang sabihin dito na ayos na sa kanya ang tinapay at juice dahil nagmamadali ito.

Naiwan siya sa silid na mag-isa. Ilang sandali lamang ay nakaramdam siya ng antok. Dala na din siguro ng gutom. Humiga siya sa kama pars umidlip sandali.
  
Nagising na lamang siya sa mahinang tapiknsa kanyang pisngi. Nang imulat niya ang mgabmata ay nakita niya si Devanie.

"Pasensiya na kung naabala ko ang tulog ninyo. Pinapagising na po kasi kayo ni Sir Helius dahil kailangan niyo na daw po kumain para po makainom na kayo ng inyong gamot." Inalalayan siya ni Devanie na bumangon.

Inaantok pa siya ngunit kailangan niyang kumain para makainom ng gamot. Nang makarating siya sa dining area ay nadatnan niya na kumakain na sina Hel at ang ibang mga ladies kabilang na si Charity.

Nag-aalalang tumingin sa kanya sina Therese at Penelope habang si Hera naman ay masama ang tingin sa tahimik na si Charity.

"Have a seat, Sari."

Nanibago siya sa tono ng boses ni Hel dahil napakaseryoso nito. Tuloy lamang ito sa pagsubo at hindi tumitingin sa kanya na parang wala itong kakesohan na sinabi sa kanya noong nasa ospital sila.

Naupo siya sa kanan ng inuupuan ni Hel na siyang nasa kabisera ng mesa. Katabi niya si Hera at Therese.

Hindi na niya hinintay na asikasuhin ni Devanie, nagkusa na siyang paglingkuran ang sarili dahil kaya naman niya.

Tahimik ang lahat habang kumakain. Ito ang unang beses na magkakasabay-sabay silang kumain kaya naman binusog niya ang sarili dahil kanina pa talaga siya nagugutom.

"Ayoko nang maulit ang nangyari kanina sa pamamahay ko."

Lahat sila ay napahinto sa pagsubo nang magsalita si Hel. Seryoso itong kumakain at hindi tumitingin sa kanila kapag nagsasalita.

"It brought chaos to the elders that resulted to your first and final warning, Charity." Tinapunan ng tingin ni Hel si Charity na napayuko na lamang. "Being my ex is not a reason to hurt Aria who only did her job as my lady."

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon